DAY 6
MARK'S POV
"Huh?" nagising ako nang may maramdaman akong kung anong basa sa mga paa ko.
"Tubig?" lumingon ako sa paligid nasa pool pa rin pala kami nila Sheena, Cristina, Kirsten, Jane, Belleza, Lorria at Arohn.
Teka!
May tubig?! may tubig yung pool, at pa-angat na ito.
"GISING!" sigaw ko sakanila. Napansin ko din ang packing tape na nakapalibot sa mga katawan namin.
"Sheena, Cristina, Jane Belleza, Lorria, Arohn! Gising!" nagsimula na akong kabahan nang hindi sila nagrespond sa akin.
shit! ayaw nilang magising. Hindi ba nila nararamdaman ang tubig sa paanan nila.
"GUMISING KAYO!" muli kong sigaw. Kinakabahan na talaga ako halos nasa tuhod ko na ang tubig pero wala ni isa sakanila ang nagigising.
"KAILANGAN NATING MAKA-ALIS DITO!"
"GUMISING NA KAYO PLEASE!" sunod-sunod kong sigaw. nagbabakasakaling magising na sila.
"SINABI—"
"OO NA! ETO NA GIGISING NA!" sigaw sa akin pabalik ni Sheena.
"Istorbo ha?" inis na sabi ni Sheena.
"Sige matulog ka ulit." utos ko sakanya. Malulunod na nga kami, tapos siya parang walang balak na umalis. Ano nag-enjoy?
"Kita niyo namang malulunod na tayo eh!" saad ko.
"Ano?!" hindi siya makapaniwalang totoo nga ang aking sinabi.
"Bakit nagkatubig dito?!" natataranta niyang tanong.
"Pool kasi to diba?!" sarkastikong saad ni Jane.
"Kaya malamang magkakatubig dito!" dagdag pa niya.
Nagkukulay dugo na ang tubig habang pa-angat ito nang pa-angat. Marahil sa mga dugo na galing sa mga kasama namin.
Mukhang uulan pa yata dahil sa makulimlim ang langit ngayon.
"Gisingin niyo na sila." Hindi naman nahirapan ang dalawa, dahil agad ding nagising sina Cristina, Kirsten at Lorria maliban lang kina Belleza at Arohn.
"Bakit hindi magising sina Belleza?" tanong ni Sheena. Nagkatitigan kaming anim. Sana hindi pa patay ang dalawang ito.
Mabilis ang pagtaas ng tubig, unti-unti ko nang nararamdaman ang aking paglutang. Nahihirapan din kaming makawala dahil sa packing tape na nakapalibot sa aming mga katawan. Paano na kami ngayon?
"Guys! Ayaw ko pa mamatay!" ani Cristina.
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" sigaw ni Sheena.
"Bakit?" sabay na tanong namin ni Jane.
"Si-sina Belleza at Arohn"saad niya at agad namang napadpad ang mga tingin namin sa dalawa. Dito nakita namin, na isa-isang nagsi-kalasan ang parte ng katawan nila.
Paanong?!
"Jusko po! Umalis na tayo dito"dagdag pa ni Sheena
"Lorria wag ka magulo!" sabi ni Kirsten kay Lorria. Nabaling naman ang tingin namin lahat sakanilang dalawa
"Hindi ako marunong lumangoy tulong" saad ni Lorria na mukhang wala na sa sarili.
Labis na nagulat kaming lahat sa sumunod na nangyari. Sa pagtaas ng tubig kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nahihirapan si Lorria dahil sa hindi siya makagalaw ng maayos, kaya naman bigla siyang tumagilid sa tubig na naging dahilan ng pagtusok ng mata ni Kirsten sa paa ng upuan, dahil sa hindi sila makakilos ng maayos nanatiling nakabaon ang mata niya dito.
BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...