Hide 33

257 16 2
                                    

"Sumagot ka!" saad ni Kurt.

Hindi pa rin maka-usap ng tatlo si Jose. Ilang oras na nilang pinipilit itong kausapin, ngunit wala silang nakuhang sagot dahil naka-tulala lamang ito.

"Jose..." nag-aalalang sambit ni Ashley.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Ashley habang naglalakad papunta sakanya.

"Huwag!" utos ni Antoinette at Kurt na agad namang nagpahinto kay Ashley.

"Hindi natin alam kung ano ang nangyari. Hindi natin alam kung ano ang kanyang ginawa. Kaya kung maaari huwag tayong lalapit sakanya" saad ni Antoinette.

Nagsalitan ang tingin ni Ashley sa pagitan nila Antoinette, Kurt at kay Jose. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.

Kaya naman nanatili siya sa gitnang bahagi ng bus.

"Okay..." aniya

Ayaw nang pilitin nila Antoinette si Jose. Pagod na sila, kaya wala na silang lakas at oras para sa ganoong bagay. Kung ayaw ni Jose magsalita hindi na nila ito pipilitin.

"Bwisit na buhay 'to!" nagulat silang tatlo sa sinabi ni Jose.

"BWISIT NA BUHAY 'TO!" sigaw ni Jose.

"TANGINANG BUHAY 'TO!" sigaw niyang muli.

Agad na napatayo ang tatlo sa kanilang kina-uupuan.

Tila yata'y nagulat si Jose nang masilayan ang tatlo. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga kaklase.

"Nandito kayo?" tanong niya.

Hindi alam ng tatlo kung anong nangyayari kay Jose. Walang silang alam sa kung anong binabalak nito.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" tumawa si Jose. Tumawa siya nang napaka-lakas. Tumawa siya sa abot ng kanyang makakaya. Tumatawa lamang siya

"Nabaliw na." bulong ni Kurt kay Antoinette. Nagkatitigan naman silang dalawa sabay tingin kay Ashley.

Halata sa mukha ni Ashley na kinakabahan siya at tanging binibigyan ng 'anong-gagawin-ko' look sina Antoinette.

"Mali ako..." mahinahong saad ni Jose.

"MALI AKO!" biglang sigaw niya na iki-nagulat ng tatlo.

"TANGINA MO!" sigaw pabalik ni Antoinette.

Napatingin nanaman sakanila si Jose.

"Uy! Anong ginagawa mo?" bulong ni Kurt.

"Tama ka." saad ni Jose.

Ngumiti si Jose sakanila ngunit, biglang napawi ang ngiting iyon at napalitan naman ng lungkot.

"President niyo ako...pero wala akong nagawa para iligtas kayong lahat...Wala akong kwentang lider." dismayadong saad ni Jose sa sarili.

"Pero buhay pa kaming tatlo, tayong apat." saad ni Ashley.

Naging seryoso muli si Jose.

"Duwag ako! Napaka-duwag kong tao. Hindi ko alam kung makakaligtas pa nga  ako dito eh! Bakit kasi nauunahan ako ng takot?...Wala tuloy akong nagawa para mailigtas sila." nagulat si Jose nang may kung anong basa ang dumadampi sa kanyang mga mukha 'umiiyak ba ako?'

"Hinayaan kong mamatay sina Edron, Pati na rin si Vincent. Ang sakit lang!" Patuloy pa rin siya sa pag-iyak

"Wait! Akala ko ikaw pumatay sakanya?" saad ni Kurt.

Napatingin si Jose sakanya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Ngumiti nanaman si Jose at pinunasan ang kanyang luha. Naiisip ng tatlo na baka tuluyan na ngang nabaliw si Jose.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon