Pagpasok palang ng sasakyan namin sa loob ng school ay sobrang kaba na ang nararamdaman ko lalo na ngayong napakaraming tao. Medyo pinagpapawisan narin ako kahit na nakaupo lang ako dito sa loob ng sasakyan. Kita ko sa labas na maraming nakatingin sa amin pero binalewala ko lang.
"Are you nervous? Don't worry we will cheer you later." Nakangiting saad ni mommy sabay hawak sa kamay kong nanginginig na. Napatango nalang ako sa kanya dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
Binaba kami ni kuya gabb sa parking lot at natagpuan namin sila Aj at Cath doon na naghihintay sa amin.
"OMG! Steph nakakaloka ka ikaw ba yan?!" Sigaw na saad ni cath patakbo sa akin at bigla akong niyakap. Natawa naman ako sa inasta nya pati narin sila mom at dad.
"Wag ka ngang oa dyan akala mo namang hindi mo ko nakikitang nag aayos kung maka react ka."
"Eto naman excited lang ako eh." Napasimangot ito at biglang humarap kila mommy.
"Hi tito, Hi tita." Bati nila Aj sa kanila at nakipag besohan pa. Minsan pag kasama nila sila mom naiisip ko na sila yung anak kaysa sa akin masyado kasi silang close sa kanila saka itinuring narin nila mom at dad na parang anak narin nila sila aj at cath. Para ko na nga rin silang kapatid kaya okay lang sa akin.
"Hello couple. You're still look good together." Natawa naman ako sa sinabi ni dad at nakitang napasimangot si cath sa tabi ni aj.
"Dad they are not a couple hahaha they are just friends." Saad ko habang tawa ng tawa. Akala nila dad na mag boyfriend at girlfriend sila lalo na pag nakikita nya sila na pumupunta sa bahay na magkasama.
"Oh we're so sorry we thought you are a couple. You look good together kasi."
"I told you cath, even tito and tita already said that we are look good together. Why dont we just try?" Nangaasar na sabi ni aj kay cath na tinaas baba pa ang mga kilay. Natawa naman kami sa kanya at bigla syang pinaghahampas ni cath sa braso pero mahahalata mong namumula si cath sa sinabi ni aj sa kanya. Binawal ko naman sila agad at inaya ng pumasok sa loob ng school. Dumeretcho agad kami sa room dahil mamaya pa naman magiistart ang opening ng intrams.
Nagbubulungan lahat ng mga tao na nadadaanan namin at napapatingin sa itsura ko. Sino ba namang hindi eh nakasuot ako ng backless dress na black na above the knee tapos naka heels ako ng 6 inch. May mga makeup artist din kaming kasama dala lahat ng mga gamit na kakaylanganin ko mamaya.
Pagpasok palang namin sa room ay nagulat ako sa naabutan ko. Hindi ko ineexpect na mag eeffort sila para sa amin ni marc. Nakita ko na may tarpaulin kami at mga baloons. Medyo nabawasan yung kabang kanina ko pa nararamdaman.
Natigilan naman yung mga kaklase namin ng makapasok kami at nagulat ng makita ako. Makikita sa mga mata nila ang pagkamangha. Lahat sila ay lumapit sa amin at sinasabihan ako na galingan ko daw mamaya.
Nabaling naman ang tingin ko ng magsalita si dad sa gilid ko pero nakaharap ito sa pinto.
"Marcus, You look good today. where's your mom and dad?"
"Tito parating narin po sila nag park lang po saglit ng sasakyan."
Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng tumingin sya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nagtaka ako ng makitang nakangunot ang noo nya pero hinayaan ko nalang sya at binaling ang tingin sa iba.
Natahimik kaming lahat nang tumunog ang speaker ng school namin para sa announcement.
"Good morning everyone! Welcome to the Intrams of St. Xaviers University 20**. I know that all of you are excited today because this is the most unawaited event of the year. I hope that all of you will be participate and enjoy the event. Before 9:00 in the morning we would like you to proceed at the gymnasium area for the openning remarks. Thank you everyone and let's enjoy the day."
Naghiyawan naman lahat ng mga classmates namin dahil sa tuwa at excite.
"Good morning Mr. and Mrs. Ramirez." Masayang bati ng teacher namin na nakalapit na pala sa parents ko.
"Good morning Ms-...?"
"Nikki. Nikki Sandoval."
"Good morning Ms. Sandoval. Thank you for helping and giving effort in supporting steph and also marc in this event." Nakangiting saad ni mom kay ma'am nikki
"No worries ma'am."
"May we request something if you don't mind?" Tanong ni mom.
"Oh sure."
"Can we rest here for a while? Kauuwi lang kasi namin from a business meeting and wala pa kaming pahinga. Pero syempre ayaw naming palagpasin tong event kaya kami nandito for steph because we want to support our lovely daughter."
Mahahalata sa mata nila mom at dad na pagod na sila pero kahit ganun andito parin sila para sa akin. I'm so blessed that they are my parents and i love them so much. I will do everything for them to be happy just like what they always do for me. Nakangiti namang tumango si ma'am pero muli itong nagsalita.
"You can use the other room, Guest room po iyon may mga beds na nandoon. Ginagamit po iyon ng mga students pag sportsfest at event na tulad nito. Pwede nyo narin iyong gawin na room para pag magaayos sila steph at marcus para mamaya."
Tumango naman sila mom at sumunod sa kanila kasama yung mga makeup artist ko papunta roon. Natigilan naman ako nang hagitin ni cath ang braso ko at hinila ako papuntang labas. Nakita ko naman sila tito dave na naabutan nila dad at sumabay dito pero nahila na ako ni cath papuntang garden.
"Ano bang problema?" Tanong ko sa kanya. Pero para syang baliw na nagpipigil ng ngiti at tawa.
"Sinadya mo bang magsuot ng ganyan para mapansin ka nya?" Nakangiting saad nya na ikinunot ng noo ko. Hindi ko sya maintindihan sa sinasabi nya.
"Ano ba yang sinasabi mo cath hindi kita maintindihan?"
"Aysus kunware pa eh hahaha ang sabi ko kaya ka ba nagsuot ng daring eh para mapansin ka ni marc kasi kung oo nagtagumpay ka hahaha!" Nababaliw na ata si cath sa mga pinagsasabi nya. binatukan ko sya kaya napa aray sya.
"Malala ka na. Sinuot ko to kasi mas madadalian daw akong ayusan mamaya sabi ng mga baklang magaayos sa akin hindi para iseduce si marc gaga ka. Saka ano bang pinagsasabi mo dyan ako? mapapansin ni marc? hahaha nagpapatawa ka ba?" Mapakla akong tumawa sa kanya at tinapik sya sa balikat.
"Sorry naman akala ko kasi eh. Saka kung makatingin kasi sya sayo kanina parang gusto ka nyang hilain palabas lalo na nung tinitignan nya yung mga tumitingin sayo akala mong papatay sya eh hahaha." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nya pero ayokong mag assume kaya hinayaan ko nalang at hinila na sya pabalik ng room.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Novela JuvenilEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...