Alas singko ng hapon sa kasagsagan ng paglubog ng araw, malamig na simoy ng hangin ang nagdaan sa buong Sunrise Resort. Walang kuryente sa buong building 1 kung nasaan naroon sina Vincent, Kurt, Jea at Deniel. Naroon din sa building na iyon sina Anika, Hannah, Alexia, Nicole, Daniella at Ashley.
"Naiwan ko pala cellphone ko sa bus." sabi ni Kurt.
Nasa kusina silang dalawa ni Vincent para humanap sana ng pagkain kaso, bigo silang makahanap dahil sa walang kalaman-laman ang mga cabinet at ref na naroon
"Bakit may tatawag ba sayo dun?" tanong ni Vincent.
"Oo yung papa ko..." sagot ni Kurt.
Nakaupo sila sa isang table na malapit lang din sa kitchen. Walang ilaw kaya naman nahihirapan silang dalawa na magusap dahil hindi nila alam kung kaharap pa ba nila ang isa't-isa.
"Natatakot ako sa ginagawa natin. Saka dito pa talaga tayo nagusap sa lugar kung saan di natin makita ang isa't-isa?" saad ni Kurt.
"Sige nga isipin mo! Hahanapin natin sina Jea sa lugar na ganito kadilim? Tignan natin kung di ka mauna mamatay bago mo pa sila mahanap! Saka baka makita tayo ng mga killer kapag nagpaikaw tayi gamit ang cellphone ko." sabi ni Vincent.
"Eh diba sabi mo sakanila wag sila aalis sa pwesto na una nating pinagpuwestuhan? Don't tell me nakalimutan mo na kung nasaan iyon?" tanong ni Kurt.
"Hindi sa ganun...pero sabihin na nating ganun na nga!" Nagulat si Kurt sa sinabing iyon ni Vincent.
"Mas malala ka pa pala sa akin!" saad niya.
"Bakit ikaw ba naalala mo din kung saan?" tanong sakanya ni Vincent.
"Hindi. Pero kapag may ilaw na dito sigurado akong matatandaan ko na kung saan natin sila iniwan!" sagot ni Kurt sakanya.
"Kaya nga dito muna tayo..." ani Vincent. Nanahimik silang dalawa. Pero dinig nila ang hininga ng isa't-isa. Tahimik na nakatitig sila sa dilim.
Lumipas ang sampung minuto na hindi pa din sila naguusap. Nabibingi na silang dalawa dahil sa katahimikan. Paano sila maguusap kung wala silang paguusapan? Mga bagay na kanilang iniisio
"Wag mo nga akong siksikin dito!" galit na saad ni Kurt kay Vincent nang bigla siyang tabihan nito.
"Ikaw yon! Maka-hawak ka nga sa kamay ko parang magjowa tayong dalawa ha? Jowa kita?! Bitawan mo ako!" saad ni Vincent
"TANGINA SINABI NANG WAG KANG TUMABI SA AKIN EH! BIGAT MO KAYA!" sigaw ni Kurt at pilit na tinutulak ang katabi niya.
"Tangina! Wag mo hawakan kamay ko!" utos ni Vincent kay Kurt.
"Saka...sa kaalaman mo nasa harapan mo ako nakapwesto! Kaya pwede bitawan mo na kamay ko!" dagdag ni Vincent.
"Hoy! Kapal mo naman di ko hinahawakan kamay mo sampal ko sayo dalawang kamay ko eh! Alis kana dito sa tabi ko!" sabi ni Kurt.
Mukhang nakuha na ng dalawa ang totoong nangyayari kaya naman panandalian silang huminto sa pagsasalita at natahimik.
"Kung nasa harapan kita...Eh sino naman itong katabi ko?!" tanong ni Kurt. Labis na nagtataka ang dalawa sa nangyayari.
"Kung hindi mo din hawak ang kamay ko...Sino naman hahawak nito?" sambit ni Vincent at inilabas ang cellphone niya para magkaroon sila ng liwanag sa oamamagitan ng flashlight.
Inilawan ni Vincent ang harapan niya at doon nakita nga niya si Kurt. Dahil na rin sa flashlight ay nakita na din ni Kurt si Vincent na nasa harapan niya. Inilawan ni Vincent ang kamay niya dito nakita niya ang isa pang kamay ng tao. Pagkatapos ay inilawan niya ang katabi ni Kurt. Nagulat ang dalawa sakanilang nakita. Katabi na pala ni Kurt ang taong nakamaskara at nakahood jacket na kulay itim ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ni Vincent at ang isa pa niyang kamay ay may hawak na malaking kutsilyo.

BINABASA MO ANG
HIDE
Misterio / SuspensoPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...