Chapter 44: Meet his Fam

1 0 0
                                    

Ilang hakbang lang ang tinahak namin para marating ang bahay nila Raven. Pero nagmistulang mansyon ito dahil sa laki. Namangha ako nang makapasok kami sa isang napakalaking gate. Bumugad agad sa amin ang amoy ng mga bulaklak na nakapalibot sa buong bahay at ang sariwang hangin na isinasayaw pa ang mga halaman at ang dahon ng puno. Kahit madilim na ay kapansin pansin parin ang mga nag gagandahang mga bulaklak dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa bawat pader ng bahay. Nakakamangha at halatang alaga ito nang mabuti.

Linampasan namin ang hardin at nagderetcho sa isang malaking pinto. Binuksan ito ni Raven at mas lalo akong namangha sa loob. Nagkikislapang chandelier ang una kong nakita sa hallway. Kahit luma na ang bahay ay nagmistulan itong bago dahil sa mga palamuti na nakalagay sa loob. Mukang may ibang parte rin na bagong ayos.

Hindi pa ako tapos mamangha sa paligid when Raven held my arms and take me to their living room. Bahagyang nagulat at parang nabato ang mga taong nandoon nang makita nila akong kasama ni Raven.

"I didn't know we have a lovely visitor Raven. Who is she?" An old woman came to me with a big smile on plastered on her lips. I was surprised when she hug me.

"Sabi magpapahangin lang pero pagbalik may kasama ng babae. Matinik ka talaga bro!" Kantyaw nang isang lalake na sa tingin ko ay mas bata lang sa amin ng ilang taon. Napatingin naman ako sa kaliwa ko nang makita ang napakagandang babae na malaki din ang ngiti sa akin. Mukang mas matanda naman ito sa amin ng ilang taon. Napangiti rin ako sa kanila pero lamang parin ang kaba at hiya.

"Shut up Manuel." Suway nito sa lalaki at bumaling sa matanda. "Ah...My si Stephany po pala schoolmate ko. Steph sya naman si lola Theresa." Tumango ang matanda habang may ngiti parin sa labi.

"Hello po lola Theresa. It was nice meeting you po. Sorry po kung nakaabala ako sa inyo." Nahihiyang saad ko sa kanila. Umiling naman ito at hinawakan ako sa kamay.

"Hindi ka abala sa amin. Mas natutuwa pa ako na andito ka at pinakilala ka netong apo ko. Hindi ko alam na may kilala pala itong si Raven na napaka gandang babaeng katulad mo." Tumingin ito sa apo habang ang dalawang kasama nila ay nangungutya ang tingin at may ngisi pa sa labi.

"Siya nga pala si Manuel at iyon naman si Maxine mga pinsan ko. Magkapatid sila." Turo nito sa lalake na kumaway pa at binalingan ang isa na Maxine ang pangalan. Lumapit ito sa akin sabay yakap ng mahigpit. Nagulat naman ako dahil napaka init nang pag tanggap nila sa akin dito.

"Mukang nagbibinata na itong pinsan ko. Alam mo bang ngayon lang yan nag-uwi ng babae dito." Makahulugan itong ngumiti sa akin kaya tinampal ito ni Raven sa braso. Napangiwi nalang ako sa ginawa nya at nagtawanan naman sila.

"Naku Stephany 'wag mong pansinin ang mga iyan dahil mula pa noon ay ganyan na ang mag pipinsan na 'yan. Halika at mukang hindi ka pa naghahapunan." Saad ng lola nya sabay hila sa akin. Binaling ko ang tingin kay Raven na nanghihingi ng tulong. Nakangiti lang ito habang naka pamewang. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatangay.

Pagkarating sa dining room ay pinaupo ako neto at nag utos sa isang katulong para maghanda ng makakain. Napatingin ako nang umupo sa gilid ko si Raven habang si maxine ay umupo sa harap ko. Si Manuel naman ay naka sandal sa kinauupuan ni Maxine. Masyado na akong naiilang dahil lahat sila ay naka tingin sa akin na para bang ngayon lang sila nakakita ng katulad ko. Tumikhim ako at bumaling kay raven.

"Raven can I borrow your phone? Naiwan ko kasi sa kotse iyong akin. Tatawagan ko lang sila dad, baka kasi nag-aalala na sila sa akin." He handed me his phone and I dialed dad's number. It took me seconds when dad answer the call.

"Who's this?" Dad asked on the other line.

"Dad It's me steph. I'm sorry kung hindi ako nagpaalam na gagabihin ako nang uwi." Napakagat nalang ako ng labi dahil alam kong sobra silang nagaalala ngayon.

"My God steph! Where are you? Kanina pa kami tumatawag sa phone mo pero hindi ka sumasagot. Tinawagan narin namin sila cath at aj, nagbabakasakaling nandoon ka."

"I'm sorry dad. Don't worry I'm fine. Nandito po ako sa bahay ng ka schoolmate ko may inaasikaso lang. After po nito ay uuwi narin po ako." Sagot ko at narinig ko naman itong bumuntong hininga sa kabilang linya.

"Okay. Just be sure you're safe. I love you."

"I love  you too dad." After that I ended the call. Ibinalik ko agad ang phone nya at muling tumingin sa harap na nakatingin parin sa akin.

Nagsimula narin akong kumain. Nahihiya pa akong sumubo dahil lahat ng tingin nila ay nasa akin. Naramdaman iyon ni Raven kaya binawal nya ang mga ito. Nag-utos naman si Maxine na magdala ng maraming panghimagas at sinabayan akong kumain.

"So paano kayo nagkakilala ni Raven?" Tanong ni Maxine habang ngumunguya ng blueberry cheescake.

"Hindi ko sya kilala noong una. Hindi ko kasi sya nakikita sa school. Una ko lang sya nakita sa isang restaurant. Nagkabanggan kami doon." Sagot ko sa tanong nya. Natawa naman ang kapatid nito sa gilid nito.

"Akala ko naman sikat ka sa school nyo bro! Hindi ka pala kilala." Malakas itong tumawa pero sinamaan lang ito nang tingin ni raven.

"Bakit ka nga pala napunta dito?" Nadako ang paningin ko kay lola theresa at halata dito ang pagtataka. Nagbaba ako ng tingin at napakagat nalang sa labi.

"Naligaw lang sya. Nagulat din ako nang matagpuan ko sya ilang metro lang dito sa bahay." Sabat agad ni raven. Bahagyang naningkit ang mga mata ni maxine sa sagot ng pinsan nya. Alam kong nagtataka sila dahil narin sa kalagayan ko lalo na't medyo mugto parin ang mga mata ko. Pero hindi manlang sila nagtanong kung anong nangyare. Respeto nalang din siguro sa akin dahil alam nila hindi pa ako masyadong panatag na magkwento lalo na't ngayon ko lang sila nakilala. Pero alam kong mababait sila at may malaki silang puso.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako sa kanila dahil masyado na akong gina-gabi. Si raven ang nag drive ng kotse ko habang si manuel naman ay nakasunod sa amin gamit ang kotse nito. Sumama ito para may kasama si raven na pauwi.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay bumaba ito agad. Sumunod naman ako para makapag paalam sa kanya.

"Raven, thank you." Nahihiyang saad ko. Napakagat nalang ako sa labi at linihis ang paningin.

Natawa naman syang lumapit sa akin na may konti paring distansya.

"No problem. Kung kaylangan mo ulit ng balikat ay maasahan mo ako. Dumalaw ka rin minsan sa amin para makita ka ulit nila lola. Paniguradong ma-mi-miss ka non." Nag angat ako nang tingin at nakita ang napakalaking ngiti nito habang may kislap ang mga mata. Tumango ako at nagmadaling bumalik sa loob ng kotse nang maalala ko ang debut ko. Kinuha ko ang isang invitation at bumalik sa kinakatayuan nya.

"Sa friday debut ko, invited kayo nila lola theresa. Sana makapunta kayo." Bahagya pa itong nagulat nang makuha ang invitation.

"Sure! Basta ikaw." Nakangiti nitong saad. Bigla namang humangin ng malakas at tinangay ang ilang hibla ng buhok ko. Nagulat pa ako at parang naestatwa sa kinakatayuan ko ng tuluyan itong nakalapit sa akin at kinuha ang buhok kong nakatakas ng dahil sa hangin. Ilinagay nito iyon sa likuran ng tenga ko para hindi ito tumabing sa muka ko.

Nag init ang buong muka ko dahil sa ginawa nya lalo na nang magdapo ang paningin naming dalawa. Bumilis ang pintig ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Napaatras nalang ako nang may tumikhim sa likuran nya at nakitang si manuel pala iyon na nagpipigil ng tawa. Nahiya ako ng sobra dahil panigurado ay nakita niya iyong ginawa ni raven kanina.

"We have to go. Thanks for the invitation. Good night steph." Pahayag nito na ikinatango ko lang. Hindi ito agad umalis sa harap ko at masinsinan itong nakatingin sa akin. Nagawi ang paningin ko kay manuel nang nagpaalam ito at doon lang tuluyang naagaw ang atensyon ni raven. 

Agad akong pumasok sa loob nang makaalis sila sa harap ng bahay. Nag aalalang muka naman ang bumungad sa akin nang makapasok ako. Nandoon sila mom at dad na mukang hinihintay ako. Sinabi ko lang na nagpunta ako kila raven pero hindi ko sinabing nanggaling ako kila marcus.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon