Chapter 36: The Truth 2

0 0 0
                                    

Inutusan ng principal na iplay ang cctv footage sa isang flat screen tv na malapit sa gilid nito. Napansin naman namin na hindi mapakali si gale sa kinauupuan nya kaya nagsalita ito.

"Kaylangan pa ba 'yang video na yan? Hindi pa ba sapat na sinabi ko na yung totoong nangyare at nagsisinungaling lang si steph!" Halatado sa boses nyang tensyonado sya. Akala nya siguro lahat ng bagay ay magagawa nya hanggat gusto nya. Buti nalang kakarmahin na sya sa mga pinag gagagawa nya.

"Bakit natatakot kang malaman namin ang totoo? Na ikaw talaga ang sinungaling dito at ang may kagagawan nang lahat ng ito?" Pangiinis pa lalo ni cath sa kanya.

Nang iplay ang video ay nakita naming lahat ang buong pangyayare. Naaawa ako sa sarili ko nang makita ko kung paano ako saktan ni gale. Naikuyom ko nalang ang kamay ko pero masaya narin ako dahil lumabas na ang totoong nangyare. Napayakap nalang sa akin si mom habang umiiyak nang makitang hinampas ni gale ang ulo ko sa semento ng ilang ulit.

Nakita ko rin kung paano ako tinulungan ni aj na i-ahon sa tubig. Nakita ko rin na balak pang sugurin ni cath si gale pero humarang si marcus. Base sa nakikita ko ay kinakampihan neto si gale. Nagulat nalang ako sa sunod kong nakita. Sinapak ni aj si marc ng ilang beses pero hindi manlang sya pumalag at hinayaan lang si aj na gawin iyon sa kanya. Kahit wala kaming naririnig na tunog sa mga nangyare alam kong galit na galit sila kay marc dahil mas kinampihan nito si gale kaysa sa akin.

Parang mas masakit ata eto kaysa sa mga tinamo kong sugat kay gale. Hindi manlang nya ako pina niwalaan na hindi ko magagawa ang lahat ng ito. Ang sakit lang isipin na kung sino pa yung taong akala ko ay kilala na ako sya pa pala ang taong kaya akong pagdudahan na gumawa ng masama.

Napatingin ako sa kanya at nakikita kong gusto nyang humingi ng tawad pero nagalit ako lalo sa kanya kaya sinamaan ko sya ng tingin at tumayo sa kina uupuan ko.

"Ngayon alam na natin ang totoo, hindi po ako makakapayag na walang parusang makukuha ang babaeng 'yan." Lakas loob ko pang tinuro si gale kaya napatayo din sya.

"Hindi 'yon totoo! Inedit lang 'yang video na yan. Hindi ako ang nagsimula!" Nang gagalaiti nyang tanggi na ikina inis ko. Hindi na ako nakapagtimpi at nasigawan sya kahit alam kong nasa loob kami ng office at andun ang mga magulang nya.

"Pwede ba gale can you please shut the f*ck up! Tigilan mo nang magsinungaling dahil alam na nilang lahat ang totoo. Nakakasawa na 'yang ugali mo pati narin yang pagsisinungaling mo. Magmula noon hanggang ngayon ganyan ka parin. Kahit alam na ng iba kung sino talaga ang tama pilit mo paring linilinis ang pangalan mo kahit nagmumuka ka nang tanga! Hindi ka ba nakokonsensya sa mga pinag gagagawa mo? Kaya pwede ba matuto ka namang tumanggap ng pagkakamali mo."

"Kasalanan mo ang lahat ng ito kaya bakit ako magsisisi?! Kung hindi ka nag transfer dito hindi mangyayare ang lahat ng ito! Hahahaha bakit ba magmula nang dumating ka dito ay inis na inis na ako sayo? Hayy...ewan ko pero natutuwa ako sa tuwing nabwibwisit ka sa akin. Ang sarap tignan kapag nasasaktan kita." Kinilabutan kaming lahat nang bigla nalang itong tumawa na parang baliw. Siguro nga tama ang hinala ko na sakit ito sa pag iisip o ano.

"Inagaw mo sa akin si Marcus. Simula noong dumating ka, na sayo na lagi ang atenyon nya at nang ibang tao. Ikaw na lagi ang kinakampihan nya at lagi na akong binabalewala sa tabi. Ano bang meron sayo na wala sa akin?" Kinginang yan baliw nga talaga. Bigla nalang itong humagulgol nang iyak matapos nitong tumawa kanina. Halos lahat kaming nandito ay nanlalaki na ang mata. Hindi ako mapalagay lalo na pati ang mga magulang ni Gale na parang walang alam sa nangyayare sa anak nila.

"Baliw ka nga talaga! Pwede ba wag mong isisi sa akin 'yang mga pagkakamaling nagawa mo. Alam ko at alam mo na pa noon ay wala akong ginawang masama sayo. Ikaw lang ang nag-iisip na meron kahit wala naman talaga."

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon