"Aaarrgh!! Bwisit!" galit na usal ni Mark.
"Hoy ano?! mapipikon ka na lang sa sinabi niyang si Lucifer?" tanong ni sakanya Jane.
"Kasi naman eh! Malay ko bang hindi gumana ang plano mo!... Alam mo?! kasalanan mo ito eh!" sabi ni Mark sabay taray kay Jane. Hindi ni Jane alam kung tatawa ba siya o dapat seryoso sa pananaray ni Mark sakanya.
"Kahit ako din naman ah!" sabi ni Jane. Matapos kasi nilang gawin ang plano sana nilang pagtakas ay hindi nila inasahang madami palang pipigil sakanila. Akala nila nung oras na iyon ay nag-iisa lang ang taong nakamaskara, ngunit natunugan yata sila kaya naman bago pa nila makalagan ang isa't-isa at makaalis sa pool na iyon ay nagsidatingan na ang kasama ng taong nabugbog nila.
"Malay ko bang ganun pala sila kadami! tangina, siyam!" dagdag ni Jane.
"Sabihin mo lang palpak ka talagang magplano!" ani Mark at patuloy silang dalawa ni Jane sa pagsisisihan kaya naman ay rinding-rindi na sakanila ang kanilang mga kasama.
"Sige putangina! Magsisihan kayo!" naiinis na saad ni Cristina.
"Luh? Kasali ka?!" sabi ni Mark na may halong pangaasar kay Cristina.
"Kasi naman imbis na umisip tayo ng mas better na plano kesa sa aarte na may isa sa atin ang masakit ang tiyan tapos bubugbugin yung taong nakamaskara para makaalis tayo dito, edi sana nakaalis na tayo dito kanina pa!" sabi ni Sheena.
"So anong pinapalabas mo ha, Sheena?" tanong ni Jane na ngayon ay nakataas na ang isa niyang kilay sakanya.
"Ang akin lang naman...Sana yung plano na magwo-work at hindi yung parang chamba lang ganun." paliwanag ni Sheena.
"Ano ba?! Wag na kasi kayo magaway" pagpapatahimik sakanila ni Lorria. Dahil kahit siya ay rinding-rindi na rin sa mga kasama. Alam niyang madalas magaway ang mga kaklase niya ngunit, sa ganitong pagkakataon pinagdadasal niya na sana ay hindi na sila magaway-away pa.
Kung kanina ay nakapiring ang mata ng iba sakanila at matapos gawin ang plano ni Jane ay napagdesisyunan ni Lucifer na tanggalin na lamang ang mga ito upang sa huling pagkakataon ay makikita nila ang mukha ng isa't-isa.
"Nakikita na kaya namin kayo!" ani Arohn.
"Oh. Edi maganda atleast may mata ka!" sarkastikong saad ni Belleza.
"Haynako..." sabi ni Cristina.
"Sabihin niyo na lang kasi na mga wala kayong kwenta! Bakit ba kasi kagrupo ko kayo?! At tangina ang baho na dito!" reklamo ni Mark.
"Sinabi ba namin gusto ka din naming kagrupo? saka can't you see andito pa ang bangkay ni Junina at Maan. So wala kang magagawa kung mabaho dito kasi hindi na tayo makakaalis dito!" ani Jane.
"FYI. HINDI LANG IKAW ANG MAY AYAW SA GRUPO NA ITO DUH!" sigaw ni Kirsten.
"Mga punyeta!" bulong ni Lorria.
"Mag pray na lang kayo guys!" sabi ni Arohn.
"Pray ka magisa mo!..." ani Sheena.
"Kasi kahit anong dasal natin lahat tayo dito mamamatay. Nauna na nga yang sina Junina at Maan eh!" sabi ni Sheena sabay nguso sa bangkay nung dalawa.
"Pwede bang wag na muna tayo magaway?" pakiusap ni Cristina.
"Kung ako...okay lang sa akin. pero, sa mga kasama natin ewan ko lang" sabi ni Lorria.
"Mas gugustuhin ko na lang na mamatay kesa makasama kayo dito!" ani Belleza.
"Nakakabwisit kayong kasama!!"

BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...