Pagkagising na pagkagising ko ay naligo agad ako. Medyo late narin kasi ako nagising dahil narin siguro sa pagod kaya napahaba ang tulog ko. Pagkatapos kong gumayak ay demeretcho ako sa dinning room para sana batiin sila mom at dad kaso si manang lorrie lang natagpuan ko doon.
"Manang asan po sila mom at dad?" Tanong ko sa kanya na may pagtataka. Ang pagkakaalam ko ay off nila ngayon sa trabaho pero bakit ang aga naman ata nilang wala dito sa bahay. Saan nanaman kaya sila nagpunta.
"Nako hija maagang umalis ang mga magulang mo. Pupunta raw sila sa kompanya nyo at may importanteng aasikasuhin. Pinapasabi ng daddy mo na wag ka daw magtampo sa kanila dahil wala sila ngayon dito sa bahay kahit na dapat ay wala silang pasok ngayon. Intindihin mo nalang ang iyong mga magulang hija alam ko namang may pino problema ang iyong magulang na dapat asikasuhin. Kaya sana ay maunawaan mo." Pahayag nito sa akin. Nalungkot naman ako kila mom at dad na dapat ay hindi sila papasok sa araw na to ay pinapaliban nalang nila para lang maasikaso ang mga nangyayare sa kompanya.
"Wag po kayong mag-alala manang, naiintindihan ko naman po kung bakit wala sila dito ngayon na kahit dapat nagpapahinga sila pero inuna parin nila ang trabaho nila. Mauna narin po ako sa school nalang po ako mag breakfast para po may kasama ako." Sagot ko sa kanya at bahagyang ngumiti. Tinignan naman nya ako na may halong pagaalala.
***
"Oh! bakit naka simangot ka ata ngayon? Kahapon lang hindi mawala yang mga ngiti mo sa labi tas ngayon para kang pinagsakluban ng langit at lupa." Natatawang saad sa akin ni aj. Inirapan ko nalang sya dahil alam ko namang alaskador ang lalakeng yun.
"Wala! Kaya tigilan mo ko Aldrin kung ayaw mong mabatukan dyan." Iritadong sagot ko sa kanya.
Okay naman ako kanina pero hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Parang tinamad tuloy ako ngayong araw. Hayst baka siguro sobra lang akong nagaalala kila mom at dad. Sadyang naiinis din ako sa taong makapal ang muka na lokohin at traydurin ang mga magulag ko. Buong buhay ko alam ko kung paano mamalakad ng kompanya sila dad. They never failed to amused me because everytime their employees needs help agad silang tutulong at hindi na magdadalawang isip pa. Sa tuwing pupunta ako doon ay puro papuri ang naririnig ko sa mga empleyado nila dad na sila na ata ang pinaka mabuting amo na nakilala nila at may magandang pamamalakad. Saksi din ako kung pano mahalin at ituring na pamilya nila mom ang mga nagtratrabaho sa kompanya, kaya nagtataka ako kung sino ang taong naglakas loob na traydurin sila na kung tutuusin ay puro kabutihan ang binibigay ng mga magulang ko.
"Eto naman masyadong hot headed! pinapatawa ka lang eh... Ano ba kasi dahilan mo at kanina pa naka ngunot yang noo mo at nakasimangot ka pa dyan?" Sabat ni Cath sa akin. Alam kong kaibigan ko sila pero kaylangan pa bang sabihin ko pa sa kanila ang nangyayare sa pamilya ko?
"Nothing It's just about my family and the company." Nagiwas na ako ng tingin at nagsimulang naglakad patungo sa pool area. Doon kasi ang center ng game ngayon kaya manonood nalang kami kaysa nakaupo lang kami sa labas at tumunganga at least dito may napapanood kami at nakakakita pa ng mga abs.
"Magkwento kana Steph alam ko namang gusto mong ikwento yan eh pinipigilan mo lang sarili mo. Saka ano naman kung tungkol sa pamilya nyo at kompanya nyo? Tungkol parin yan sayo kasi apektado ka kaya ikwento mo na makikinig kami sayo ni cath." Wala na akong nagawa at huminto sa mga upuan malapit sa pinto papasok sa pool area.
"Ilang araw nang pagod sila mom at dad sa work, ni hindi na ata sila natutulog at sobra na akong nagaalala. Minsan ko nalang sila makasama dahil may inaasikaso silang importante. Akala ko nung una sadyang ganun lang talaga sila ka busy kasi nga sabi sakin last time nila dad na dumadami na daw ang investors at gusto maging partner ng company. Binalewala ko nalang kasi yun ang sabi nila. But these past few days I saw them too focused on their laptop with tons of some papers beside the table. Sobra akong nagalala sa kanila kasi tutok na tutok sila sa ginagawa nila na hindi na nila namamalayang pagod na sila at hindi pa nakakapagpahinga. I asked them kung anong nangyayare at dun ko nalaman na someone's stealing our money and the company's money. May traydor sa loob ng kompanya at ginagamit pa ang signature ni dad to do an illegal works behind our company. Yung mga papel na nasa table ay ang mga financial statement mula 2015 hanggan 2018 at iba't ibang papeles na may kinalaman sa illegal na may pirma ni dad na kahit wala syang natatanggap na ganun para pirmahan. Saka kahit makatanggap sya ng ganung papel ay hinding hindi nya pipirmahan yun. So ibig sabihin na matagal na kaming naloloko at nananakawan. Ayoko nalang sana sabihin sa inyo to kasi problema na nang pamilya to at ayokong pati kayo ay mamroblema sa problema namin."

BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Teen FictionEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...