Hide 34

283 15 4
                                    

CLARENCE'S POV

Anong nangyari?  Sobrang sakit ng katawan ko, nahihirapan akong gumalaw. Aray!.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, tumambad sa akin ang puting kisame. Nasa langit na ba ako?

Pero napagtanto kong hindi pa pala ito ang langit, kundi hospital. Inilibot ko ang ang aking paningin. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Nakita ko ang isang lalaking mas bata sa akin, nakayuko at tila ba'y siya ang nagbabantay sa akin sa mga nakalipas na araw o oras. Kailan pa kaya ako nandito?

Pinagmamasdan ko lamang siya, pamilyar siya sa akin. Anak ko ba siya? Ganun na ba ako katagal na tulog?  Kaya may anak na ako? Sino kaya naging asawa ko?

Napatingin ako sa itaas nang mapansing nagigising na ang lalaki.

"Sir? Sir! Gising na po pala kayo." gulat na gulat na may halong saya ang kanyang pananalita.

Binabawi kong anak ko siya. Wala akong anak na ganyan ang itsura. Si Ryan lang pala, ang wannabe detective o pulis. Nakikisama lang sa amin dahil sa trip niya ito, Saling pusa kumbaga, pero kahit na ganun ay maaasahan at mapapagkatiwalaan naman namin siya.

"Sino ka nga bata?" tanong ko. Nagbago ang kanyang itsura. Kung kanina ay masaya siya ngayon ay gulat siya, gulat na gulat na akala mo ay nakakita ng multo.

"Hala! May amnesia po kayo? Saglit po tatawag ako ng doktor." akmang tatayo na siya nang bigla ko siyang hawakan sakanyang damit.

"Siraulo! Syempre hindi ako nagka-amnesia. Alam ko namang ikaw si Ryan. Nagbibiro lang ako." Saad ko.

Agad siyang napaupo at tinitigan akong mabuti. May pagnanasa siguro 'to sakin, grabe kung makatingin.

"Sir! Alam niyo namang madali akong maniwala eh..."

"Gaano na ba ako katagal na nandito?" tanong ko sakanya.

Ano na nga bang nangyari sa akin?

"Sir, mga 4 am nang dalhin nila kayo dito kasama ang buong team. Mga walang malay at sugatan. Ngayon po ay 10 pm na po."

18hrs.

"Nasaan na ang iba?"

Nalungkot bigla si Ryan. Labis naman akong nagtaka sa inasal niya.

"Sir...ginawa naman ng mga doctor ang lahat ng paraan para mabuhay sila, ngunit wala...Hindi nila nakayanan at tanging kayo na lamang sa team ang natira" saad niya.

Ewan ko, pero para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi niyang iyon. Naalala kong pupunta nga pala kami dapat sa isang lugar, Surise Resort ba 'yon? at doon nangyari ang isa sa mga pangyayaring sumubok sa aming lahat.

Saglit na umalis sa tabi ko si Ryan at kinuha ang selpon sa kanyang bag.

Hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko sa pamilya ng aking team ngayon at patay na sila...'Yung Benjamin ang may pakana nitong lahat!

"Sino ka ba kasi?" bulong ko. Hindi ko kilala si Benjamin pero alam kong sakanya nagsimula ang lahat kung bakit nangyari sa amin ito.

"Huh? Sir? May sinasabi kayo?" tanong ni Ryan. Umiling lamang ako sakanya, ayaw ko siya bigyan ng problema dahil dito.

Bakit nga ba kami pupunta sa resort na iyon? Ano bang binabalak namin nun?

"Sir!" agad na nabaling ang tingin ko kay Ryan.

"Sir, nakita niyo ba po ba ito?" tanong niya sa akin.

"Syempre hindi pa!" sagot ko naman.

"Ito..." sabi niya sabay abot sa akin ng kanyang phone.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon