Hide 10

687 21 2
                                    

Hindi maisip nila Anika kung ano ba talaga ang nangyari sa loob ng building 1, Hindi nila magawang isipin kung sino ang gagawa kay Zhienrod ng ganun.

"Sina Ashley nasaan?" tanong ni Alexia.

Naiiyak si Anika. Mabuting kaibigan si Zhienrod sakanya at parang kapatid na din ang turing niya kay Zhienrod. Bumabalik kay Anika lahat ng alaala na kung paano sila nagtatawanan sa classroom at nagaaway, nagbibigayan ng sagot sa exam at kung paano naging magkaibigan sila dahil sa sila ay magkatabi ng upuan sa classroom nila.

"Maybe ito talaga ang plano nila Ashley." ani Hannah.

Natigil ang lahat sa sinabi ni Hannah. Ilang segundong naghari ang katahimikan.

"Si Ashley at si Daniella?" bulong ni Anika.

pero, bakit? sabi ni Anika sa sarili niya.

Marahang pumasok sa loob ang apat na dalaga at marahang nilang sinuri ang buong lugar

"Bakit naman gagawin nila Ashley kay Zhienrod yon?" tanong ni Nicole.

"Siguro kasi galit sila kay Zhienrod? Remember nung time na nag-open forum tayo, inamin nila Ashley at Daniella na galit nga sila kay Zhienrod." ani Alexia.

Nagbingi-bingihan lamang si Anika sa mga sinabi ng kanyang kasama, umiiyak pa rin siya at labis na dinibdib ang nangyari sa kaibigan. Ayaw niyang maniwala na sina Ashley at Daniella iyon dahil kilala niya ang ugali ng dalawa. Oo alam niyang galit sila kay Zhienrod ngunit ni hindi sumagi sa isip nilang dalawa ang pumatay ng tao...

"Hindi ko alam na ganun pala ang balak nila" naiiling na sabi ni Alexia.

"Hindi alam?!" tanong ni Anika. Labis na nagulat sina Alexia sa inasal niya

"Hindi mo alam? Hindi niyo alam?" tanong niyang muli at isa-isang tinitigam ang mga kasama.

"Bakit sina Ashley at Daniella ang sinisisi niyo?!" hindi na napigilan pa ni Anika ang magtaas ng boses, napayuko na lamang sina Nicole dahil kahit sila ay hindi alam kung ano ba ang isasagot kay Anika

Sa puntong yon labis na nagalit si Anika sa mga kasama.

"Eh baka nga IKAW PA ANG MAY PAKANA NITO!" sigaw niya saka idinuro si Alexia.

"First of all sino ba sa atin ang ayaw bumalik dito? Sino ba sa atin ang nagalit kanina dahil babalik tayo dito?! Sino ba sa atin ang sa tingin niyo na gagawa nun?!" sunod-sunod niyang tanong.

"Walang iba kundi ikaw...Alexia"

"Why me? Bakit ba ako sinisisi mo?! eh sa ayaw ko nga na bumalik dito eh! Ano bang kinalaman nun sa pagkamatay ni Zhienrod ha?!" sagot ni Alexia.

Patuloy sa pagsasagutan sina Alexia at Anika samantalang, si Nicole at Hannah ay hindi na magkandaugaga sa pagawat sa dalawa.

"Baka ikaw ang may kasalanan?! Siguro ikaw ang nagplano? Ano may kasama kaba? Sino kasama mo? Kasi ang alam ko hindi papayag sa ganyan sina Ashley at Daniella." ani Anika.

"Bakit ba ako sinisisi mo? Malay ko ba kung umaarte ka tapos sa akin mo ibinibintang ha?!" ani Alexia.

"Ano ba? Dito pa kayo nagaway" pagawat ni Nicole.

"Eh paano kung kayo din palang dalawa ang may pakana nito then kunwari parang wala lang ang nangyari " sabi ni Alexia sabay lingong kina Nicole at Hannah.

"So ano yon?! Kami naman ngayon pinagbibintangan mo?" tanong ni Hannah.

"Hindi. Unless natamaan ka..." sabi ni Alexia

"Gusto mo ng away? Okay fine i'll give you one." sabi ni Hannah sabay sabunot kay Alexia.

"Matagal na ako nagtitimpi sayo sa totoo lang!" dagdag ni Hannah.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon