"Nasaan na ba ang mga kasama ko? Iniwanan na yata nila ako..." sabi ni Jose.
Nalulungkot si Jose sa mga nangyayari. una, kasi nakita niya na patay na ang kanilang guro. pangalawa, kasi hindi niya mahanap ang mga kagrupo niya. Naikot na yata niya ang buong building 4 sa paghahanap sakanila.
"Kanina lang parang may nadinig akong sigawan dito eh..." sabi niya pagkaupo niya sa isang couch na meroon sa lobby ng building 4.
"Ano na bang nangyayari dito?" problemado si Jose. Hindi niya alam kung papaano niya sasabihin sa iba ang nangyari sa kanilang guro.
Napatayo bigla si Jose nang makarinig siya ng mga taong naguusap.
"Dito dali!" sabi niya at mabilis na tumakbo kung nasaan si Jose.
"Hayop ka! Mamamatay tao ka!" nagulat si Jose sa mga pinagsasabi nila. Lumabas sina Mariecar, Edron at Jairo mula sa hagdanan may bitbit silang mga pamalo. Nagulat silang tatlo nang makita nila si Jose
"Jose?" ani Mariecar.
"Hindi ako mamamatay tao utang na loob!!" paliwanag niya sa mga ito.
"Alam namin. Akala kasi namin ikaw yung kanina eh..." sabi ni Jairo.
"Huh? Bakit? Ano bang nangyari sa inyo? Nasaan yung iba? Para saan yang mga kahoy na iyan?" sunod-sunod na tanong ni Jose.
"Magmula nang mahiwalay ka sa amin sinubukan ka namin hanapin, sa mga cr...ngunit bigo kami. Tapos kanina lang may dumating na isang taong nakamaskara ng nakakatakot nakahood jacket na itim at may dalang palakol..." napahinto saglit si Edron.
"Akala namin ikaw yun at pinagtitripan mo kami...pero akala lang pala. Pinatay niya si Rose" biglang nakaramdam ng panghihina si Jose nanginginig ang kanyang mga tuhod sa kanyang narinig.
"Kitang-kita namin kung paano niya kinawawa si Rose hanggang sa siya ay mamatay..." ani Jairo.
"Yu-yung iba? Anong n-nangyari sa-sakanila?" kinakabahan si Jose.
"Ligtas sila kaso naghiwa-hiwalay kami..." sabi ni Edron.
Nakahinga nang maluwag si Jose ngunit nalulungkot pa rin siya sa nangyari kay Rose. Umupo silang apat sa couch.
"Grabe. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa bakasyon natin..." hindi makapaniwalang usal ni Jose.
Ayaw niya na maglihim pa sa mga kasama kaya naman ay minabuti na niyang sabihin ang nangyari sa kanilang guro, kung paano niya ito nakita sa cr at kung gaano katindi ang ginawa sakanya.
"Ohmygod!" Mariecar.
"May sumpa ba itong resort?" ani Edron.
"Sumpa? Ulol pre!" sabi ni Jairo sabay taas ng kanyang middle finger kay Edron.
"Walang sumpa!" mariing sinabi ni Mariecar.
"Tama si Mariecar. Saka diba may binaggit kayong tao na pumatay kay Rose siguro siya din ang pumatay kay Ma'am Sheryl.." sabi ni Jose.
"Kung may sumpa man iyon ay ang taong pumatay sa teacher at kaklase natin." dagdag pa ni Jose.
━━━━━━
Ang miyembro ng group D na sina Airies, Rechelle, Ernalyn at Jenie ay naatasang pumunta sa building 3.
Imbis na sa unahang bahagi ng building 3 sila pumunta ay naisipan nilang sa likurang bahagi sila magtungo. Alam kasi nilang madalas nasa pool area ang mga kaklase nila at ang pool ay nasa likod ng bawat building.
BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...