Hide 2

1.4K 37 2
                                    

A/N: ito po ang list of numbers na naka-assigned sa mga characters, according sakanilang seatplan

Group A
Jose-5 Edron-17 Rhizalito-3 Rc-16
Denniece-29 Cristine-36 Kaye-57 Mae-26
Jairo-8 Paul-12 Marichelle-45 Leo-9
Rose-21 Mariecar-34 Ernest-2

Group B
Mj-53 Mark-14 Kirsten-59 Junina-31
Lorria-19 Arohn-11 Angeline-60 Jane-46
Diana-35 Sheena-43 Maan-27 Belleza-47
Angel-33 Rowie-20 Cristina-58

Group C
Vincent-1 Jea-41 Ariana-25 Billy-50
Marian-32 Kurt-10 Glydel-36 Jaymar-6
Camille-51 Antoinette-24 Shaira-42
Kenrick-13 Jhenlie-30 Deniel-7 Joynalyn-55

Group D
Zhienrod-15 Ashley-28 Jessa-38 Aren-4
Anika-44 Jenie-49 Daniella-48 Rechelle-54
Alexia-22 Hannah-52 Cynni-39 Ernalyn-37
Nancy-40 Nicole-18 Airies-23

--

DAY 1

SHERYL'S POV

Unang araw namin sa Sunrise resort. Masyado pang mahaba ang oras, may natitira pang 6 na araw.

Abala ako sa pagpaplano ng mga gawain para sa mga students ko. Ayaw ko naman kasing puro lang sila saya dito sa resort ng hindi nila iniintindi kung ano nga ba talaga ang ipinunta namin dito

Nahanap kaya nila 'yung mga gems?

Hawak-hawak ko ang isang karton na puno ng mga bagay na gagamitin namin sa mga team building namin mamaya.

"Ma'am..." Agad akong humarap para sa kung sino man ang tumawag sa akin laking gulat ko nang bigla akong sinalubong ng saksak sa aking leeg.

"Aaaackkk!" hindi ako makapagsalita ng maayos. sakit ng leeg ko.

"Si-sino kk-ka?" kahit na hirap ay pinilit kong makapagsalita. Hindi ko siya makilala dahil na rin siguro sa naka-suot ito ng nakakatakot na maskara.

"Don't worry i'll continue your game! Kung anong binabalak mo sa amin ako na ang mag tatapos...but with a twist!" kasabay nito ay ang marahang paglapit niya sa akin.

Dahil sa kaba ay bumagsak ako sa sahig. Nadinig ko ang mahinang tawa niya, patuloy pa rin siya sa paglapit habang ako naman ay atras nang atras.

"Sino...k-ka...b-ba?" nanghihina na ako...marami-rami na rin ang dugong nawala sa akin.

"No need to ask that question..." napatigil ako dahil sa wala na akong maatrasan pa!

"Ako lang naman ang papatay sa'yo at sa mga pinakamamahal mong estudyante!" pagkatapos nun ay tumawa siya...demonyo! napaka-demonyo niya.

Nang masinagan ng araw ang kanyang katawan nakita kong siya ay nakahood jacket na kulay itim. Ngunit bigla akong napangisi ng mapansin ang kulay ng damit sa loob ng hood na suot niya.

"Why? Naisip mo ba na mamamatay kana kaya ka napapangiti ha?" Hindi na ako makasagot sakanya tila yata naubusan na ako ng boses. Dapat lang sa akin mangyari ito.

Kung sino ka man...

Ini-angat niya ang kanyang kamay na may hawak na palakol.

pinapatawad na kita...

"Sa-" bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na niya ako na tagain sa katawan.

"Goodbye..." huling salita na nadinig ko sakanya bago ako tuluyang mamatay.

━━━━━━

JOSE'S POV

Dream come true kung ma-ituturing ko ang bakasyong ito para sa amin. Sa tagal naming nagplano

Ngayon pa kung kelan nasa senior high na kaming lahat. Ang saya ko lang! dahil kumpleto kaming lahat.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon