(Cath's POV)
Two days na ang nakalipas pero hindi parin nagigising si steph kaya sobra na ang pag aalala namin sa kanya. Sabi ng doktor ay dahil sa pagod at tinamo nito kaya ilang araw na 'tong tulog. Hayaan lang daw muna namin dahil gigising din naman sya, kaylangan lang nya ng sapat na lakas.
Hindi ko parin makalimutan ang tagpong nangyare sa pool. Kumukulo ang dugo ko sa kanilang dalawa kapag naaalala ko ang lahat. Sumobra na masyado si gale sa mga ginawa nya kay steph at hindi na nakakatuwa. Akala mo pa kung sinong kawawa kung tutuusin sya ang nagsimula nang gulong 'to.
Ako muna ang nag aalaga kay steph dahil alam kong maraming inaasikaso sila tita at tito tulad narin nang nasabi ni steph sa amin. Alam ko rin na inaasikaso na nila ang nangyare kay steph. Nang malaman nila ang sinapit ni steph kahapon ay hindi na nila pinalampas at umalis agad para pumunta sa school. Kinausap nila ang magulang ni gale at parang sila pa daw ang may ganang magalit dahil binaligtad ni gale ang kwento. Alam nila tito na hinding hindi magagawa iyon ni steph kaya naniniwala sila na kasalanan ng babaeng iyon ang lahat ng ito. Naikwento din sa akin kanina na kasama nito si marcus kaya nagulat daw sila at parang maling tao daw ang ipinagkatiwala nila para kay steph. Galit na galit sila sa sinapit ni steph at hindi sila makakapayag na walang mangyayareng parusa kay gale. Kaya hinihintay din naming magising si steph ay dahil narin kaylangang marinig ang side nya para malaman kung sino talaga ang nauna.
"Magpahinga kana muna, ako na muna ang magbabantay sa kanya mukang wala ka pang tulog." Sabi ni aj na kapapasok lang. Tinanguan ko lang sya at humiga sa sofa malapit kung saan nakahiga si steph
Wala pa sigurong ilang minutong ipinikit ko ang mata ko ng sumigaw si aj kaya napabalikwas ako ng bangon at tumakbo palapit kay steph.
***
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ramdam ko parin ang sakit sa ulo at likuran ko. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyare pagkatapos kong mawalan ng malay sa tubig. Akala ko mamamatay na ako nung araw na 'yun kaya takot na takot ako. Nabaling ang atensyon ko kay aj na sumigaw at tarantang lumapit sa akin kasabay ni cath.
"Thank you Lord. Steph how are you feeling? What do you want? May masakit ba sayo? Tatawag lang ako ng doktor." Natataranta itong lumabas ng kwarto. Gusto kong matawa sa itsura nya kaso hindi ko magawa dahil narin sa kalagayan ko at sa oxygen na nakalagay sa ilong ko. Medyo hirap parin akong huminga pero kaya ko pa naman. Umiiyak naman sa tabi ko si cath kaya dahan dahan kong itinaas ang kamay ko upang maabot ang muka nya pero hirapan akong abutin sya kaya ito na ang kusang humawak sa kamay ko at lalo pa itong umiyak. Hindi ko napigilang maluha kahit hirap na hirap ako gumalaw at medyo hirap pang magsalita. Dahil siguro sa sobrang pagod at sakit ay hindi kinaya ng katawan ko kaya ganito nalang ang naging epekto sa akin.
"S-shh I-I'm still Al-live." Nahihirapang saad ko sa kanya at pinunasan ang luha nya. Pumasok naman ang isang doktor at dalawang nurse kasabay ni aj.
Tinignan ng nurse ang suwero ko at ang isa naman ay tinignan ang blood pressure ko. Ang daming pinaliwanag ng doktor sa akin bago sila tuluyang lumabas.
"Magpahinga kana muna steph, saka mo nalang ikwento sa amin ang lahat. Kaylangan mong magpagaling dahil binabaligtad ni gale ang mga nangyare sa inyo sa pool." Nangunot ang noo ko kaya kahit nahihirapan akong magsalita at huminga tinanong ko sya kung ano ang ibig nyang sabihin.
She told me everything from the time that they saw me under the water. Lalong akong nasaktan ng marinig kong kinampihan nanaman ni marcus si gale at ang pagbabaliktad nito sa kwento. Hindi ko na kaya ang pang aaping ginagawa nya sa akin. Simula ngayon pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila sa akin at pati si marcus ay hindi ko mapapatawad. Magpapagaling ako at sinisiguro ko na pagbalik ko ay magbabayad si gale sa kasalanang ginawa nya sa akin.
Pagsapit ng hapon ay maraming bumisita sa akin na mga kaklase ko na kina kamusta ako. Meron pang iba na nagdala ng mga prutas. Meron din mga hindi ko kilala at sinasabing nasa akin sila naniniwala dahil alam daw nila na si gale talaga ang laging nauuna. May mga teacher din na bumisita sakin para kumustahin ako. Nag-alala sila ng sobra at alam nilang hindi ko raw magagawa ang ganung bagay kaya sobra ang pasasalamat ko na may mga tao paring mababait at kayang pumanig sa tama kahit hindi nila ako lubos na kakilala ay naniniwala sila sa akin.
***
Halos dalawang linggo ang itinagal ko sa hospital dahil gusto nila mom na mag under ako ng iba't-ibang test para masiguro na wala nang ibang naapektuhan at masakit sa akin. Naikwento ko narin sa kanila ang totoong nangyare at sisiguraduhin daw nila na hindi na ito mauulit.
Sapat na ang dalawang linggo sa hospital para magpagaling at dalawang araw dito sa bahay para magpalakas. Bukas ay papasok na ako dahil marami narin akong na missed na quizzes and activities. Ayokong pabayaan ang pag-aaral ko kaya kahit medyo nahihilo ay kakayanin ko para makapasok na bukas. Hindi naman ako gaanong mahihirapan dahil after ng klase ay dumederetcho sila aj at cath dito para ituro sa akin ang mga lesson na napag aralan nila. Para narin daw may alam ako pag pasok ko bukas. Na excuse naman ako sa lahat ng klase ko dahil sa nangyare sa akin pero syempre ayoko pa din na mapagiwanan ako sa mga itinuturo.
***
Pagkapasok na pagkapasok ko sa school ay maraming bumati sa akin at kinumusta ang lagay ko. Naabutan ko naman sila aj sa tambayan namin kaya umupo na muna ako sa tabi nila.
"Are you sure kaya mo na pumasok?" Binaling ko ang tingin ko kay cath at nginitian sya.
"Okay lang ako 'wag na kayong masyadong magalala. Saka nandyan naman kayo lagi sa tabi ko diba?" Tumango lang sila at di na nagtanong pa.
Nasa daan na kami papuntang room nang mahagip ng mga mata ko ang dahilan kung ba't ako nahihirapan ngayon. Lalong gustong kumawala ng galit sa akin nang makitang kasama nya si marc at parehong nakangiti sa isa't isa na akala mong walang nagawang kasalanan sa akin.
Hindi manlang nya ako nagawang bisitahin kahit isang beses. Pagkatapos makikita ko sya ngayon na masaya kasama si Gale.
Nabigla nalang ako ng hilain ni aj ang braso ko papasok sa room at dumeretcho sa kanya kanya naming upuan. Hinayaan ko nalang kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Hindi pa ako nakaka recover sa nangyare kaya hindi dapat ako masyadong naii stress tulad ng sabi ng doktor.
Pagkapasok ni marcus ay sa harap ko pa ito mismo dumaan pero hinyaan ko nalang. Nabaling ang tingin ko kay aj na nanlilisik ang mga mata kay marcus at napaka higpit ang pagkakakuyom sa kanyang kamao. Tinapik ko naman sya at nginitian na para bang sinasabing hayaan nalang nya. Kaya itinuon nalang nito ang atensyon sa harap na saktong pagdating ng teacher namin na si ma'am Nikki .
"How are you Steph? Are you sure you can attend the class? Are you feeling well?" Gulat na tanong ni ma'am sa akin nang makitang nandito na ako sa room. tinanguan ko nalang sya at nagsimula na syang mag lecture.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Novela JuvenilEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...