DAY 4
Sumalubong sa mga estudyanteng ito ang napakagandang sikat ng araw.
Napakaganda kung tutuusin, ngunit ang mga nangyayari sa kanila ay maituturing na hindi maganda.
Nagising si Rc dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha.
"Goodmor—" napahinto siya sa kanyang sasabihin nang mapansin ang taong nakamaskara at nakahood jacket na kulay itim sa harapan niya.
"Ikaw ba si Lucifer?" tanong niya. Napansin din ni Rc ang hawak niya. Isang kutsilyo sa kanang kamay at sa kaliwang kamay naman ay isang gem na isa sa mga dapat nilang hanapin
"Sorry pero naunahan ko kayo dito" sabi ni Lucifer kuno sa gem na kanyang hawak. Agad namang naisip ni Rc ang mga gems labis siyang nagsisisi dahil nakalimutan niya iyon kagabi na hanapin.
Tumingin siya sa paligid at nakitang mahimbing parin na natutulog sina Paul at Leo.
Nasaan si Marichelle? tanong ni Rc sa sarili.
Hindi na pa niya pinagtuunan ng pansin iyon at ibinaling ang tingin sa sinasabi niyang si Lucifer.
"Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon pls." pagmamakaawa ni Rc
"Sige." sabi niya.
"Pero...hindi ngayon." dagdag niya at agad na sinaksak sa leeg si Rc pagkatapos ay sinaksak sa bibig at sa kanyang dibdib nang paulit-ulit hanggang sa mamatay si Rc. Tinapyas niya ang matabang katawan ni Rc. Nagiingat ito dahil baka magising ang dalawang kasama ni Rc.
Agad din naman siyang umalis matapos niyang mahiwalay ang laman at taba ni Rc sa kanyang buto.
Hindi nagtagal ay nagising si Paul.
"Bakit parang ang inga—Jusko po!" gulat na saad ni Paul ng makita ang bangkay ng isang tao sa harapan nila.
"Anong problema mo?" marahang dumilat si Leo nang madinig si Paul na takot na takot sa kanyang nakita.
"M-may p-patay." nauutal na sabi ni Paul.
"Ano ba kas—Putangina may patay nga!" gulat na gulat din si Leo sa kanyang nakita
"Nasaan si Marichelle?" tanong niya. Ayaw niya namang isipin na kay Marichelle ang bangkay na ito. Pero hindi niya mapigilan dahil, una sa lahat wala sa tabi niya ang nobya niya.
Hindi siya sinagot ni Paul. Pinagmasdan nilang dalawa ang patay na tinutukoy nila. Mula sa pwesto nila, hindi nila makita ang itsura nito dahil sa siya ay nakadapa. Kitang-kita nilang dalawa ang buto ng taong ito, nakalagay naman sa gilid ang laman na tinapyas sakanya. Hindi alam ng dalawa kung ano ba ang mgiging reaksyon nila.
"Kay Rc yang t-shirt diba?" tanong ni Leo nang mapansin ang duguang tshirt ni Rc kita dito ang numero na nagpapatunay na kay Rc nga iyon. no.16
"Wala na ba siya!" nagulat silang dalawa nang biglang may magsalita.
"Kita ko ang lahat!" sa entrance ng building 3 ay nagpakita ang isang babaeng pamilyar sakanila at iyon ay si Marichelle na mukhang natatakot.
"Bakit nandiyan ka?" tanong ni Leo at agad na nilapitan si Marichelle para yakapin dahil alam niyang hindi siya ang nagmamay-ari ng bangkay na iyon
"Oo nga? Atsaka si Rc ba ito?" turo ni Paul sa bangkay na sinasabi nilang si Rc.
"Dumating si Lucifer...may dala siyang kutsilyo at ang gem na pinapahanap niya sa atin. N-nakita ko, sinaksak niya si Rc at ginawa nga niya iyan sa kanya at umalis kaagad." naiiyak na usal ni Marichelle.
![](https://img.wattpad.com/cover/156817715-288-k816671.jpg)
BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...