"Good morning students." Masayang bati ni Ma'am Nikki sa amin.
"So before we proceed to our discussion for today I just want to announce something. I know that all of you already know the upcoming intramurals this september and I want all of you to participate this upcoming event. There will be a competion for the booths and also games or entertainments for all of you. Gusto ko na lahat makikipagparticipate at makuha natin ang first place para sa booth na gagawin nyo because there will be a price na mapupunta sa buong section nyo pag nagkataon na mananalo kayo."
Naghiyawan naman ang lahat at naguusap usap na kung ano ang gagawin nila sa booth namin samantalang kami nila cath ay tahimik at nakikinig lang sa lahat ng sinasabi ni ma'am. Para sa akin intrams ang pinaka inaabangan ko sa lahat dahil hindi ka talaga mabobored dahil maraming gagawin. Maraming mga booths, food stalls, games and so on.
"If ever na gusto nyo ring sumali sa sports like basketball, volleyball, soccer and softball you can talk to your PE coordinator for listing of your names." Dagdag pa nito.
"So that's all for today. Do you have any questions before we proceed to our discussion? Anyone?" Tanong ni ma'am Nikki sa buong klase habang ginagala ang mata. May mga nagtanong naman at ang iba ay nagusap usap lang sa kani kanilang upuan.
Kinalabit ko naman si Aj sa tabi ko at napatingin ito sa akin. Alam kong gustong gusto nya ang basketball kaso ewan ko ba at tuwing intrams ayaw nyang mag tryout.
"Ano wala ka nanamang balak na sumali? Akala ko ba ball is life ka hahaha ano ba problema?" Tanong ko rito at hindi manlang ako kinibo. Matapos ang ilang minuto ay saka ito nagsalita.
"Hindi ko alam, Dahil maski ako hindi ko rin alam kung bakit ayokong sumali. Saka wala rin namang magchicheer sakin kaya wag nalang." Saad nya habang nakasimangot bahagya naman akong natawa at napailing sa ginawa nya.
"Ano ka ba naman ano yang pinagsasabi mo dyan. Andito kami oh, Kami ang mag chicheer para sayo para lumakas yang loob mo. Kung gusto mo gagawa kami ng fans club mo para maraming mag chicheer sayo hahaha. Sige na sumali ka na kahit this intrams lang."
Natahimik nanaman sya at nangunot ang noo. Alam kong gusto nyang sumali kaya ipupush ko talaga sya. Saka gusto ko syang makita sa court na maglaro dahil minsan lang naman lalo na graduating na kami. Last na to nang pagiging high school.
Napatingin naman ako sa kanya ng bumuntong hininga sya at napangiti ako ng biglang tumango sya.
"Ma'am diba po tuwing intrams we will be having our Mr. and Ms. intrams? Who will be our representative po here in our room?" Nabaling naman ang tingin naming lahat sa kaklase naming tumayo at nagsalita.
Napamura naman ako sa tanong nya. Hindi naman sa pagiging assumera pero may part sa sarili ko na ako ang isasali nila pero sana wag naman.
Napatingin naman ako kay Aj na kanina pa pala nakatingin sa akin habang naka ngisi na animoy natatawa o nangaasar. Inirapan ko lang sya at ibinalik na ang atensyon sa harap.
"Oh I forgot. Buti pinaalala nyo sa akin yan. So sino ang gustong sumali? If ever na sasali kayo dapat di lang looks dapat brainy rin. Last year kasi hindi manlang kami nakuha kaya sana manalo naman ang team natin ngayon."
Napayuko na ako agad ng biglang lumibot ang paningin ng teacher namin sa amin. Kinakabahan ako kahit hindi ko alam kung bakit. Eto kasi ang pinaka ayoko sa lahat eh para sa akin nakaka strees lang yan kahit na never pa akong sumali sa mga pageant pageant na yan. Pero mahahalata naman na kung pano sila magpagod at magsuot ng pagkataas taas na heels kala mo mababalian na ng paa at ayokong maranasan yun.
"Ma'am why don't we just choose Stephany and Marcus as our representative. Tutal naman po they already have the looks and also they are brainy."
Napatulala naman ako sa kanya ng sabihin nya yun at napapikit habang nasa muka ang kamay. Gusto ko na syang sugurin at pagmumurahin dahil sa ginawa nya. Hindi ba nila alam na ayaw na ayaw ko ang pagsali ng mga ganyan.
Napatingin naman ako sa mga katabi ko na nagpipigil ng tawa kaya sinamaan ko lang sila ng tingin. Alam na alam nila Aj at Cath na ayoko sa mga ganitong bagay tapos ganito pa mangyayare. Nadapo naman ang tingin ko kay marcus para tignan kung ano reaksyon nya pero nakatahimik lang ito habang nakikinig.
Hindi manlang ba sya magrereklamo? Halata namang ayaw din nyang sumali pero bat nakatahimik lang sya sa upuan nya? Magsasalita na sana ako ng bigla akong unahan ni ma'am nikki.
"That's a good idea. So it's final Stephany and Marcus will be our representative. I hope that you will participate and don't worry tutulong kami sa mga kakaylanganin nyo." Nakangiting saad ni maam na ikinalaki ng mata ko.
Baliw ba sya eh hindi pa nga ako pumapayag tapos final na daw? Gusto kong sumigaw sa kina uupuan ko pero nagpipigil lang ako.
Mahahalata sa muka ng mga kakalase namin na excited sila pero ako parang nawala na yung pagka excite ko dahil sa ginawa nila. Napabuntong hininga nalang ako dahil wala narin naman ako magagawa. Pag sinabi ko to mamaya kila mom for sure tatawanan lang ako ng mga yun.
Natahimik na lahat ng magsimula na si ma'am nikki na magturo. Nakikinig man ako pero walang pumapasok sa utak ko dahil okupado ng isip ko yung mga mangyayare sa pageant.
"Okay ka lang?" Tanong ni cath sa tabi ko. It's too obvious that she's controlling herself to not laugh because she's biting her lips pero inirapan ko lang sya.
"Wag mo kong simulan wala na akong sa mood ngayon."
Natawa naman sya kaya mahina ko syang pinalo sa braso nya. Hinintay ko nalang matapos ang klase dahil wala na rin akong gana na makinig.
***
Medyo short ang UD bawi nalang sa next chapter!
Don't forget to vote, comment and follow guys😉😘
Lovelots!😍😘
IILCF💕
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Novela JuvenilEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...