Prologue

2.9K 63 2
                                    

"Okay...bakit  nga ba tayo nahiwalay sakanila?" tanong ko sa mga kasama ko.

"Duhh! kasi nga puno na daw yung bus! kahit hindi naman talaga." sabi ni Jea.


"Pati mga bag kasi nila may mga upuan! ang aarte kala mo naman..." dagdag ni Ariana.


Nasa iisang kotse kami. Ako, si Jea, Ariana, Deniel at Vincent. Nahiwalay kami sa iba pa naming kasama dahil nga sa puno na daw kuno ang bus.


"Ano ba?! Hayaan niyo yung mga pangit na yon! nakasunod naman tayo sa kanila eh!" maarteng sabi ni Deniel.

"Baklang 'to!" singit ni Vincent sa usapan.


"Che! magdrive ka na lang jan!" ani Deniel.


Pagkatapos nun ay biglang nanamang nanahimik kaming lahat. Ang bilis ng araw akalain mo yun gabi nanaman. Sumilip ako sa labas ng bintana para sana tignan ang magandang view sa labas...ngunit bigo ako dahil sa sobrang dilim ng kalangitan natatakpan kasi ng ulap ang mga bituin.


"Nakakatangina yung kalagayan natin dito ah!" napalingon ako bigla kay Deniel.


"Pagdating natin dun sa resort nila Rc... tangina sasampalin ko isa-isa mga classmate natin hayup!" gigil na gigil niyang sabi.


Hindi na lamang namin siya pinansin nila Jea. Marahil ay dinibdib niyang sobra ang paghiwalay namin ng sasakyan sakanila.


"Malayo pa ba Vincent?" tanong ko.


"Ikaw kaya magdrive dito!" biglang sabi niya.


"Luh! inaano ka ni Antoinette? tinatanong ka lang naman." sabi sakanya ni Jea. Pustahan babait 'to bigla! kinausap na siya ng girlfriend niya eh!


"Sorry naiinis lang kasi ako...bumalik akong grandmaster kanina sa laro ko eh!" tangina!? kala ko naman....


"Punyeta!? i-uninstall ko yang ml na yan sa cellphone mo eh!" sabi ni Jea sabay kurot sa braso niya.


"Okay lang yan Vincent...Congrats mo naman ako oh! kasi road to legend na ako." sabi ni Deniel. isa pa 'to!


"luh?" sabi ko.


"So...malapit na ba tayo Vincent?" tanong ni Ariana.


"Ewan ko!"


"ANO?!" sabay na sigaw naming apat.


"Aray ko ha? sakit sa tenga ah!" siraulo 'to!


"Hindi ko naman kasi alam kung tama ba 'tong gps eh!" dagdag niya.


"Nilagay mo ba sa gps Sunrise Resort—tanginang pangalan ng resort 'yan!" sabi ko.

"HAHAHAHAHAHA!  Oo naman!" sagot niya.


"Sundan mo lang kasi 'yan. Makakarating din tayo don!" sabi sakanya ni Ariana.


Matapos nun ay muli nanamang nanahimik ang loob ng kotse. Nakarating na kaya sina Camille sa resort? Ano na kaya ginagawa nila doon?


"VINCENT SA HARAP!" nagulat kami nang biglang sumigaw si Ariana. Hindi kaagad naka-preno si Vincent kaya't nagpagewang-gewang ang sasakyan.


"Tapakan mo lang 'yung preno Vincent tangina mo!" sabi ni Deniel.


"Ayaw!"


"Anong ayaw?!" sabi ni Jea.

"WALANG PRENO!"sigaw ni Vincent


"AAAAHHHH!" sigaw namin. nang akmang babangga kami sa isang poste buti na lang at naiwasan ni Vincent iyon.


"Paanong walang preno?" sabi ni Ariana.


"WALA NGA! TANGINA! KAYO MAGDRIVE DITO!!" sigaw ni Vincent.


Mamamatay na ba kami? Hindi ko na rin alam ang gagawin namin masyado na akong nabubugbog dahil sa pagkakabangga ko sa loob ng kotse. Natataranta na kami dito sa loob kung paano kami hindi mamamatay.


"MAY BANGIN!" sigaw ni Jea sabay turo sa harap.

Nagdire-diretso ang kotse namin patungo sa bangin...


"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!"

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon