Chapter 40: Preparation

0 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Sino naman kaya ang tumatawag nang ganitong oras?

"Hmmm-" Walang ganang sagot ko sa kabilang linya.

"Hoy! Wala ka ba balak bumangon? Tanghali na po pero nakahilata ka parin dyan sa kama." Sagot ng nasa kabilang linya. Nakapikit parin ako habang nakahiga sa kama. Wala paring gana bumangon.

"Aba isnabera ang gaga!" Sigaw pa nito na ipinagtaka ko. Bakit ang lakas nang sigaw nya na parang nasa malapit lang. Napabalikwas ako ng bangon nang may bumato sa akin ng unan.

Napairap ako dahil nandito lang pala sa kwarto ang kausap ko at tawa nang tawa. Napahiga nalang ulit ako at pinatay ang tawag. Lumapit sya sa akin at hinila ako sa paa kaya sinigawan ko sya.

"Ano ba Cath ang aga aga nambubulabog ka! Wala namang pasok ngayon, saka bakit nandito ka?" Pagtatanong ko sa kanya na may halong irita. Umupo lang sya sa tabi ko.

"'Wag mo sabihin na nakalimutan mo? Grabe ano ka may amnesia? purket inumpog yang ulo mo." Irap nya sa akin. Ano ba pinagsasabi nya? Ano'ng nakalimutan?

"Ano ba kasi 'yun? Wala akong maalala." Irita kong sagot sa kanya at nagtakip lang ng unan sa muka.

"Birthday mo na next week. Kaylan mo balak asikasuhin? Pinapunta ako nila tita dito dahil mukang nakalimutan mo nga dahil sa dami nang nangyare sayo."

Napaisip naman ako sa sinabi nya at napabangon ulit sa kama. Buntong hininga nalang ang nai sagot ko dahil nakalimutan ko talaga. Ang dami ko kasing inaalala this past few days. Paano ko pala aasikasuhin ang Debut ko kung ang daming problema nila mom. Gastos lang kung mag ce-celabrate pa ako, maghanda nalang siguro kami nang simple na kasama ko sila.

"Ewan, nawala din sa isip ko. Marami ng problema at ayokong isipin pa nila mom at dad ang debut ko at saka isa pang gastos kapag. Eat and run lang din naman ang ginagawa ng mga bisita hahaha. Siguro simpleng celebration nalang na kasama ko kayo." Saad ko na medyo nagdadalawang isip kasi once in a lifetime lang ang debut at hindi ko na ulit mararanasan yun kapag. Pero mas iniisip ko yung pagod nila ayoko nang dumagdag.

"Sure ka? Alam mo pag isipan mo muna nang mabuti yan. Meron pa namang isang linggo bago ang debut mo."

Tumango nalang ako at bumangon na para makaligo. Hinintay lang ako ni cath hanggang makapag ayos ako. Lumabas kami at nadatnan namin sila dad na kumakain.

"So what's the plan?" Nakangiting tanong ni mom sa akin na mahahalata ang excitment sa muka. Alam kong gusto rin nyang paghandaan ito lalo na only child nila ako.

"Pwede ba na simple celebration nalang? Yung tayo tayo nalang po, isa pa kasing aasikasuhin yun saka gastos."

Nagtinginan naman silang dalawa sa sagot ko at sabay na lumapit sa akin.

"Once in a lifetime lang yan Steph at saka anak ka namin at lahat ng hirap at pagod namin ay ginagawa namin para sayo kaya itutuloy natin ang debut mo. Kung kami ang iniisip mo 'wag kang mag alala kasi hahayaan ko kayo ni cath ang magasikaso nyan. Hindi kami mangengealam ng dad mo."

Wala narin ako magagawa kaya pumayag na ako. At nagpatawag nga si mom ng planner for my debut at isang sikat na designer for my gown. Hapon dadating ang mga iyon kaya naisipan namin ni cath na mag mall muna para malibang.

Ako na ang nag drive gamit ang sasakyan namin. Hindi alam ni dad na marunong ako mag drive kasi palihim akong nagpaturo kay kuya gabb noon. Lagi kasing busy si dad minsan naman maraming gawain si kuya gabb kaya nagpaturo ako in case na wala akong kasama na lumabas para mag drive sa akin.

Pagkarating namin ay pumasok agad  kami sa mga shops para maghanap ng susuutin kong heels. Naghanap narin kami ng dress baka sakali na kaylanganin ko. Nang matapos kami ay nagdecide kaming kumain bago umuwi.

"Bakit pala hindi mo kasama si Aj?"

"Hindi ka pa ba sanay dun? Nag date sila ni stacy kaya hindi daw sya makakasama sa akin." Napasimangot naman ito kaya tumango nalang ako.

***

"Steph anong theme ba ang gusto mo? Parang maganda ang masquerade tas black and red ang color, fierce and hot ang dating. Pwede rin yung bohamian or something fantasy." Suggest ni cath. Napaisip naman ako hindi kaya masyado namang old ang masquerade? Yung bohamian parang ang dull hahaha pero okay din naman.

Tinignan ko pa yung ibang theme nung binigay sa amin ng debut planner ko. Naagaw ng atensyon ko yung royalty. Mas muka syang elegante kung titignan hindi rin masyadong dark at dull. So ang pinili ko ay ang royalty para maiba naman. Natuwa pa nga yung kausap namin dahil maganda daw ang napili ko. Madalas lang daw kasi mapali ang theme na iyon. karamihan kasi sa naging customer nila ay mas bet ang black or red.

Natanong ko naman kung bakit hindi gaanong napipili yung royalty ang sagot naman nya ay dahil masyado daw mahal. Yung mga ginagamit daw kasi nilang design karamihan ay totoong gawa sa silver or gold na galing pa sa Paris. Halos puro kilalang tao or mayaman lang daw ang nakakakuha nang ganun.

Wala namang tutol sila mom at dad nang ipakita ko sa kanila yung theme na gusto ko at natuwa pa sila dahil napaka ganda daw nito. Mas paghahandaan namin yung dress na susuutin ko dahil iyon ang pinaka kakaylanganin ko sa araw ng debut ko. Ayokong magkaroon nang kahit maliit na problema dahil importante ang gaganapin sa araw na iyon.

"By the way, alam ko na si tito ang first dance mo or pwede rin namang last dance. Pero ano balak mo?" Humarap ako sa kanya at napaisip saglit. Well, it would be fine to my dad if he's my first dance or last dance pero mas gusto ko na sya ang first dance ko. Ang kaso...sino ang magiging last dance ko?

"Si Aj nalang kaya ang last dance ko?" Nakangiwi kong sagot sa kanya. Wala namang problema because he's my friend pero bakit parang pati sarili ko ay ayaw sya'ng  magiging last dance ko.

"Sure ka? Tss! baka magsisi ka dyan. Alam mo chance mo na to kaya kahit ngayon lang, Sundin mo kung anong gusto nang puso mo." Sagot nya at alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin. Tumayo na sya sa pagkakaupo at nagpaalam sa akin at kila mom. Magdidilim na kaya uuwi na sya.

Kinuha ko nalang ang remote sa gilid ng couch saka nanood ng Netflix para mawala sa isip ko ang sinabi ni Cath.

***

A/N:

Ey yow! Ilang chapters nalang at malapit ng matapos ang IIMCF. Kaya pagpupursigihan ko nang tapusin para hindi na kayo mabitin. Sana suportahan nyo rin ang next story ko na Haters Arrangement. Kahit alam ko na hindi ako ganun kagaling na writer sana support nyo parin ako kasi dun talaga lumalakas yung loob ko na pagbutihan pa lalo na gumawa ng ibang story. Let's help each other para masaya lahat. Thank you!😊😍😘

***

Don't forget to vote, comment and follow guys!😉

Lovelots!😍😘

IILCF💕

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon