Habang palapit nang palapit ang oras mas lalong tumitindi ang pagnanasa ni Lucifer at ng kanyang mga kasama na mapatay ang lahat ng tao na natitira pa sa Sunrise Resort.
Hindi nila maikakaila ang saya nilang lahat sa planong kanilang naisip. Walang magaakala na hahantong sila sa ganito. Maski ang kanilang mga biktima ay hindi inakala na ganito ang mangyayari sakanila.
Abala sina Lucifer sa pagaayos ng kanilang mga sarili, dahil para sakanila kailangang handa sila sa lahat ng pagkakataon, mamamatay man sila o hindi.
Tahimik na nakaupo silang lahat sa loob ng cctv room.
"Sayang lang dahil napakabobo ni Marichelle at nagpahuli siya sa dalawang yon!" pambabasag ni Lucifer sa katahimikan.
"Patay na talaga siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Death.
Hindi nagsalita si Lucifer na mukhang nakuha naman ng lahat ang gusto niyang sabihin. Hindi siya nagkakamali at patay na nga si Marichelle.
Tumayo sa kanyang kinauupuan si Lucifer at pumunta palapit sa isang computer at nagsimulang mag-type doon. Hindi alam nila Green, Light, Psyche, Dark, Red at Death kung ano ang gagawin ni Lucifer, ngunit nanatili ang mga mata nilang nakatitig sakanya.
Napuno ng katanungan ang isip nilang lima, kagaya ng patay na ba talaga si Marichelle? sino naman ang pumatay sakanya?.
"Ayan!" saad ni Lucifer at ipinakita sakanila ang isang video. Dito nakita nila na pinatay ang kanilang kasama na si Marichelle kilala sa tawagan nila, na Blue. Nakita nila kung paano siya pinatay ni Jaymar at Shaira.
Nasagot na ngayon ang mga tanong nila. Mas lalong nagalit silang lima dahil sa video na kanilang nakita.
Dapat mamatay ang dalawang yan! sabi ni Green sakanyang sarili.
"Kung ako sa inyo! Para hindi kayo magaya sakanya na tatanga-tanga...Wag na wag kayong papakampante. Oo tayo ang nagpapatakbo ng laro pero, hindi natin alam kung ano na ang binabalak ng mga kalaban natin...Malay niyo nagpaplano din pala silang ibagsak tayo!" saad ni Lucifer.
Nanahimik ang lahat sa sinabing iyon ni Lucifer.
"Alam naman namin yan!" sagot sakanya ni Psyche.
"Pero hindi ba sumagi sa isip mo na itigil na natin ito?!" ani Light.
"Nakaganti kana kaya baka pwedeng, let's end all here! Mahirap na kasi habang tumatagal baka makilala na nila tayo isa-isa" dagdag pa niya.
"No. Never. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga pinagdaanan ko dahil sakanila, dahil sainyo! Nang dahil sainyo nagdusa ako! You never know kung ano ang pinagdaanan ko nung mga oras na iyon!" hindi maiwasang tumaas ang boses ni Lucifer.
"Pero isipin mo din naman pinagsisihan na namin yun! Hindi lang naman ikaw nakaranas nun! Ako din kaya!" saad ni Green.
"Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito?! Na wala kaming kinalaman jan kaya nga heto kami at tinutulungan ka, kayong dalawa ni Green!" saad ni Death.
Napangisi si Lucifer, dahil sa mga oras na iyon alam na alam niya magiging ganito ang takbo ng kanilang usapan.
Bago pa man siya magsalita ay tila nahalata na ni Light ang susunod na mangyayari, kaya naman ay nagdesisyon na siyang pumagitan sakanila. Kinakabahan siya sa kung ano ang pwedeng gawin ni Lucifer sakanila.
"Wala tayong oras para sa ganito! Gawin na lamang natin ang plano pagkatapos saka na natin ito ituloy, kung pwede?"
"Akalain niyo yun! Malapit na mag 6. Maghahanda na ako" pagiiba sa usapan ni Red. Kagaya ni Light ay Kinakabahan na rin si Red sa mga susunod na mangyayari.
BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...