Hide 24

426 14 0
                                    

DAY 5

LUCIFER'S POV

"Talaga bang hindi na isasama dito ang mga gems?" tanong ni Green.

"Hindi na!" Wala na akong paki sa mga gems. Mas gusto kong makita na naghihirap sila.

Alas-singko ng umaga. Isa-isa na silang nagsisigising. Ano kayang pwede kong gawin sa mga 'to?

Syempre dapat magkaroon sila ng pampagana sa umagang ito.

Agad kong pinatunog ang sirena ng bumbero o ambulansya, kahit alin sa dalawa. Hindi ko mapigilang matawa sa mga reaksyon nila nang madinig ito. Ang iba ay nagulat na agad nataranta at napaupo bigla, may mga nayamot dahil sa aking ginawa, meron ding mga walang pakialam at nanatiling tulog.

"Gising na..."mabagal kong pagkakasabi. Nadinig ko namang tumatawa si Green na nasa likuran ko.

"Masarap ba tulog niyo? Tulog na parang...walang mamamatay sainyo... HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang pagkainis sa akin. Hindi ko alam pero, parang drugs mga itsura nila na sa tuwing madidinig ang boses ko ay sadyang nakaka-high lang mga reaksyon nila para sa akin.

"May good news ako!" masayang sambit ko kahit na hindi masaya ang mga ito.

"Hindi na tayo gagamit ng gems!" saad ko. Nabigla sila. Ewan ko, pero parang natuwa pa nga sila nang madinig iyon. Akala niyo ba ganun lang 'yon? NO.

"Pero mamamatay pa rin naman kayo!" Hindi ko maiwasang matawa. Nakakatuwa sila.

"Hayop ka talaga! Humanda ka sa akin kapag nagkita tayo!" galit na saad ni Ashley.

"Bakit ba hindi mo na lang kami paalisin dito?" tanong ni Camille.

Bakit nga ba hindi?

"Ganito na lang..."

"Sa loob ng 2 araw ay magtatago kayo at kapag hindi namin kayo nakita matapos ang dalawang araw...edi panalo kayo, kapag nahanap namin kayo edi babye!" Taguan kung tawagin ng iba.

"Tsk! ganyan ba ang alam mo? larong pambata?"  sabi ni Jose.

Masaya kaya yun. Palibhasa hindi nila ako maintindihan.

"Siguro, 5 years old ka pa lang? Kaya ganyang laro ang naiisip mo!" iniinis ba ako nitong lalaking ito? Kasi infairness effective.

Tumingin ako kay Green na binigyan lamang niya ako nang hindi-ko-alam look. May naisip na akong magandang plano.

"Sige ganito. Para naman masabi niyong fair ako diba?...Sa oras na isa sa inyo ang makahanap sa isa sa mga kasama ko, kahit ako o sa oras na munahan niyo kami na makita kayo, ay maari niyong gawin ang gusto niyo sa amin. Pahirapan o Patayin niyo din kagaya nang ginawa namin sa mga kaklase niyo, kung gusto niyo lamang gawin iyon. Kayo ang bahala." nakita ko sa mga mukha nila ang pagkabigla.

"Ano?! Seryoso ka?!" tanong ni green.

Agad kong in-off ang mikropono. Nadinig ko naman ang sunod-sunod na pagpasok ng mga kasama ko.

"Anong problema mo?! Pati buhay mo sinama mo pa?" tanong ni Psyche.

"Bakit may angal kayo?!" sabi ko. Napayuko naman silang lahat.

"Pero kasi...Bakit naman ganun?" saad ni Green.

"Bakit takot kayo? Takot kayo na mapatay nila? Takot kayo?!" sunod-sunod kong tanong.

"Hindi!" sabi nilang lahat. Natatakot ba sila?

"Hindi ko kayo marinig. Ano natatakot kayo sakanila? Natatakot kayo sa mga kaklase niyo?!"

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon