"Ang init!" reklamo ni Mariecar.
Nasa building 4 pa rin sila nila Edron, Jose, at Jairo. Hindi nila magawang mahanap ang gems dahil sa kalagayan nila. Dahil kagabi habang papalabas sila sa building 4 papunta sana sa building 1 ay sinalubong silang ng taong nakamaskara at nakahood jacket na kulay itim. May dala itong martilyo. Sa gulat nilang apat ay sabay-sabay silang nadulas at bumagsak sa sahig. Kasabay nun ay agad na ipinalo ng taong nakamaskara sa dalawang paa ni Edron ang martilyo nang madaming beses hanggang sa mabali ang buto niya sa kanyang mga paa. Agad namang gumawa ng paraan sina Mariecar kaya nakatakas sila sa taong iyon, akay-akay si Edron at mabilis na nakapagtago sa isang kwarto sa 7th floor doon pa rin sa building 4.
"Ayaw ko na!" usal ni Jairo.
Naguluhan naman ang lahat sakanya. Napatanong sila sa sarili nila kung bakit nasabi iyan ni Jairo.
"Ayaw ko na sa ganitong paraan ako mamamatay!...Mas mabuti pa kung ako na lang papatay sa sarili ko! Ayaw ko ng mawalan pa ng mga kaibigan! Ayaw kong makitang nasasaktan kayo!" naiiyak niyang saad.
"Gago ka ba?" tanong ni Jose. Naguguluhan sila. Hindi nila maintindihan si Jairo dahil kahit kailan hindi nila nakitang nagkakaganun si Jairo.
"Ako dapat magsabi niyan! Kita mo naman nangyari sa akin! Ano ba kasing problema mo?" ani Edron. Gustuhin man niyang lapitan si Jairo ay hindi niya magawa dahil sa pagpkakapalo ng martilyo sa kanyang mga paa na naging dahilan ng pagkabali ng buto niya dito at hindi na pa nakalakad simula kagabi. Nananattili lamang siyang nakaupo sa kama na nasa kwartong iyon.
"Guys! Sorry, pero..." napahinto saglit si Jairo.
"Anong gagawin mo?!" tanong nilang tatlo.
Marahang naglakad palapit sa bintana si Jairo. Akala nila jose ay sisilip lang ito ngunit kinabahan sila ng buksan iyon ni Jairo.
"...Hindi ko kakayaning ibang tao ang papatay sa akin. Hindi ko kakayaning makita kayong naghihirap. Kasalanan ko ito eh! Kasalanan ko kung bakit namatay si Rose, Kasalanan ko kung bakit nagkaganyan ka Edron. Mas mabuting ako na lang ang mamatay kesa kayo, ayoko nang nakikitang may masasaktan pa sa mga kaibigan ko." usal ni Jairo.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang saad ni Edron.
"Sorry...ginawa ko naman lahat para patayin kayong lahat na kagrupo ko, kaso nahiwalay tayo sa iba. Ginawa ko ang lahat para patayin kayo na kasama ko ngayon...Pero hindi ko nagawa" paliwanag niya.
"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Mariecar.
"Kilala ko sila. Kasama nila ako. Isa ako sakanila. Kasabwat ko si Lucifer." sunod-sunod niyang sabi.
Napaiyak si Mariecar sakanyang nadinig. Gulat na gulat silang tatlo sa ikinumpisal ni Jairo.
"Sorry. Magiingat kayo...Dahil alam kong may mas malalala pa silang gagawin sa natitirang tatlong araw" nakangiting saad ni Jairo sabay lingon sa isang vase. Nagtaka naman si Jose at agad na ininspeksiyon ang vase at doon nakita niya ang isang maliit na camera, labis na nagalit si Jose kaya naman sinira niya iyon.
"Bakit naman?... Akala ko ba 'Bros before anything else'? Eh tangina ka naman pala!" galit na saad ni Jose at agad na binigyan ng isang suntok sa mukha si Jairo.
"Sige! Saktan niyo ako please! Bugbugin niyo ako, sampalin o kaya patayin niyo na din ako! Ito naman talaga ang nararapat sa akin eh." sambit ni Jairo. Nadismaya silang tatlo kay Jairo.
"Paanong ang isang kagaya mo...Na pinagkatiwalaan, tinulungan, itinuring naming parang kapatid nagawa sa amin iyan. Nagmukha kaming tanga alam mo ba yon? Na ang taong isa sa kasabwat pala nung demonyong iyon ay kasama namin at ngayon nakikipagusap kami sakanya!" galit na saad ni Edron. Gusto niyang suntukin si Jairo ngunit hindi niya magawa.
BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...