Chapter 13: Unfavorable Day

0 0 0
                                    

I woke up when someone loudly knock at my door pero wala akong ganang buksan ang pinto dahil inaantok pa ako sa sobrang pagod ko kagabi. Sobrang sakit ng katawan ko lalo na yung paa ko, halos hindi ko mailakad dahil puro sugat at paltos sa gilid at likuran nito. Naluluha na nga ako kagabi nang ihubad ko ang heels ko. Hindi ko alam kung paano ako makakalakad ng maayos sa sobrang sakit.

"Steph wake up! You're already late!" My dad shouted behind my door. Napabalikwas ako ng bangon sa kama dahil sa narinig ko so I hurridly run into my bathroom pero di ko inaasahang madudulas ako at bumagsak ang pwetan sa sahig.

"Ow sh*t!!" Mura ko sa sarili ko habang nakahawak sa pwetan kong nasaktan. Ito na yata ang pinakamalas kong araw dahil una masakit paa ko, pangalawa late ako bumangon at pangatlo nadulas ako. Malay ko baka mamaya meron pa palang kamalasan na mangyayare sa akin.

After I prepared everything I hurridly went to school. Di ko inaasahang pagpasok ko ay nakatingin sa akin lahat ng mga tao at nagbubulungan. Medyo nailang ako pero hinayaan ko nalang at dumeretcho ako sa room kahit alam kong late na ako sa first subject namin.

"Good morning Ma'am. Im sorry for being late, may I come in?" I asked. Nahihiya akong tumingin sa kanila dahil lahat ng atensyon nila ay nakatutok sa akin.

"Before I let you come in Ms. Ramirez, may I ask the reason why are you late? and do I really need to inform you to brush your hair and be presentable before entering my class?." Ma'am asked while looking at me seriously na ipinagtataka ko kaya tumingin ako kila Cath na nagsesenyas na parang sinasabing magsalamin at mag suklay ako. Nakita ko pang natatawa na yung ibang kaklase ko, so I grab my phone in my pocket then Boom!! this is my f*cking unlucky day. Laking gulat ko ng makitang sobrang gulo ng buhok ko as in ang gulo talaga. Naalala kong hindi pa pala ako nagaayos ng buhok kanina dahil inayos ko lahat ng gamit ko before leaving my room.

"Im so sorry Maam, na late po kasi ako ng bangon kanina dahil po sa sobrang pagod ko kagabi. Late na po kasi kami natapos sa practice kaya ayun na nga po. Dont worry maam this won't happen again." Saad ko at pinayagan naman akong papasukin. Pagkaupo ko palang sa upuan ay napatingin agad ako kay Marcus na mukang kulang din sa tulog.

"Yan ba ang nagagawa ng pagsali sa pageant? hahaha!" Mahina ngunit nangungutyang sabi sa akin ni Cath na natatawa pa. I just rolled my eyes at her and face infront to listen in the discussion.

"Ang sabihin mo ipagpatuloy pa nya yang pag pra-practice nya baka nga sakaling ikapanalo nya at laging late bumangon. hahaha!" Dagdag pa ni Aj sa kaliwa ko.

Tss! kahit kelan talaga tong dalawang to ang lakas mang asar. Kaya bagay silang tandem eh hahaha kaso di pwede, may gf na si Aj samantalang wala sa isip ni Cath ang pumasok sa relasyon sa ngayon kasi sakit lang daw sa ulo yun.

After first subject, pumunta kami sa locker to change our PE uniform dahil second subject namin ay PE. Dumeretcho kami agad sa gym kasi medyo terror yung teacher namin na si sir Santos. Maglalaro kami ngayon ng Volleyball at mahahati sa tig dalawang grupo ang mga boys and girls.

"It's been a year since the last time I played this game kaya medyo kinakabahan ako baka matamaan ako ng bola." Saad ni Cath sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.

"How about me? I never play that game ever since. Kaya mas kinakabahan ako sayo noh?! ni isa wala akong alam dyan."sabi ko na ikinalaki ng mata nya sa akin.

"Are you damn serious? hahaha kaloka ka girl. Eh anong alam mo? matulog?!"

"Gaga! bahala na nga lang!"

Unang naglaro ang mga babae kaya pumwesto ako sa may bandang likuran. Nasa left side kami habang ang kalaban namin ay nasa right side.

Pumito na si sir Santos para mag start. Kinabahan ako dahil wala talaga akong alam. Nagmumuka na akong tanga dahil nakatayo lang ako sa pwesto ko habang yung ibang mga kasama ko ay nakikipagpasahan ng bola. Sinisigawan na ako ng mga kasamahan ko na gumalaw sa pwesto ko pero paano?! kaya nataranta ako.

Tumakbo ako papunta sa right side ng court para saluhin yung bola kahit na alam kong hindi ko magagawang tirahin pabalik sa kalaban. Bigla nalang akong napahinto sa kinakatayuan ko dahil sa kaba, bigla akong nanlamig maski pawis ko ay tumatagaktak na kahit kakaumpisa palang ng game. Pero di ko inaasahang mag ii spike ng napakalakas yung kaklase ko na deretcho sa muka ko.

"Steph!!" Bigla akong napahiga at sobrang nahilo. Maraming nagsasalita na tinatawag ang pangalan ko but I can't clearly see them until it turned all black.

Nagising nalang ako bigla at nakitang nasa clinic ako ng school. Pinilit kong bumangon pero sobrang nahihilo ako kaya humiga nalang ulit ako sa kama. I saw my shirt with a stain of blood came from my nose. Di ko inaasahang ganito ang mangyayare sa akin ngayong araw na to at puro kamalasan ang inabot ko.

"Hey are you alright? how do you feel? are you dizzy? saan masakit an..."pinatigil ko na si Marcus sa kakatanong sa akin. Mas lalo akong nahihilo katatanong nya eh.

"Dont worry I'll be fine. Medyo nahihilo lang ako saka ang sakit ng ulo at ilong ko parang may nabali."sagot ko sa kanya. Bakit ganun nagaalala ba talaga sya sa akin? bakit parang natataranta sya?

"Are you sure?" Tinanguan ko lang sya kasi medyo naiilang akong kausapin sya at halata namang naiilang din sya.

"Ok. I'll just call Cath and Aj to come here inside and check you. May gagawin pa kasi ako kaya mauuna na ako."

Hindi na ko nagsalita at umalis na sya. Dumating naman agad sila Aj at Cath na nakatingin sa akin na nagaalala.

"Are you out of your mind! kamay ang pinangsasalo sa bola hindi muka." Sigaw ni Cath sa akin na medyo nagtaas na ang tono.

"Feeling varsity eh hahaha! ang galing maglaro wala naman palang kaalam alam sa volleyball hahaha!" Pang aasar sakin ni Aj. Di ko nalang sila pinansin. Maya maya ay tinanong ko sila kung sino ang nagdala sa akin dito sa clinic

"Who brought me here?" Nagkatinginan silang dalawa at tumingin sa akin na medyo nangingiti.

"Sino pa ba? eh di si night in shinning armor mo!" Saad ni Cath na medyo kinikilig kilig pa.

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon