Chapter 11: Secret Unleashed

0 0 0
                                    

Pagpasok ko palang ng room kinausap na agad ako ni Cath kung bakit namumugto ang mga mata ko. Magdamag akong umiyak kagabi dahil di ko kinaya yung nangyareng sagutan namin ni Marcus. I know him for a long time, he never shout at me that way so I was really shock when he did that. We fought sometimes but what he had done lately makes me feel uncomfortable and hurt also. Bata palang kami may gusto na ako sa kanya, sya yung laging nasa tabi ko kahit na minsan hindi nya ko pinapansin. Si Marc yung taong hindi showy but I know he always care for me. But sometimes I can't help myself na pagdudahan sya na kung itinuring nya talaga akong kaibigan.

"Hey what's wrong? what heppened to your eyes?" Nag aalalang tanong sa akin ni Cath. Pilit akong ngumiti sa kanya para ipakita na okay lang ako.

"I'm fine Cath. Dont worry about me nasobrahan lang ako sa tulog."

"Wag ako Steph, I know when you're lying to me so spill it."

Sabi ko na nga hindi talaga ako makakatakas sa isang to. Alam nya kung kaylan ako nag sasabi ng totoo at kung kaylan ako nagsisinungaling, pero pano ko sasabihin sa kanya hindi pa ako handang malaman nila.

"Dahil ba yan kay Marcus?"

Bigla akong napatingin kay Cath dahil sa sinabi nya. Hindi kaya?...No! thats impossible wala akong ibang pinagsabihan tungkol doon?. Baka naprapraning lang ako? baka naman may ibang itatanong lang hayst.

"Wag mo kong tignan ng ganyan Steph. Kung yung iba nakakatakas ka pwes ako hindi! I know you like...I mean I know you love Marcus." Cath said while smiling. Nanlaki bigla yung mata ko sa sinabi nya kaya lalo pa syang natawa sa reaction ko. Sh*t! this can't be! Paano nangyare 'yun? Mind reader ba sya?

"Maybe? hahahaha"Sabi nya na ikinakunot ko ng noo. Hindi ko sya maintindihan.

"Siguro nga mind reader ako o sadyang madali lang basahin yang mga facial reactions mo hahaha! Sabi ko nga sayo Steph wag ka'ng magtatago sakin kasi kilalang kilala kita."

Napabuntong hininga nalang ako. Ano pa bang magagawa ko alam na ni Cath kaya ikwekwento ko nalang sa kanya dahil no choice ako. Hindi ko na kwinento kung paano kami naging close kasi alam na nila yun pero ang kwinento ko ay kung pano ako nagkagusto kay Marcus at yung nangyare kagabi sa bahay.

"Grabe si Marcus, di ko inaasahang magagawa ka nyang sabihan nang ganun."

"Ako nga rin eh...kaya nga sobra akong nasaktan sa ginawa nya kaya kita mo napala ko." Sabi ko kay Cath sabay turo sa mata ko. Natawa naman sya sa ginawa ko.

"Pero steph naisip ko lang ah? baka may pake sayo si Marc kasi kita mo ah?...hindi ka nya proprotektahan at ipagtatanggol sa iba kung walang syang pake sayo. Hindi rin sya yung masasandalan mo kung hindi ka nya itinuring na kaibigan. Malay mo hindi lang talaga sya showy kaya akala mo wala syang pake sayo?." Paliwanag nya. Napaisip din ako sa sinabi nya bahagyang napatango ako sa kanya. Tama nga si Cath sadyang di lang talaga showy si Marcus.

"Bat hindi tayo gumawa ng way para malaman natin kung talagang importante ka sa kanya?"

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko sya maintindihan sa sinabi nya.

"Prove him that you can stand on your own without his help. kasi if ever na nakikita ka nyang hindi mo kaylangan ng help nya magtataka sya. Pag ipinakita mo na wala ka nang pake sa kanya, he will be the one to confront you para malaman nya kung anong dahilan mo kung bat mo sya linalayuan. Then boom! malalaman natin na mahalaga ka pala talaga sa kanya, na kaibigan pala talaga ang turing nya sayo at lalong ayaw nyang linalayuan mo sya. Lalo na kagabi sabi mo nakagawa sya ng mali kaya for sure babawi sayo yun ngayon pero dapat ipakita mo na wala kang pake."

"Are you sure that this will work?" Tanong ko. Di ako sigurado kung effective nga yung gagawin namin if ever na layuan at baliwalain ko si Marcus. Ayoko namang layuan sya tapos tuluyan na palang mangyare yun, hindi naman ako baliw para hayaan na masira lang lahat ng pagkakaibigan namin kahit na ako lang ang nakakaalam.

"Why dont we just try? wala namang mawawala kung susubukan natin para malaman natin at matahimik kana dyan. If this wont work...then lets stop. Atleast we try, ayoko rin naman na masira ang pagkakaibigan nyo pati narin kami."

Cath always has a point kaya mahal ko tong besfriend ko na to eh. pag wala si Marc sya yung taong nakukuhanan ko ng payo at talagang may natututunan din ako sa mga pinagsasabi nya na kahit minsan yung mga opinions na parang sobrang realtalk na!

"Okay sige" Nginitian ko sya at yinakap.

"Hey girls! whats going on here? mukang drama mode kayo ngayon ah?" Nakangiting bungad sa amin ni Aj kaya tinignan namin sya ni Cath na nangingiti.

"Mind your own business nalang Aj nag gigirls talk kami ngayon." Sagot naman ni Cath dito.

"Nagtatanong lang naman ako eh....taray talaga neto kahit kelan!.hmp!" Reklamo nya na nag asal bata pa. kahit kelan talaga si Aj may pagka isip bata pero kahit ganyan sya masaya syang kasama.

Nabaling ang tingin ko kay Marcus na papalapit sa amin. Medyo hindi ako mapakali dahil nakatitig lang sya sa akin kaya ibinaling ko nalang  ang tingin ko kila Aj.

"Uyy Marcus! mamaya na yung practice nyo para sa pageant diba? ano okay ka lang?" Pangungutya ni Aj sa kanya habang nagpipigil ng tawa.

"Okay naman ako."

"Ikaw okay ka lang ba?" bulong sa akin ni Cath at tinanguan ko lang sya.

Maghapon kaming hindi nagpansinan ni Marcus. Sila Aj at Cath lang ang nakakausap ko dahil hindi ako mapakali pag nandyan sya malapit sa akin. Iniisip ko, pano pa kaya after ng class namin eh magkasama kami dahil sya ang partner ko sa practice namin para sa pageant. Di ko nalang siguro sya papansinin at hahayaan ko nalang sya.

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon