Hide 14

557 23 4
                                    

Alas singko na ng gabi, tahimik ang buong Sunrise Resort na para bang walang kung anuman ang nangyari dito sa mga nakaraang araw. Tunog ng hangin na humahampas sa mga puno, tunog ng alon na nagmumula sa dagat na katabi nitong resort ang tanging madidinig sa mga oras na iyon.

Ang mga magkakaklase ay tahimik na kumakain ng kanilang hapunan at nagpapahinga sa mga lugar na kanilang kinalalagyan. Hindi nila maitatanggi ang lungkot na kanilang nararamdaman. Hindi nila inaasahan na ang bakasyon nilang masaya sana ay napalitan ng takot, pangamba at lungkot

Nabulabog ang lahat nang biglang umalingawngaw ang isang napakalakas na sirena sa buong resort. Dinig ito hanggang sa labas ng resort.

"Ano yon?" tanong ni Jea.

"May sunog ba? Teka parang tunog ng ambulansya! Bakit naman?!" ani Deniel.

"Sundan kaya natin ang tunog baka sa resort nagmumula iyon." suhestiyon ni Antoinette. Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya at nagpatuloy sila sa pagsunod sa tunog na kanilang naririnig. Umaasa silang lima na sana ay makarating na sila sa resort.

Nagising naman bigla si Kurt na natutulog sa mga oras na iyon kasalukuyan pa rin siyang nasa bus.

"Oh. putangina ano nanaman yon?!" aniya. Galit na galit ito at nakangusong lumingon sa bintana ng bus dahil sa ingay na kanyang nadinig.

"Magbiro na kayo sa lasing wag lang sa taong mahimbing na natutulog—Teka! hindi rhyme. Anubayan!" usal niya. Iniisip niya na siguro pakulo nanaman ito ng kanyang mga kaklase para mahikayat siya na pumasok sa loob ng resort.

"NO." mariin niyang sabi sa sarili. Ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon at nagpatuloy sa pagtulog kahit na nadidinig pa rin niya ang malakas na tunog mula sa labas.

Agad din namang huminto ang sirena matapos ang dalawampung segundo. Dahil dun ay napuno ng katanungan ang isip ng mga estudyante sa kanilang narinig.

"Para saan naman iyon?" tanong ni Jose. nasa building 4 parin siya kasama sina Mariecar, Edron at Jairo. Ilang oras na din silang nakaupo sa couch nagmumuni-muni sa mga nangyari sa kanilang bakasyon bago sila mabulabog sa sirena ng bumbero na kanilang nadinig.

Napatakip ng tenga ang lahat nang madinig ang isang mic na tila ba tinitimpla pa kung gagana ba ito.

"Aray ha?" ani Jaymar. Kasama pa rin niya ang mga kagrupo niya. Nasa tapat pa rin sila ng main gate. Nagbabantay nang sa ganun ay agad silang makakahingi ng tulong kung sakaling may taong mapapadaan sa resort.

"Ano bang meron ha?"  tanong ni Jhenlie.

Biglang may nagsalita. Dinig ito sa bawat sulok at labas ng apat na building sa resort dahil sa konektado ang mic na gamit nito sa mga speaker na nakakabit sa mga building.

"Nagi-enjoy na ba kayo?" ang boses niya ay nagbigay nang kakaibang pakiramdam sa lahat. Napakalalim at sobrang nakakatakot ang kanyang boses.

"Nasiyahan ba kayo sa laro natin?" tanong niyang muli pagkatapos ay sinundan ng malademonyo niyang tawa.

Lalong naguluhan ang lahat sakanya at tanging iisa lang ang tanong na kanilang naiisip at yun ay ang. "Sino kaba?" tanong nilang lahat.

"Hindi ko pa sana sasabihin pero, dahil nagtanong kayo..."

"...Lucifer" pagpapakilala niya sa sarili.

"Sakto! Bagay sayo dahil isa kang demonyo!" sigaw ni Ashley mula sa pinagtataguan nila ni Daniella.

