After the announcement and discussion, nag ring ang bell hudyat na breaktime na kaya agad kong inayos ang mga gamit para maka punta na kami sa canteen.
"So...ano balak nyo?" Tanong ni Cath habang tumatawa. Heto nanaman sya sa pang aasar nya nakakapanggigil na.
"Wag mo nga akong kausapin tungkol sa bagay na yan alam nyo namang ayoko sa mga pageant."
"Hahaha for sure palpak ang mangyayare kay Steph nyan sa mismong pageant" Gatong pa ni Aj sa tabi ko. Sa inis ko nauna na ako sa kanila papuntang canteen, Di ko sila pinapansin ng mahabol nila ako.
"Muka palang ni Steph kita mo talo na hahaha!! sagad kung maka nguso dyan sa inis hahaha"pangaasar pa ni Cath
"Tama na yan kumain nalang tayo." Walang emosyong sabi ni Marcus sa likuran ko.
Kahit kelan talaga walang pake yung taong yun. Papunta na kami sa isa sa mga table sa canteen ng may pumatid sa akin. Nagulat ako kaya napapikit ako ng mata at hinihintay kong bumagsak nalang ako sa sahig ng may maramdaman akong sumalo sa akin. Pagmulat ko laking gulat ko ng makita ko si Marcus na nakatingin sa mga mata ko. Di ko maintindihan yung reaksyon nya para bang hindi ko sya mabasa.
"Are you blind?tss...next time kasi magiingat ka sa dinaraanan mo! panget na nga tatanga tanga pa hahaha!." Saad ng babaeng nagpatid sa akin kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. Kumulo agad yung dugo ko ng makita ko si Gale.
"Excuse me?! ako pa talaga ang bulag ah!eh ikaw nga tong nananadya dyan eh! kung ingudngud ko kaya yang muka mo tas sabihin kong tatanga tanga ka rin kasi di ka nakatingin sa dinaraanan mo!" Bulyaw ko kay Gale. Pinipigilan ako nila Aj at Cath habang walang pakealam si Marcus na nakatayo sa gilid. Halata naman talaga na nananadya lang tong haliparot na to eh kala mo naman nakakatawa sya sa mga pinag gagagawa nya. Sorry sya kasi di na ko tulad ng dati na hahayaan ko lang sya.
"What did you just say?!"
Napabuga ako ng hangin at natawa ng bahagya. Marami na palang nakatingin sa amin pero hinayaan ko lang sila at hinarap ulit si Gale
"Di ka lang pala tanga bingi ka pa." Natawa naman sila Aj at Cath sa sinabi ko pati sa gilid nakita kong napangisi si Marcus. Halata sa muka ni Gale na napahiya sya sa sinabi ko kaya natahimik sya at inirapan ako.
"Tandaan mo to, hindi pa tayo tapos at sisiguraduhin kong matatalo kita sa pageant. You know me Steph...I can do and get whatever I want." Saad nya. Eh kaya naman pala gigil at nagpapapansin to kasi alam nyang makakalaban nya ko sa pageant hahaha takot si ate girl pwes ako hindi.
"Then try me! hindi ako natatakot sayo Gale."sabi ko sa kanya habang naka ngisi.
Binangga ako ni Gale bago sya umalis. Kala nya natatakot ako sa mga paandar nya? pwes nagkakamali sya. Kung dati nagagawa nya akong ibully ngayon hinding hindi na ko makakapayag na tapaktapakan lang nya ako. Ngayon napagisip isip ko na sasali ako ng pageant kahit wala akong alam don kasi alam kong kasali si Gale at ipapamuka ko sa kanya na walang wala sya sa akin.
"That's my girl! taray natin ah hahaha!."sabi ni Aj sa akin.
"Tss kala nya magpapatalo ako sa kanya?! Hell no! hahaha."
Natawa silang lahat sa sinabi ko. After ng nangyare sa canteen umalis nalang kami at pumunta sa tambayan namin malapit sa field, nawalan narin kasi kami ng ganang kumain.
"I already decided....."pabitin kong sabi sa kanila habang naglalakad.
"Decided what?"tanong ni Cath sa akin. Lahat sila ay naka tuon na ang atensyon saakin at hinihintay yung sasabihin ko sa kanila.
" I'll accept to be the representative of our class ABM 2 sa Ms. Intrams."
Lahat sila nanlaki ang mata at tumawa sa sinabi ko. Di ko alam kung masaya ba sila o nang gagago kaya sumimangot ako sa kanila.
"Wag ka ngang sumimangot dyan. Natawa lang kami kasi masaya kami, hindi kasi namin inaasahan na papayag ka. Wait?! don't tell me is it because of Gale?! woah! hahaha"saad ni Cath sa akin habang yung dalawa sa gilid eh hinihintay yung sagot ko. Tumingin ako kay Marcus para tignan yung magiging reaksyon nya sa sasabihin ko pero mukang wala lang sa kanya.
"Tsss! yun na nga." nakanguso kong sabi sa kanila habang sila nangingiti na nagpipigil ng tawa.
"Yung totoo, masaya ba kayo o nang gag*go lang kayo dyan? kalakas nyo talagang mangasar dyan."
"Di ka naman mabiro Steph hahaha joke lang uyy!. Ikaw ba Marcus okay lang sayo?"sabi ni Aj kaya nabaling ang tingin namin kay Marcus na pabaling baling ang tingin sa aming tatlo nila Cath.
"Ano pa ba magagawa ko saka pumayag na si Steph kaya payag narin ako. As long as sya parin ang partner ko okay nalang din sakin." Sabi ni Marcus. Kinilig ako sa sinabi nya kasi gusto rin pala nya ako makapartner so it means?...may gusto din talaga sya sa akin?! paksh*t na malagkit hahahaha OMG! this is it na talaga hahaha nagbubunga na yung mga pinaghirapan ko. After so many years na paghihintay at pangungulit ko sa kanya at paghanga ko sa kanya ng palihim ngayon malapit ko ng maabot!
"Hoy siraulo! para kang tanga dyan bakit nakangiti ka dyan magisa? kanina ka pa kinakausap ni Marcus di mo sinasagot...problema mo at tulala ka dyan?" Sabi ni Cath sa akin at binatukan ako. Napaiwas naman ako agad ng tingin dahil nakakahiya sa kanila halatang di ako nakikinig kasi tulala nanaman ako kakaisip kay Marcus.
"Ayy hahaha wala...tara na sa room baka late na tayo." Pagiiba ko ng usapan sa kanila. Umiling nalang sila at tumayo na.
Pagsapit ng hapon nagmadali akong umalis at pumunta sa parking lot para puntahan yung si kuya Gabb. Alam ko kasing naghihinala si Cath sa ikinikilos ko ayokong tanungin pa ako ng kung ano ano nun kaya pag dating ko sa parking lot sumakay ako agad sa kotse at nagpahatid na kay kuya Gabb sa bahay.
***
Keep on reading guys!
Don't forget to vote, comment and follow guys😉😘
Lovelots!😍😘
IILCF💕
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Fiksi RemajaEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...