1 YEAR AGO....
ANTOINETTE'S POV
"I now present to you the graduates from this batch, 2020-2021. Congratulations!" matapos sabihin ng aming principal iyon ay nagsimulang magpalakpakan at magsigawan ang lahat sa tuwa. Suot namin ang mga kasuotang panggraduation.
Ang saya nilang lahat dahil natapos nanaman ay isang yugto ng kanilang buhay. Sa pagtatapos namin sa grade 12 alam kong ang iba ay desididong magpatuloy sa college at ang iba naman ay hindi na.
Maraming pagsubok ang aming napagdaanan, problema ang aming hinarap at halo-halong emosyon ang ang naramdaman sa buong dalawang taon ng senior high.
Sa nakalipas na dalawang taon bilang isang senior high...masasabi kong mahirap. Mahirap lalo na sa kalagayan ko at ng mga kasama ko. Hindi naging maganda para sa aming lima ang taon namin bilang grade 11. Dito talagang sinubok kami ng mga tunay na demonyo, sinubok ang aming emosyon at katatagan sa sarili.
Binigyang ngalan nila ang Sunrise Resort sa tawag na Killer Resort.
Naging sikat din kaming lima dahil sa massacre na iyon. Sinasabing may sumpa daw kami...Nakakatawa lang isipin na imbis na pagaanin nila ang sitwasyon ay mas lalo nila kaming binigyan ng problema.Pero hindi naging hadlang iyon sa paraan kung paano kami nabuhay..Oo nga't mahirap ang mawalan ng kaibigan pero, Sasaya ba sila kung susunod ka sakanila? Sasaya ba ako kung magpapakamatay ako?
Isang taon na din pala magmula nang mangyari ang massacre na iyon. Masakit na alaala ang bumabalik lalo na kapag madidinig ko ang salitang sunrise.
Ilang buwan akong umiiyak kakaisip sa lahat ng nangyari. Isang taon at masasabi kong kahit papaano ay unti-unti kong nalilimutan ang sakit, pero ang alaala ng mga taong sangkot sa massacre ay mahalaga sa akin. Mga kaibigan, pamilya kahit na may hindi pagkakaintindihan
Sobrang daming nagbago sa loob ng isang taon. Nagbago ang tingin sa amin ng ibang mga estudyante. May negatibo kagaya ng mamamatay tao kami, pero meron din namang positibo, kagaya ng pagtawag sa amin na bayani.
Tungkol kay Joynalyn... Ang huli kong nabalitaan ay sumabog ang ambulansyang sakay niya nung araw na iyon. Kahit na ganun ay hindi ako tumigil sa pag-imbestiga. Tulong-tulong kami nila Ashley.
Hindi kasi ako mapalagay sa kwento ni Joynalyn para bang may kulang dito. Sobrang dami ng kulang...
"Happy graduation!" bungad sa akin ni Ashley. Suot ang kanyang matamis na ngiti.
"Hi!" tipid kong sagot.
Unti-unti nang nagsisi-alisan ang mga tao sa venue. Masasaya sila kasama ang kanilang pamilya na talaga namang proud na proud sakanila.
"Grabe! Naiisip ko...Proud kaya sila sa atin?" saad ni Ashley at tumingin sa itaas kaya naman napatingin din ako. Wala akong ibang nakita kundi ang mga bakal at ilaw sa itaas.
"Siguro?..." pabirong sagot ko kay Ashley. Alam ko namang ang tinutukoy niya ang mga kaklase kong paniguradong nasa langit na.
Kung nakikita man nila itong nangyayari sa amin...Sana ay masaya sila ngayon.. Dahil dito, hindi ko tuloy maiwasang halungkatin sa isip ang mga alaala ko na kasama sila.
Ilang saglit pa ay naaninag ng aking mga mata ang isang babae na palapit sa aming pwesto ni Ashley. May kasama itong lalaki na naka-akbay naman sakanya
"Ay ano 'to?" tanong namin ni Ashley.
Tumawa lamang ang dalawa.
"Edi wow!" saad ni Shaira.
BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...