Too crowded when we entered the gymnasium area. 9:00 palang pero napakarami ng tao at ang iba ay nakatayo na dahil sa gustong makita ng buo ang mga ganap mamaya. Karamihan sa kanila ay humihiyaw dahil sa tuwa at excitement. Dumeretcho kami sa harap na mga naka reserved na seats para sa amin. Opening ceremony palang kaya kami nandito pero kung tutuusin ay mamaya pang mga 1:30 ang start ng pageant. Hinila ko sila cath at aj sa pinaka harap para hindi kami mahirapang makita lahat.
After naming magusap kanina ni Cath ay dumeretcho na kami agad dito dahil anong oras na pero naiwan sila mom at dad pati narin sila tito dave at tita jasmine sa room para makapagpahinga dahil opening ceremony palang naman. Prayer, announcement and some other activity palang naman ang mangyayare and after lunch pa gaganapin ang mismong pinaka hihintay ng lahat. Natahimik na ang lahat ng mag salita ang speaker for the prayer. Lahat kami ay nakatayo at taimtim na nananalangin ngunit nagulat at napamulat ako ng may taong tumabi sa akin at pinatungan ako ng coat. Napatingin ako sa gawi nito at laking nagulat ko nang makita kong si marcus iyon na nakatayo sa tapat ng bakanteng upuan sa tabi ko.
Napatitig ako sa kanya kahit na nakatingin parin sya sa harap. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, akala mong may naghahabulan sa loob nito. Gusto kong tumili sa kilig pero naalala ko na iba na pala ang sitwasyon. Nakaupo na kami at balak ko na sanang tanggalin yung coat nya dahil hindi ako komportable na suot ito pero bigla nyang pinigilan yung kamay ko at tumingin sa akin na nakangunot ang noo na parang galit.
"Ahh O-Ok lang ako hindi naman malamig." Naiilang na sabi ko sa kanya. Ni titigan sya ay hindi ko na magawa dahil sa hindi na kami tulad ng dati.
"Don't even try to remove that coat. Too much attention huh?. Bakit ka ba kasi nagsuot ng ganyang kaiksi tapos halos wala ng tela sa likod? Tss kinulang ka ba sa budget kaya yan lang ang tela na kinaya?" Napamulagat at napangisi naman ako ng ininsulto nya ako sa mga sinabi nya. Prente lang syang nakaupo at nakaharap sa stage kung saan may nag peperform.
Gusto ko naman syang sapakin at sigawan ng sabihin nya yun sa akin. Anong akala nya sa akin walang pera? Hello hindi ba nya alam ang ibig sabihin ng style? saka kung makareact naman sya akala mong concern sakin bakit sino ba sya at ano ko ba sya. Bakit hindi si gale ang bwisitin nya kaysa ako ginugulo nya.
"Mr. Garcia pumunta kalang ba dito sa tabi ko para insultohin ang pananamit ko? Grabe, anong akala mo sakin poorita? Ano bang pake mo kung ganito suot ko? bakit hindi si gale ang bulabugin mo kaysa nandito ka sa tabi ko at pinupuna yung suot ko." Gigil na sabi ko sa kanya and I roll my eyes at him and cross my arms.
Napangisi naman si marc sa inasta ko pero binalewala ko nalang at itinuon ang atensyon ko sa mga nag peperform sa harap. After ng mga nagperform ay nagsilabasan na lahat ng mga estudyante sa gymnasium area. Bigla namang tumunog ulit ang speaker ng school para sa announcement.
"All students are now allowed to decorate your own booths. We will be giving you 3 hours to cooperate and prepare for decorating, and after that you may now open your booths to everyone. There are judges who will secretly check your booths and give you a score. The booth that will win in this competition would be given a prize but for now get back to your rooms and arrange everything because your time starts now! So to all students, Give your best shot and Goodluck!"
Nagsitakbuhan at nag unahan naman lahat ng mga estudyante matapos marinig ang announcement para lang makabalik sa kani-kanilang mga room para umpisahan ng mag design ng kanilang booth. Hindi naman kami nakipag unahan dahil naka heels ako kaya naglakad lang kami pabalik nila aj at cath. Hindi ko naman na kaylangang tumulong dahil mas kaylangan ako sa pageant.
Dumeretcho nalang kami nila cath sa mga naka open ng food stalls dahil bigla akong nagutom.
"Uyy steph ano yung kanina? ikaw ahh ano ba talaga yung totoo?" Tanong ni aj habang bumibili ng burger with fries samantalang nakatingin lang sa amin si cath habang ngumunguya ng pagkarami raming hotdog.
Napabuntong hininga nalang ako at tumalikod. Hanggat maaari ayoko ng pagusapan si marcus dahil hindi ako komportable at saka naaalala ko lahat ng mga masasakit na nangyare kaya kung kinakailangan na ako na mismo ang lumayo gagawin ko kaya after ng intrams mag papaexcuse muna ako ng one week para makapagbakasyon.
"Hoy kinakausap ka, pipe ka na ba ngayon? Kung iiwasan mo lang ng iiwasan sa tingin mo makakamove on ka ba? diba hindi naman?" Habol na sabi ni aj na nasa tabi ko na. Hinarap ko naman sya at tinitigan muna bago nagsalita.
"Sige ibalik ko yang tanong mo, sa tingin mo ba pag pinagusapan natin sya makakamoveon ba ako? pag pinagusapan ba natin sya mawawala yung sakit nararamdaman ko ngayon? pag pinagusapan ba natin sya magiging ok na ba ulit?" Hindi naman sya nakasagot sa tanong ko. Pinipigilan kong maluha dahil ayokong magmukang kawawa sa harap ng ibang tao.
"Ano bakit hindi mo masagot? kasi kahit anong gawin natin, na kahit pagusapan natin sya o hindi wala ng magbabago at hindi na babalik sa dati ang lahat. Sya narin yung kusang lumayo sa atin halata naman diba." I turned arround and my tears starts running down. Nauna na akong umalis para hindi nila mahalata ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala. Narinig ko naman silang nagsisisihan sa nangyare.
"Ikaw kasi ang dami mong sinasabi dyan ayan tuloy kita mo yang ginawa mo." Saad ni cath na sinisisi si aj habang binabatukan ito.
"Anong ako? wala namang mali sa sinabi ko ah saka mas maganda namang pagusapan yung tungkol sa bagay na yun kasi kung iiwas sya wala rin naman syang mapapala kaya nga sabi nila harapin mo lahat ng problema wag kang matakot" Nakasimangot na turan nito.
"Hmp ang dami mong alam dyan ang sabihin mo kalalaki mong tao ang dami mong kaartehan na ganyan bakla ka ata eh."
"Wow ah! purkit nagpapayo bakla na agad? diba pwedeng concern lang ako dahil kaibigan natin si steph. Eh ikaw tomboy ka no kaya walang nagkakagusto sayo hahaha saka ako bakla? baka gusto mong halikan kita dyan?"
"P*ta kadiri ka mahiya ka naman sa mga pinagsasabi mo saka ako tomboy? G*go to sampalin kita dyan eh."
Patuloy parin silang nagbabangayan kahit na wala na sa katuturan ang mga pinaguusapan nila. Hinarap ko naman sila pero parang wala silang pake kahit na nagsisigawan at pinagtitinginan na sila ng ibang tao. Napairap nalang ako at iniwan silang dalawa.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Teen FictionEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...