Hide 4

1.1K 32 7
                                    

Dahil sa paghahanap kay Kurt ay napilitang maghiwa-hiwalay ang mga magkakaklase. Para di na sila mahirapan sa paghati ay minabuti na nilang lahat na kung ano ang grupo ay 'yun na iyon.

"Bakit walang katao-tao dito?" nagtatakang tanong ni Bok.

Si Bok ay ang driver ng bus na sinakyan ng mga estudyante. Isa rin si Bok sa mga staff ng school nila at na-utusang samahan sila sa 7 araw na bakasyon.

"Parang kanina lang ang ingay dito ah?" Kanina pa nasa pool area si Bok upang makalanghap ng sariwang hangin. Ngunit nagtaka siya nang pagpasok niya sa loob ng building 1 ay wala ni isang staff ang sumalubong sakanya.

"Makabalik na nga lang sa bus." ani niya at agad na lumabas ng building 1.

Habang papalapit siya sa bus ay may napansin siyang kakaibang itsura sa mini forest ng resort. Ginusot niya ang kaniyang mata dahil sa nakita...

Nakita niya ang isang tao na may suot ng nakakatakot na maskara, naka-itim na hood jacket at may hawak-hawak na palakol. Agad din naman itong nawala kaya ipinagsawalang bahala na lamang niya ito. Guni-guni ko lang iyon...

Mula sa bus ay abalang naglalaro si Kurt ng cooking madness nang ma-isipan niyang sumilip muli para tignan kung ano nanaman ang ini-handa ng kanyang mga kaklase para sakanya. Pagkasilip niya ay nakita niya si Bok na tila ba ay nakakita ng kung ano at ginu-gusot nito ang kaniyang mata.

Papalapit na si Bok ng tambangan siya ng isang saksak sa likod. Napalingon siya sa kung sino man ang sumaksak sakanya sa likuran. Labis na nagulat si Kurt sa nakita, gayundin si Bok na ang akala niya na guni-guni lamang, ay totoo palang tao. Hindi nito pinalagpas ang pagkakataon at sinaksak muli si Bok sa balikat.

Hindi alam ni Kurt kung ano ang kanyang gagawin. Nanginginig na siya't hindi maka-galaw sa kanyang kinauupuan. Nasa punto na siya na kapag uupo na lamang siya ay mamamatay si Bok at kapag naman tutulungan niya ito ay mamamatay din siya.

"Dapat kang mawala kagaya ng iba! Dahil isa ka sa magiging sagabal sa laro namin!" sabi ng taong naka-maskara.

Pinilit ni Bok na tumakbo pero bigo siya dahil bago pa man siya makatayo ay tinadtad na ng saksak ng killer ang binti niya.

"AAAAAAAAARRRRHGGHHHHHHHH!!" sigaw ni Bok. sobrang sakit ng kanyang nararamdaman halos hindi na rin niya magawang makapagsalita dahil sa hapdi, at tanging hiyaw at daing na lamang niya ang maririnig.

Gagapang na lang ako! sabi niya. Natunugan siya ng killer at hindi na pa pinalagpas at agad tinaga ng pira-piraso si Bok hanggang sa mamatay na siya ng tuluyan.

"Tapos na! Makakapaglaro na din kaming lahat ng maayos" masayang sabi ng taong naka-maskara atsaka pumasok sa loob ng building 1

Naiiyak na sumilip si Kurt sa labas. Gusto na ayaw niyang maniwala sa nakikita niya. Pira-pirasong katawan ni Bok.

"Ayaw ko pa mamatay." nanginginig na sabi niya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na nagdial ng number. Gusto niyang ipa-alam sakanyang papa ang nakita niya.

"Bakit walang signal!"

Ilang beses pa siyang nagdial ngunit wala talaga dahil na rin sa walang signal dito sa resort.

"Dito na lang muna ako. Maghahantay na matapos ang aming bakasyon." bulong niya sa sarili.

━━━━━━

"Aray ko!" reklamo ni Deniel. Agad siyang bumangon para hanapin ang iba pa niyang kasama.

"Nasaan na sila?" tanong niya.

"Deniel?" nakita niya si Antoinette na naka-sandal sa isang malaking bato.

"Buti gising kana..." tila nabuhayan siya ng malamang buhay si Deniel.

"Sila Jea?" tanong ni Deniel.

"Si Vincent abala sa paghingi ng tulong, si Jea at Ariana naman nagpapahinga.

"Ano bang nangyari sa atin?" tanong ni Deniel na tila ba wala siyang maalala sa nangyari.

-FLASHBACK-

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!"sigawan nilang lahat.

"Talon!" sabi ni Antoinette.

"Ano?"

"Mahuhulog tayo at mamamatay kung hindi pa tayo tatalon ngayon na!" pagkasabi ni Antoinette ay agad na tumalon ang lahat sa kotse nagpagulong-gulong silang lahat. Buti na lang at naka-kapit agad silang lima sa dulo ng bangin at ngayon ay nagpalambitin sila dito.

"KUMAPIT KAYO NG MAHIGPIT!" sigaw ni Vincent na agad na naka-akyat sa bangin at isa-isa silang tinulungan.

Naiiyak na silang lahat. Nangangawit at pakiramdam nila ay hindi na sila tatagal pa.

Inilabas ni Antoinette ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Camille. Bago pa man masagot ni Camille ay nabitawan ni Antoinette ang cellphone dahil biglang nadulas ang kamay niya sa kinakapitang bato.

Agad naman silang lima na naka-alis sa dulo ng bangin nagtamo sila ng mga sugat at mga gasgas sa braso at binti. Nahimatay si Deniel dahil sa pagkaka-bagok ng ulo nito sa isang bato dahil na rin sa pagod ay nawalan ng malay sina Antoinette, Jea, Ariana. Gusto man ni Vincent na magpahinga nun ay hindi niya magawa at ayaw niyang gawin dahil ayaw niyang mapahamak si Jea at ang mga kaibigan niya.

End of Flashback

Matapos i-kwento ni Antoinette ang lahat ng kanyang naalaala. Napangiti si Deniel

"Akala ko katapusan na natin...Thank god! at binigyan niya tayo ng isa pang pagkakataon" napangiti si Antoinette sa sinabi ni Deniel. Hindi rin kalayuan sa pwesto ni Vincent ay di niya din maiwasang mapangiti dahil buhay pa sila hanggang ngayon.

"They planned this to happen...at alam kong nagsasaya na ngayon sila sa nangyari sa atin" bulong ni Ariana.

END OF CHAPTER 4

---

031119

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon