Nasa kalagitnaan nang pagtuturo si ma'am Nikki ng may kumatok sa pinto. Secretary ito ng principal.
"Good morning! Ma'am Nikki may I talk to you for a while?"
"Yeah sure."
Pagkalabas ni ma'am ay kanya kanya namang kwentuhan ang mga kaklase namin. Ang iba ay ibinibida ang magagara nilang sasakyan o kaya branded na damit at sapatos. Ang iba naman ay nag aayang uminom sa night club. Napayuko nalang ako sa lamesa dahil wala naman akong mapapala sa kanila.
"Steph and company pwede na kayong lumabas. Excuse na kayo sa subject ko." Napaangat ako ng tingin ng tawagin ang pangalan ko. Nagtaka naman akong tinignan ito kaya lumapit nalang din ako sa kanya.
"Pag uusapan nyo ang nangyare sa'yo. Sumama nalang kayo kay miss secretary dahil hinihintay na kayo sa office saka ng parents mo." Napatango nalang ako at agad kaming sumunod nila Aj at Cath sa office habang si Marc naman ay nalalayo sa amin.
Kumatok ako ng tatlong beses saka binuksan ang pinto. Nakita ko doon ang parents ko saka si Gale na kasama ang parents nito. Nasa loob din ang principal na hinihintay ang pagdating namin. Umupo ako sa tabi nila mommy habang sila cath ay nakatayo sa likuran namin.
"So, let's start?" Saad ng principal at bahagyang inayos ang salamin nitong tabingi.
"Andito kayo ngayon upang mapag usapan ang kaganapang nangyare sa pool noong intrams. Narinig na namin ang panig ni miss Fajardo kaya ngayon si miss Ramirez naman ang kakausapin ko. Pinatawag ko din ang mga magulang nyo para makasigurado ang lahat na magkakaroon ng parusa kung sino man ang nagsisinungaling sa inyo at kung sino ang nagsasabi ng totoo." Paliwanag sa amin kaya kahit kinakabahan ako ay isinantabi ko muna ito dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang mali. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"After po ng swimming competition hindi po kami umalis agad kasi po ayaw po naming makipag siksikan nila cath sa mga lumalabas kaya hinintay po namin na makaalis ang mga tao. Nung medyo wala na po ay inaya ko na sila pero ang sabi nila ay mag stay muna kami kahit saglit."
"So kasama mo ang mga kaibigan mo nang oras na iyon? Bakit hindi mo sila kasama nung mga oras na may nangyayareng gulo sa pagitan ninyo ni miss Fajardo?" Paguusisa ng principal sa amin na sinagot naman ni aj.
"Opo kasama nya po kami that time. Gusto na po umalis ni Steph, kaso sabi namin ay mag stay po muna kami doon kahit saglit lang kasi alam naming makakapag pahinga si Steph dun. Noong araw po na iyon ay nakwento nya sa amin na may problem ang parents nya tungkol sa company nila. Sobra po ang pag-aalala nya sa magulang nya at alam po namin na maraming syang problemang kinakaharaap noon. kaya naisipan po namin ni cath na sa tahimik na lugar sya makapag relax."
Tumango tango naman ang principal namin. Napatingin ako sa gawi nila gale at pansin ko ang masamang tingin nito sa akin pati narin ang mommy nito habang ang daddy nya ay nakaupo lang ng tuwid na nakikinig sa sinasabi ni aj.
"Yun na nga po, ayaw pa po nilang umalis kaya nagpaalam ako na mag c-cr lang po ako saglit. Malapit sa private pool po ako nag cr kasi dun po may malapit. Pagkapasok ko po sa loob ay nakita ko po si gale doon pero hinayaan ko nalang po sya at pumasok po ako sa isang cubicle. Pagkalabas ko po ng cr ay akala ko wala na sya kasi hindi ko na po sya nakita pero may bigla nalang pong may humila sa braso ko at si gale po yun." Naluluha na ako dahil naalala ko nanaman ang nangyare noong araw na yun.
"Sinungaling ka! Nasa labas ako ng cr dahil kalalabas ko tapos bigla mo nalang akong hinila kahit wala akong ginagawa sayo!" Nagulat kaming lahat ng biglang sumigaw si gale at galit na galit. Talagang babaliktarin nya ang lahat 'wag lang syang magmukang may sala. Inawat sya ng secretary ng principal kaya natahimik sya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Teen FictionEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...