Chapter 25: Party

0 0 0
                                    

After pageant dumeretcho kami sa isang sikat na restaurant with my classmates and adviser. Kasama rin namin ngayon sila marcus at ang parents nya.

"Huwag kayong mahiyang mag order sagot na namin lahat." Saad ni mom sa kanila at naghiyawan naman silang lahat at nagkanya kanyang tingin sa menu.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyare at trina try kong i-sink in sa utak ko lahat. Napapangiti nalang ako nang magisa. Bahagya naman akong nagulat nang sikuhin ako ni cath sa braso.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan? nababaliw kana. Alam mo madalas na kitang nakikitang ganyan okay ka lang ba?" Sabi nya na may halong pagaalala sa muka.

Natawa naman ako sa kanya kaya binatukan ko sya. "Wag ka ngang oa dyan! Ok lang ako talagang masaya lang ako ngayon kasi hindi ko ineexpect na mangyayare sa akin itong mga to. I'm so proud of myself."

"Sana nga dahil lang dyan kaya ka nagkakaganyan at wala ng iba."

"Anong tingin mo sa akin nasisiraan na ng bait?! Ikaw ata sira ulo eh hahaha."

Natigil naman kami sa paguusap ng mapansin kong nakahanda na sa harap ang sangkatutak na pagkain. Bigla namang kumalam ang sikmura ko at pasimple na sanang sasandok ng paluin ni mommy ang kamay ko at linakihan ako ng mata. 'tss kahit kelan talaga'

"So before we start to eat I just want to thank all of you for supporting steph until this day. Kaya ito ang pa welcome namin sa inyong lahat para sa pagod at pag cheer nyo sa kanila ni marcus. Let's eat!" Napatakip pa ako ng tenga dahil sa pagsigaw ni mom tss she's too loud.

'Ganito sana lagi'

'Wow ang sharapppp'

'Ang bait ng mommy ni steph'

'Grabe gutom na gutom na ako huhuhu'

Hayy kahit kelan talaga tong mga to ang daming arte di nalang kumain. After dinner magpapaalam ako kila mom at sana payagan nila ako.

Buti nalang walang gale na panira ng araw. Siguro kung nandito lang yun kanina pa ako badtrip at tinapon sa kanya yung mainit na soup na kinakain ko.

After I ate I went beside mom and dad then ask something.

"Ahh...mom...dad. I just want to ask if we can... ahm you know...drink. Don't worry hindi naman po hard kasi alam naman po namin na hindi pa tapos ang intrams at may pasok pa kami bukas. Saglit lang naman po eh."

Nagkatinginan naman si mom at dad saka bumaling sa akin at ngumiti. Nabuhayan naman ako ng tumango sila sa akin

"Ok sweety...But promise me na hindi hard yan at si marcus ang maghahatid sa iyo pauwi. Know your limits steph lalo na under age pa ang karamihan sa inyo kaya pag may nangyare sagutin namin lahat." Mom said with a serious face and I just nod at her. Napaisip pa ako ng maalala sa sinabi nya tungkol sa pagsabay ko kay marcus, eh pano yun hindi na nga kami okay ni marcus paano ko sasabihin sa kanila yun.

"Don't worry po tito at tita ako ng bahala kay steph babantayan ko po sya." Mabilis akong napatingin sa nangsalita at nakitang si marcus iyon. Kinunotan ko sya ng noo at parang tinatanong kung ano pinagsasasabi nya.

"Ok were clear here. Don't worry sagot ko na mga bayad sa iinumin nyo." Dad said but tito garcia tap dad's shoulder.

"Huwag na. kami naman ang bahala, kayo na nga sa dinner eh. Ibibigay ko nalang kay marcus."

"So were all done here. Steph yung bilin ko ah... Mauna na kaming umuwi ng dad mo at may aasikasuhin pa kami." Saad ni mom na ginulo pa ang ang buhok ko.

"Yes mom don't worry mabait ako."

"Sabay narin kami sa inyong umuwi stella." Saad ni tita jasmin kay mom at tuluyan ng lumabas ng resto kasabay din si ma'am nikki.

Pagtingin ko sa likod lahat sila ay hinihintay ang sasabihin ko. Nahiya pa akong sabihin sa kanila pero alam kong gustong gusto nila to.

"So where do you want to party?" Mahina pero alam kong rinig nila ang sinabi ko.

Naghiyawan naman sila at mahahalata mong excited sila. Akala mo matitino tong mga to pero adik din sa alak yang mga kaklase ko. Nagsilabasan kami sa restaurant at nagkanya kanyang sakay sa sasakyan nila at yung iba ay nakisakay sa mga kasama nila.

Pasakay na sana ako sa sasakyan ni Aj nang may humila sa akin. Nagpupumiglas pa ako ngunit wala na akong magawa ng isakay ako ni marc sa sasakyan nya.

"You don't have to do this. Mamaya utang na loob ko nanaman sayo." Walang ganang saad ko.

"Sa akin ka hinabilin kaya hindi kita pwedeng pabayaan. And please magkasundo muna tayo kahit ngayon lang."

"Hindi mo naman kasi kaylangang sundin sila mom saka kila aj naman ako sasabay di naman kung kani kanino lang."

"Kahit na, sa akin ka binilin at hindi rin kung kani kanino lang."

Wala na akong nagawa at umandar ang kotse nya. Buong byahe ay tahimik lang kami at walang imikan.

Napasandal nalang ako sa bintana ng sasakyan ni marc at huminga ng malalim. 'Ano nanaman ba ang trip nya? Bakit ba ganyan nanaman sya. Wala namang nagsabi sakanya na intindihin ako, na asikasuhin ako, na magalala sya sa akin. Dahil ayoko ng pinapakita nya. Ayoko lahat...dahil konting pakita lang nya na mahalaga talaga ako sa kanya hindi ko maiwasang umasa nanaman sa kanya at masaktan.'

"Steph... Hey Steph! Your phone was ringing many times. Answer it."

Nabalik ako sa katinuan nang bahagyang sumigaw si marc sa akin at dun ko lang napansin na kanina pa pala nag riring ang phone ko. Tumingin ako sa kanya pero nakatuon lang ang atensyon nya sa daan.

I just answer the call and lean again on the window.

"Hello?" Ano ba kasing nangyayare sa akin at wala nanaman ako sa katinuan. Parang gusto ko nalang umuwi at magpahinga.

"Hey steph...Are you alright?"

Ganun na ba ako kahalata para malaman ng ibang tao na hindi ako okay. I just nod at him even though his not infront of me.

"Ye-yep...I'm fine. Bat ka pala napatawag?"

"Ahm sasabihin ko lang na sa S*** Bar kayo dumeretcho. Magkita kita nalang tayo dun sige magiingat kayo." After that he end the call

"S*** Bar daw tayo."

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon