Nasa bus parin hanggang ngayon si Kurt tila ba ay ayaw na yata niyang lumabas doon.
"Ako talaga napupuno na ha? Naubos na pagkain ko dito sa loob!" reklamo niya sabay subo sa pinakahuling piraso ng biscuit na kinakain niya.
"Baka naman may naiwan mga classmate ko dito sa loob" pagkasabi niya ay marahang gumapang siya sa loob ng bus para maghanap ng kanyang makakain. Sa pinakadulong upuan ng bus ay may nakita siyang isang bag.
"Kanino kaya to?" tinitigan niya nang mabuti ang bag, Malaki ito at mistulang napakaraming laman sa loob.
"Di bale na nga...manghihingi lang ako ng pagkain classmate ha?" At sinimulan na nga niya ang paghahalungkat ng bag. Nagulat siya dahil imbis na pagkain ang makuha niya ay isa pa lang maskara.
"Ito yung maskara nila na ginamit sa roleplay eme nila ah?" Hinalungkat niyang muli ang bag at dito nakita naman niya ang isang hood jacket na kulay itim at mga kutsilyo na iba-iba ang hugis at laki mayroon ding isang malaking palakol
"So ito pala props nila ha?" sabi niya at nagpatuloy pa rin sa paghahalungkat
"Ano ba yan?! Walang pagkain!" reklamo niya. Umupo siyang muli sa sahig ng bus at naglaro ng cooking madness.
"Baka sakaling mabusog ako dito kung maaari pati cellphone ko kainin ko na din."
━━━━━━
"Kaye dito tayo." Tawag ni Cristine kay Kaye. Nahiwalay sila sa mga kagrupo nila dahil sa di inaasahang pangyayari.
"Natatakot ako." ani Kaye.
Nahiwalay sila dahil sa dumating ang isang taong nakamaskara na nakakatakot at nakahood jacket na kulay itim. Sa una ay akala nila nakikipagbiruan ito, ngunit hindi pala, nang totohanang saksakin nito si Rose. Kitang-kita ng mga mata nila kung paano nito patayin si Rose tinadtad niya ng saksak ang buong katawan ni Rose hanggang sa tuluyan na nga itong mamatay. Agad na nagtakbuhan ang buong group a, maliban kay Jose na sa oras na iyon ay abala pa rin sa paghahanap sa kanyang mga kagrupo upang sabihin ang nangyari sakanilang guro. Naghiwa-hiwalay sila ang iba ay umakyat sa ibang floor ng building 4 at ang iba naman ay lumabas sa building 4 at isa na sina Cristine at Kaye doon.
"Nasaan ba tayo?" tanong ni Kaye. Umiling na lamang si Cristine dahil kahit siya ang tatanungin ay hindi niya alam kung nasaan na ba sila. Sa sobrang kaba nila kanina ay hindi na nila alam kung saan lugar sila napadpad sa resort.
Tirik na tirik ang araw sa oras na iyon. Nauuhaw at nahihilo na ang dalawa dahil na rin sa init.
"Be, nauuhaw na ako. May tubig kaba jan?" tanong ni Kaye.
"Kahit ako din nauuhaw at nahihilo na. Kung sana hindi natin nakasalubong yung nakamaskara na taong iyon edi sana hindi nahulog yung tubigan ko" sabi niya.
Nahihirapan na si Cristine ngunit ayaw niyang makita ng kanyang kaibigan iyon. Dahil alam niyang mas kakabahan ang kaibigan kapag nagpakita siya nang kakaibang kilos.
"Doon!" sabi niya sabay turo sa isang maliit na bahay na malapit sa isang building sa resort, medyo malapit din ito sa isang bangin na katabi mismo ng resort.
"Sumilong muna tayo at baka may tubig doon." pagkasabi ni Cristine ay agad na nagpunta sila doon. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Kaye dahil baka magkahiwalay nanaman sila.
Hindi nga siya nagkamali, dahil pagpasok nila doon ay nakita nila ang lamesa na puno ng pagkain at mga inumin, meron ding aircon sa loob kaya naman labis ang pasasalamat ng dalawa dahil napadpad sila lugar na iyon. Hindi na pa pinalampas ng dalawa ang pagkakataon at agad na kumain dahil gutom na gutom na sila.
Mula sa labas ng maliit na bahay ay may isang taong nakatanaw sakanila. Nakangisi ito at dahan-dahang naglakad palayo sa bahay. Pero huminto siya saglit at gumawa ng baril gamit ang kanyang kamay at itinapat ito sa bahay.
"Bang!" sabi niya na mistulang parang may hawak talaga siya baril atsaka tumawa nang napakalakas.
"Mga tao nga naman dito" Sabi niya at tuluyang umalis sa lugar.
━━━━━━
"Kenrick buti gising kana." sabi ni Camille. Nabuhayan ng loob ang iba sa sinabi ni Camille.
"Nasaan ba ako?" Tanong ni Kenrick.
"Nandito tayo sa labas ng building 3 pero dahil mainit nasa lilim muna tayo. Bayaran mo kami ang hirap mong buhatin eh!" sabi ni Jaymar.
"Aray!" sabi niya nang hampasin siya ni Jhenlie sa braso.
"Alam mo na ngang tulog si Kenrick diba? Wag kana magreklamo jan" sabi ni Jhenlie.
Sobrang saya nilang lahat dahil sa nagising na si Kenrick.
"Saan kaba kasi nagpunta?" tanong ni Shaira.
"Oo nga, at bakit andami mong sugat?" dagdag ni Joynalyn.
"Wag mong sabihin dahil sa katangahan mo nahulog ka sa hagdan kasi nawalan ng kuryente kahapon." ani Marian
"Hindi sa ganun..." sabi ni Kenrick.
"Ano pala?" tanong ni Camille.
Nakatitig ang lahat kay Kenrick hinihintay nilang magsalita siya.
"May kung sinuman ang nagtangka sa buhay ko...gusto niya akong patayin ngunit lumaban ako kaya nakatakas ako sakanya" nanginginig na pagpapaliwanag ni Kenrick.
"Sino naman yon?" tanong ni Marian.
"Sa totoo lang kahit nung unang araw natin dito sa resort sinusundan na niya ako, tayo ngunit nakatakas ako... Hindi ko alam kung sino siya, nakamaskara siya at nakahood jacket na kulay itim sa pagkaka-alam ko" ani Kenrick.
"Tangina umuulan ba? Kanina pa parang may tumutulo eh" reklamo ni Jaymar sabay punas sa patak ng ulan kuno na tumutulo sa ulo niya.
"AAAAAAHHHHHH!" sigaw ni Jhenlie. Agad na napatayo ang iba dahil sa pagsigaw ni Jhenlie.
"Bakit?" Tanong ni Shaira.
"Hindi tubig Jaymar ang tumutulo sa ulo mo, kundi dugo!" sabi niya.
Agad na kinilabutan sila dahil sa dugo nga iyon. Marahang lumingon ang lahat sa itaas at dito tumambad sakanila ang ulo ng isang tao, ulo ni Billy.
"Billy?" sabi ni Joynalyn.
Agad na umalis silang lahat sa puwesto nila at lumipat sa lugar na siguradong makikita nila ang ulo na ito. Halo-halong emosyon ang lumabas sakanila. Ang iba ay nasusuka ang iba naman ay umiiyak.
"Jusko po!" sabi ni Camille. Billy...
"B-baka siya na yan. Yu-yung taong gustong pumatay sa akin" nauutal na sabi ni Kenrick.
"Ano ba talagang meron sa resort na ito?" naiiyak na tanong ni Glydel. Nanahimik ang lahat at tahimik na ipinagdasal ang kalunos-lunos na sinapit ni Billy. Hindi na pa nila alam ang gagawin sa mga oras na iyon.
"Guys, Umalis na tayo dito baka kung ano pa mangyari sa atin" sabi ni Marian.
END OF CHAPTER 9
---
041119
BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...