CAMILLE'S POV
"So class! mahahati kayong lahat into 4 groups i'll name your groups as, A,B,C and D...pero since gabi na hindi tayo pwedeng gumawa ng activities ngayon." pagpapaliwanag ni maam sa magiging set-up ng vacation namin dito.
Dito kasi napili nilang venue sa resort nila Rc. Sunrise Resort.
"Rc bakit nga ba sunrise pangalan nitong resort niyo?" dinig kong bulong ni Edron kay Rc
Bakit nga ba?
"Kasi ang pwesto nitong resort ay saktong natatamaan ng sikat ng araw yun ang alam ko base sa obserbasyon ko dito dati. ewan ko na lang kina mama kung may iba pang meaning ito" paliwanag ni Rc.
"Anyways, nasaan na yung limang nahiwalay?" tanong niya sa amin.
"Sabi ko sainyo dapat sama-sama na tayo sa bus eh! kayo kasi inuna pa yung bag kala mo naman kung ano!" sabi ni Ashley.
"Hiyang-hiya kami sa maleta mo ha?..." sabi ni Mark. Hindi na lamang siya pinansin ni Ashley.
Nasaan na ba kasi kayo Antoinette? malapit nang mag 10. Sana naman okay lang sila...
"Ma'am baka po naligaw na sila... ipapa pick-up ko na lang po sila sa mga staff namin" sabi ni RC.
"Okay sige! ia-announce ko na muna mga members ng bawat grupo" sabi ni maam at agad na inilabas ang record sheet niya.
"Sa group A sina: Jose, Edron, Rhizalito, Rc, Denniece, Cristine, Kaye, Mae, Jairo, Paul, Marichelle, Leo, Rose, Mariecar at Ernest."pagkasabi ni Ma'am Sheryl ay agad na nagsama sa iisang pwesto ang grupo nila Jose.
"Sa group B ay: Mj, Mark, Kirsten, Junina, Lorria, Arohn, Angeline, Jane, Diana, Sheena, Maan, Belleza, Angel, Rowie at Cristina." Tumalon sa tuwa si Mark ng madinig niyang kagrupo niya sina Mj at sina Sheena. kagaya nang ginawa nila Jose ay nagsama din sa iisang pwesto ang grupo nila Mj.
"Para naman sa group C sina: Vincent, Jea, Ariana, Billy, Marian, Kurt, Glydel, Jaymar, Camille, Antoinette, Shaira, Kenrick, Jhenlie, Deniel at Joynalyn" kagrupo ko sina Jaymar, yehey!
"Ma'am paano po yan kulang kami?" Sabi ni Jhenlie.
"Okay na yan! hintayin niyo na lang sila" tumango na lamang si Jhenlie at hindi na pa nagtanong...
"Ang huling grupo ay sina: Zhienrod, Ashley, Jessa, Aren, Anika, Jenie, Daniella, Rechelle, Alexia, Hannah, Cynni, Ernalyn, Nancy, Nicole at Airies" ngayon ay magkaka-sama na ang mga magkaka-grupo.
Ano kayang binabalak ni maam sa amin?
"So ayun na nga class...yan na ang respective groups niyo. Wala nang magrereklamo"
"Ma'am!" tawag ni Mark.
"Kakasabi ko lang diba?" sabi ni ma'am with matching taas ng kilay.
"Gusto lang kitang tawagin ma'am hehehe" sabi ni Mark sabay kamot sa likurang bahagi ng kanyang ulo.
"For your task an-" hindi natuloy ni maam ang sasabihin niya ng bigla kaming mag sigawan.

BINABASA MO ANG
HIDE
غموض / إثارةPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...