"Yes. Demonyo! Lahat naman tayo dito demonyo diba? Bakit nagmamalinis pa kayo?" ani Lucifer.

"Lahat tayo dito demonyo! Mga plastic, mapagpanggap at masasama wag na kayong magtago at maglinis na kung sino kayong mga santo. Mga putangina ninyo!!" hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses sa mga salitang kanyang binitawan.

Nagulat ang lahat dahil dito. Nagkaroon sila ng ideya na baka kilala nila kung sino si Lucifer

"Bakit hindi mo na lamang ipakilala ang totoong ikaw? Maybe we can talk. Why you need to hide? Ikaw ba ang taong nakamaskara?  Ikaw ba?!" sunod-sunod na tanong ni Jose.

"You think na maaayos niyo ang lahat kapag nagusap tayo? NO. NEVER." mariing saad ni Lucifer.

"No one will ever know who i am. You'll play my game no matter what happen!"

"Tangina! Baliw kana ba?" sabi ni Mark.

"Im watching you all..." sabi ni Lucifer na tila ba ay nangaasar sa kanilang lahat. Hindi niya mapigilan ang matuwa sa mga nangyayari.

Tama namang pinapanuod niya silang lahat, dahil sa mga camera na nakakabit sa bawat sulok nitong resort ay kitang-kita niya ang lahat ng ikinikilos ng mga estudyante sa mga monitor na kasalukuyan niyang tinititigan.

"Anong laro naman ang gusto mo?!" tanong ni Anika. Bukod sa nakikita niya ang lahat, nadidinig din niya ang mga sinasabi nila dahil sa mga maliliit na mic na ikinabit niya malapit sa lugar kung saan nagtatago ang mga magkakaklase.

"So pumapayag na kayo maglaro? Well, since day 1 nagsimula na nga pala ang ating laro..."

"Pero kung ayaw niyo naman mapipilitan akong patayin na lang kayong lahat!" sabi ni Lucifer at sinundan ito ng malademoyo niyang tawa.

"Hayop!" naiinis na sabi ni Kenrick.

"Simple lang naman...Remember the gems? Ngayon kailangan niyo muling hanapin iyon pero this time kaunti na lamang ang mga ito"

"Alam ko kung nasaan ang mga gems" ani Jose.

"Saan?" tanong ni Edron.

"Nasa bag. Inilagay ko sa storage room sa building 1" Jose

"Oh tara na kunin na natin yun" sabi ni Mariecar.

"Pero kapag naunahan ko kayo sa paghahanap siguradong may mamamatay sa inyo."

"Kung sino ang taong makakahanap ng kahit isa sa mga gems ay paniguradong mabubuhay at papasok sa susunod na round" ani Lucifer.

"Hanep ah? Matira matibay ba?!"  tanong ni Jaymar.

"Parang nasa isang game show tayo na ang jackpot prize ay ang mabuhay at makalaya dito...Sa impyernong lugar na ito" ani Jhenlie.

"Goodluck..." ani Lucifer.

Pagkatapos nun ay hindi na pa nagsalita si Lucifer at iniwang tulala ang lahat sa kanyang mga sinabi.

"Camille. Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Marian.

"Ewan ko. Hindi ko alam." naguguluhang saad ni Camille.

"Nakilala na natin siya..." ani Kenrick.

"Pero bakit ganun? Bakit parang kakaiba eh. Iba talaga!" dagdag niya.

"Kung hanapin na kaya natin ang gems?" suhestiyon ni Glydel.

"Tama si Glydel" sabi ni Jhenlie.

Walang ibang nagawa si Camille kung hindi ang sumangayon sa mga kasama, dahil kahit siya ay gusto na ding makaalis sa resort na iyon.

"Saan natin hahanapin ang mga gems?" tanong ni Shaira.

"Edi sa lugar kung saan inilagay ni Jose ang mga ito...sa storage room sa building 1" ani Joynalyn.

END OF CHAPTER 14

---

042819

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon