Hide 25

371 15 0
                                    

CAMILLE'S POV

Maaga pa lamang ay binulabog na kami ng walang hiyang Lucifer na yan. Hindi ko alam kung anong gusto niya? o kung ano ang binabalak niya?, pero isa-sacrifice niya lamang ang buhay niya at ng mga kasama niya para lang sa laro namin?. Ang babaw niya masyado. Ang gulo niya! Hindi ko siya maintindihan.

Ilang araw na rin kaming nandito sa resort. Sana man lang mapansin ng mga magulang namin ang possibleng nangyayari sa amin dito sa loob...

Sumilip ako sa bintana.

Hanggang ngayon ay nasusunog pa rin pala ang building 3. Kalahati ng building ay tuluyan ng gumuho at bumagsak sa lupa. Sa pagguho, dito nakita ko ang sobrang daming bangkay ng mga tao ang nasusunog na rin.

Sila na siguro ang mga staff nitong resort. Diyan pala nila inilagay ang lahat...

Naawa ako sakanila, dahil nadamay pa sila sa katarantaduhan ni Lucifer, kahit na hindi naman talaga dapat.

"Camille tara na daw." dinig kong sabi ni Jaymar. Kung kumilos kami akala mo hindi kami mamamatay, ewan ko pero yan ang nararamdaman ko. Bias naman yata yung mga killer o sadyang ligtas lang ang lugar na ito para sa amin.

Sabay-sabay kaming bumaba ng 1st floor galing sa 9th floor. Hindi ko alam kung anong gagawin namin pero sabi ni Joynalyn, may inihanda daw siya para kay Lucifer.

Speaking of Joynalyn, Alam kong masama ang maghinala pero, matapos kong makita ang nasa phone niya. Hindi ko na ngayon maiwasan ang magduda sakanya.

Bakit ganun?

Pero hangga't wala akong katibayan sa mga nakita ko hindi ko iyon ipagsasabi, kahit na sino pa siya.

"Ano ba yang inihanda mo at pinababa mo kami?" bungad kong tanong kay Joynalyn eksaktong paglabas namin sa elevator.

"Ito." saad niya sabay ipinakita sa amin ang iba't-ibang kagamitan na maari daw namin gamitin kay Lucifer at sa mga kasama niya.

"Nakita ko iyan kagabi sa may cr. Hindi ko alam kung bakit may ganyan sa loob, pero paniguradong magagamit natin kay Lucifer..." tinitigan lamang namin siya. Wala kaming balak na pumatay. Ang gusto lang namin ay mabuhay

"Kumuha na kayo!" utos niya sa amin, na agad naman naming sinunod. Mahirap na...Atsaka sabi niya naman magagamit namin. May iilan ang kumuha ng pamalo, chainsaw, itak, palakol, at mga kutsilyo na may iba't-ibang hugis at laki.

Pinili ko ang kutsilyong pinaka-maliit sa lahat.

"Sigurado kang yan gagamitin mo?" tanong sa akin ni Joynalyn. Abala ang ilan sa mga kasama ko sa mga sandata na kanilang nakuha. Halata sa mukha nila ang pagkamangha sa mga ito.

Ngayon lang ba sila nakahawak niyan?.

"Oo" tipid na sagot ko. Ang totoo niyan ayaw ko ng malalaking kutsilyo, sapat na sa akin ang ganito para hindi mahirap bitbitin at hindi gaanong mahahalata kapag gagamitin ko.

"Ikaw may sabi niyan ha? Walang sisihan." saad ni Joynalyn.

Buo ang loob ko na gamitin ang kutsilyong hawak ko. Hindi ko kailangan ng malaki at magarbong armas, sapat na ako sa kutsilyong ito.

"Joynalyn..."  siguro dapat ko na siyang tanungin tungkol sa nakita ko kagabi.

Pero paano ko sasabihin? Baka magalit siya at isipin pinagbibintangan ko siya.

"Bakit? Ayaw mo na ba yan? Meron pa dito!" sabi niya at muling ipinakita ang iilan pa sa mga gamit na nakita niya.

"Hindi! Itatanong ko lang sana kung a—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang sumigaw si Jhenlie.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon