Magmula nang mabasa ni Jose ang letter na isinulat ng kanilang guro ay naging maayos naman ang takbo ng kanilang bakasyon. Kasalukuyan pa ring nasa unang araw ang mga bata sa kanilang isang linggong bakasyon."Tignan natin kung ano ang sunod na gagawin namin" ani Jose. Ang unang gawain na nasa listahan ay ang mag-agahan silang lahat. Madali lang para sakanila na lagpasan agad ito dahil bago pa man nila mabasa iyon ay nakapag-agahan na ang lahat.
Sumunod naman sa listahan ay ang ilabas ang gems na kanilang hinanap kagabi. Sari-sari na gems ang kanilang inilabas iba-iba ang kulay at ang hugis ng mga ito. Natutuwa silang lahat dahil nagawa nilang mahanap ang lahat ng gems.
Ngayon para sa susunod na gawain ay nagtaka si Jose. Check if you're all complete
Abala ang lahat sa paglalaro ng pass the message. Bumuo sila ng isang malaking bilog kung saan si Ernest ang nasa gitna na tila ba siya ang taya sa laro nila. Doon ay marahang binilang ni Jose ang kanyang mga kaklase.
54 sabi ni Jose sa sarili.
"Sina Vincent ba hindi pa rin dumadating?" tanong niya. Tinitigan siya ng lahat dahil sakanyang tanong.
"Sa tingin mo. Kung nandito sila, edi sana nakikita mo sila diba?" sarkastikong usal ni Jaymar.
Pasalamat ka mabait pa ako sa lagay na 'to Sabi ni Jose sakanyang sarili. Di niya maiwasang mainis kay Jaymar, ngunit kung aawayin niya ito ay siguradong magkakagulo ang lahat at magdudulot ng hindi magandang pangyayari sakanila. Ibinaling na lamang niya ang sarili sa pag-iisip kung nasaan ba sina Vincent.
"Taya ka Jaymar!" sigaw ni Ernest. Pa-irap na humiwalay si Jaymar sa bilog at pumalit naman sakanyang pwesto ay si Ernest.
"Ayawan na!" pang-aasar ni Ashley at akmang aalis sa bilog.
"Putangina. subukan mo lang!" pagbabanta sakanya ni Jaymar. Natawa na lamang ang lahat sa inasal ni Jaymar.
Pinagmasdan ni Jose isa-isa ang kanyang mga kaklase. bakit 54 lang kami? eh lima lang naman ang nahiwalay sa amin? sunod-sunod niyang tanong. Binanggit ni Jose lahat ng pangalan ng mga kaklase niya ayon sa ayos ng pagkakabilog nila.
"Si Kurt." sabi niya.
Habang abala sa laro ay di maiwasang marinig ni Cristine ang sinabi ni Jose at agad na nagtanong. "Oh! Anong meron sakanya?"
"Puta! wala si Kurt dito!" nagsimula nang mangamba si Jose.
Napansin din ng iba na wala nga talaga si Kurt. Kaya't nagsimula sila na tawagin ang pangalan niya. Para hindi mahirapan ay naghiwalay din ang mga ito upang hanapin si Kurt.
Natatakot sila na baka hindi nila mahanap si Kurt at alam nila na kapag may mangyaring masama sa kaklase, ay malalagot sila sa magulang niya na ipinagkatiwala sakanila ang kanilang anak.
━━━━━━
"Aagghh!" tila yata ay na-alimpungatan ito at mabilis na idinilat ang kanyang mata.
"Nasaan ba ako?" tanong ni Kurt sa sarili. Napansin niya na nasa loob pa rin siya ng bus.
"Huh?" labis siyang nagtaka kung bakit nasa sahig siya ng bus. At kung bakit siya lang mag-isa ang nasa loob nito?
Inaantok na bumangon siya at naglakad, dahil lalabas na siya ng bus.
"Ganun na ba ako hindi ka-importante sakanila? Para iwan ako dito sa bus ajujujuju!"
Napatigil siya sa paglalakad papunta sa pinto nang may mapansin siyang kakaibang nangyayari sa labas ng bus. Agad siyang yumuko at marahang sumilip sa bintana.
Tumambad sakanya ang isang taong nakasuot ng nakakatakot na maskara at hood jacket na kulay itim, may bitbit din itong palakol sakanyang likod. Sa takot na baka makita siya ay agad na yumuko si Kurt.
"Sino yun?" bulong niya. Sumilip ulit siya upang makita kung ano ang ginagawa nito.
Nakita niyang may hila-hila itong tao. M-ma'am?
Di mapigilan ni Kurt ang kabahan, Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin lalo na't nakita niya ang kanyang guro
Punong-puno ng saksak at nababalutan ang buong katawan niya ng dugo. Nasusuka na ewan, ang nararamdaman ni Kurt.
"Infairness ha? ganda ng plano nila!" sabi niya para pagaanin ang kanyang sarili.
Saan niya dadalhin ang katawan ni ma'am? tanong niya sa sarili. Mukhang hindi naman siya nakita nung tao na iyon kaya naman sinundan lang ng tingin ni Kurt kung saang lupalop niya dadalhin ang bangkay ng kanyang guro. Pumunta ito sa may bandang mini forest ng resort.
Siguro umaarte lang sila? ayaw isipin ni Kurt ang mga negatibong bagay dahil baka atakihin siya ng hika mahirap na.
"Ang galing naman ng prostetics ni ma'am. Makatotohanan.."
Siguro alam na nila na wala ako sa loob kaya ayun umaarte sila para mahikayat ako na pumasok sa loob. paliwanag niya sa sarili niya.
Tama baka ganun na nga ang gusto nila!
Pero kahit na ganun ay ayaw pa rin ni Kurt ang lumabas. Baka mapagod lang siya kapag pumasok doon sa resort.
"Bahala kayo mag-ano ng kalokohan niyo jan sa loob! Basta ako magpapakasaya dito sa loob ng bus." sabi niya at inilabas ang phone niya para makapaglaro ng cooking madness.
END OF CHAPTER 3
---
031019
tagal ng UD ko sorry... n e ways sana nagi-enjoy pa kayo dito hehe.
BINABASA MO ANG
HIDE
Misterio / SuspensoPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...