Chapter 12: Practice

0 0 0
                                    

After class dumeretcho na agad lahat ng participants sa gymnasium para mag practice para sa gaganaping Mr. and Ms. intrams. Kinakabahan ako ng sobra dahil wala akong kaalam alam sa mga bagay na to, pano pag nagkamali ako baka mapahiya nanaman ako.

"Guys! get ready we will start our practice after five minutes!." Sigaw ng baklang magtuturo sa amin sa lahat maski sa pag oorganize ng event.

"Look who's here." Saad ni gale ng makalapit sa amin ni Marcus. Hindi ko nalang sya pinansin dahil wala rin akong ganang makipagtalo sa mga taong nonsense lang kausap.

"Know what Steph? You don't belong here, hindi ka nalang dapat sumali dito kase hindi karin naman mananalo sakin at saka naalibadbaran akong makita ka ang sakit mo sa mata." Mayabang na sabi nito. Tss akala mo namang gusto ko syang makita saka hello?! wala syang laban sakin noh! puro ganda lang sya na di ko naman alam kung san banda eh ako? maganda na may utak pa.

"Alam mo Gale...hindi kita inaano dyan, kung tutuusin hindi kita linalapitan pero ikaw? ikaw pa mismo lumalapit sa akin. Masyado ka naman atang naglalaan ng oras mo para sa akin. You look always scared whenever you see me, bakit takot ka bang matalo kita? saka pwede ba tigilan mo ko! kung masakit ako sa mata eh di pumikit ka! ayaw mo kong makita pero lapit ka ng lapit sa akin daig mo pa yung araw kung magpasikat dyan! papansin ka masyado." Natahimik si Gale sa pambabara ko sa kanya. Nagtawanan naman yung ibang mga taong nakarinig sa amin kaya tuluyang umalis si gale dahil napahiya na sya.

"Hindi mo na dapat pinatulan yun." Marcus said while his hands are inside his pocket. I just rolled my eyes and answer him with a sarcastic tone.

"Para ano? ipahiya nanaman ako? alam mo, tapos na ako sa mga pang bubully nya kaya kung pati ikaw ay kakampihan sya eh di magsama kayo!"

"Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin steph." He give me a heavy sigh and trying to be patience for understanding my situation.

"Eh ano?! Can you please stop? Stop deffending her side. Pwede ba wag nalang natin sya pagusapan."

Hindi ko alam bat sa tuwing kakausapin ako ni Marcus umiinit agad ang dugo ko.  Ayoko namang nag aaway kami kaso di ko maiwasan, dahil narin siguro kagabi nung nag away kami kaya hanggang ngayon hindi ko parin sya napapatwad.

Nagstart ang practice namin, nung umpisa hirap na hirap akong sumunod sa mga itinuturo sa amin pero habang tumatagal nasasanay narin ako. Hindi naman pala ganun kahirap ang pag rampa at pag sasayaw, ang medyo nahirapan lang ako ay ang pagsuot nang napakataas na heels habang sumasayaw tapos medyo mabilisan pa dapat ang galaw.

Matapos ang one and a half hour nag water break kami for fiftheen minutes.
Nang makaupo ako, I take off my heels and I feel so damn much hurt when I touch my ancles. Sobrang pula na at may mga sugat pa. Kaya ayoko talagang sumasali sa ganito kasi pagod na nga sa klase pagod pa sa kaka practice.

Isusuot ko na sana yung heels ko but someone grab my heels and put it on the side. After that he kneeled infront of me and I was shock when I saw that it was Marcus holding band aids. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon kasi di ko alam kung bakit ginagawa ito ni marcus sa akin. Di ko alam kung masaya ba ako o kaya naiinis o kaya naman nagtataka. Pumasok din sa isip ko na baka naaawa nanaman sya sakin kaya nya ginagawa to.

" Stop, I'm fine wag mo nang lagyan ng band aids yan. Hindi naman ganun kasakit eh so don't waste your time and effort on me." Sabi ko sa kanya kaya napaangat ang tingin nya sa muka ko pero binaliwala lang nya yung sinabi ko at binalik ulit sa paa ko para ilagay yung mga band aid.

"I said Im fine! pwede ba hindi ko kaylangan ng awa mo! kaya ko na sarili ko saka diba wala ka namang pakealam sa akin kaya tigilan mo na yang ginagawa mo." Tabig ko sa kanya dahilan para matigil sya sa ginagawa nya. Actually ayoko naman talagang gawin yun kasi kahit na nag away kami kagabi importante parin sa akin si Marcus. Pero no choice ako eh naalala ko yung napagusapan namin ni Cath kaya ngayon gagawin ko na at wala ng atrasan to.

"Im sorry."

I froze when I heard those words came from his mouth and feel that every pain he made were already gone in just a snap. It is so hard for me doing this things but I need to. Hindi ko alam kung saan ba sya nag so-sorry, kung sa nangyare ba kagabi o yung sa ngayon? Naguluhan ako sa sinabi nya kaya napatitig nalang ako sa kanya hanggang sa umalis na sya sa harapan ko at umupo sa may di kalayuan sa akin.

Inabot kami hanggang 8:30 ng gabi. My body feel so tired and all I just wanted is to sleep. Buti nalang tapos na kami kasi kung hanggang mamaya pa kami mag prapractice baka hinimatay na ko sa pagod. Papunta na ako sa parking lot ng may humintong sasakyan sa harap at nakitang si Marcus iyon.

"Get in Steph I'll take you home." Sabi sa akin ni Marcus habang naka dungaw sa bintana.

"No thanks. I already call kuya Gabb to pick me up here, don't worry i'll be fine. Saka sinabi ko narin kila mom na si kuya Gabb nalang ang magsusundo sa akin after practice, kasi sabi ko pagod ka rin kaya baka di mo kayaning ihatid pa ako. Pumayag naman sila." Paliwanag ko sa kanya pero di parin sya umaalis sa harap ko. hinayaan ko nalang sya dun saka ayoko rin namang sumabay sa kanya ang akward kasi.

"Get in. I called your mom na wag kana sunduin ni kuya gabb, gabi narin kaya nag papahinga na yung tao marami pang gawain yun bukas baka pagod narin. Wag na matigas ang ulo halika na." Maawtoridad nyang sabi.

May point naman sya kaya sumakay nalang ako sa kotse nya kasi no choice narin ako eh. Tinawagan ko nalang si mommy na wag na akong sunduin at nalaman kong tinawagan talaga sya ni Marcus.Habang nasa byahe kami pauwi pareho lang kaming tahimik at walang may balak na magsalita. Minsan di ko maiwasang silipin sya at kiligin pero hanggang ganun lang naman ako. Hanggang sa nakauwi ako hindi manlang kami nagusap na kahit ano.

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon