Hide 35 (Part 1)

276 13 7
                                    

As the title of this chapter says... yes po! may part 2 pa tayo before the real ending comes. Enjoy!


-----

DAY 7

"Sir...mukhang narating na natin ang resort"  sabay na napatingin ang dalawa sa isang resort na binubuo ng apat na gusali. Ang isang gusali ay wala na, dahil sa sunog.

"Lumapit pa tayo." saad ni Clarence.

Hindi ma-itago ng dalawa ang kaba. Bakas sa mukha ni Ryan ang matinding takot. Habang nananatiling kalmado ang pigura ni Clarence, na nakahawak sa tagiliran kung nasaan ang kanyang baril at handang iputok ito kung ano man ang mangyari.

Hindi nagtagal ay natunton nilang dalawa ang main gate ng resort at ang napakalaking pangalan ng resort, Sunrise Resort...Dito nakita nila ang isang bus, sa gilid nito ay puno ng bubog na mula sa bintana mismo nung bus. Hindi naman kalayuan ay nakita nila ang isang bangkay ng lalaking wala ng buhay.

Amoy na amoy nilang dalawa ang masangsang na amoy mula sa loob at labas ng resort. Halos masuka sila sa tuwing iihip ang hangin, natatangay kasi nito ang amoy sa buong lugar na hindi maiwasang maamoy din nilang dalawa.

"Search the area" utos ni Clarence.

"Yes, Sir!"

Hindi pinabayaan ni Clarence na mag-isa lamang si Ryan lalo na't ganito pa ang itsura ng lugar na sumalubong sakanila.

Naunang umakyat ng bus si Ryan. Walang kahit na anong armas na dala kaya naman ay nag-iingat ang dalawa lalo na at may mga bubog roon nang may mapansin muli silang katawan ng isang lalaki.

Alam nilang patay na iyon dahil sa kulay ng katawan niyang maputla. Hindi makapaniwala si Ryan sakanyang mga nakikita. Napapa-isip siya kung bakit sumama pa siya kay Clarence.

Lumabas naman ng bus si Clarence. Para tignan kung ano pa ang mayroon sa labas. Sa paglabas niya ay nagpaiwan si Ryan sa loob. Hindi maiwasang mapatanong kung, Bakit ang mga ganitong tao ay nararapat na maging karumal-dumal ang kamatayan? Ano ba ang kasalanan nila at tila yata'y galit na galit ang taong gumawa nito.

"Ano kaya 'to?" tanong ni Ryan sa sarili nang mapansin ang isang notebook sa tabi ng lalaki.

Wala siyang intensyon na pakialaman ang notebook ngunit, para sa pagiimbestiga nila ay kinuha na lamang  niya iyon.

Kakaiba ang notebook na iyon para sakanya. Sobrang luma na't masangsang ang amoy. Ni hindi niya ma-atim na buklatin ito.

"Anong kayang nilalaman nito?" Dahil na rin sa kuryosidad na pilit na nagtutulak sakanyang buksan ang notebook. Wala siyang panahon para suriin ang notebook ng matagal kaya naman ay mabilisan niyang tinignan ang bawat pahina. Sa bawat pahina ay hindi niya maiwasang kabahan at matakot, Natatakot siya sa nilalaman ng notebook nang mapako ang tingin niya sa isang pahina na labis nagpanginig sa buong sistema ni Ryan.




Samantala, sa labas naroon si Clarence. Pinagmamasdan ang resort mula sa pinaka-itaas nito.

Lumapit siya sa may main gate para sana pumasok sa loob ngunit, nakita niya ang napakaraming kandado at kadena na puno na ng dugo.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon