"Ashley! Saan ka pupunta?" tanong ni Antoinette kay Ashley nang mapansing ibang daan ang tatahakin nito.
"Dito yung parking." saad naman ni Kurt.
"Sorry...para kasing may napansin lang ako sa banda dun" pagkasabi niya ay agad niyang itinuro ang building 2. Hindi niya mawari kung sino o ano ang kanyang nakita dahil makinang ito.
"Baka naman kung ano lang yan" ani Kurt.
"Oo nga!" pagsangayon ni Antoinette kay Kurt.
Siguro nga guni-guni ko lang iyon.
Pinabayaan na lamang ni Ashley ang kung ano ang nakita niya sa building 2.
"Siya nga pala Kurt...Hindi sa ano ha? parang nakaka-ano lang Papa mo, kasi hindi ko siya nakikitang dumalo sa mga PTA, sa kahit anong activity sa school wala siya? Ni hindi ko nga alam itsura niya tapos ngayon parang bigla ko na lang siya makikita—alam mo yung ibig kong sabihin?" hindi maihayag nang mabuti ni Antoinette ang nais niyang sabihin, pero alam niyang nasa dulo na ito ng kanyang dila.
"Oo nga! Basta alam ko nakakatakot Papa mo. Sabi nila Arohn at Aren. Pero sana kung makikita namin siya ngayon sana naman hindi katulad ng iniisip at nadidinig namin." saad ni Ashley.
"Basta may kakaiba sa papa mo na hindi ko masabi-sabi" saad ni Antoinette.
Tahimik lamang si Kurt. Habang pinagmamasdan naman siya ng dalawang babae at nag-aabang kung may isasagot ba siya sakanila.
Nanatiling tahimik ang binata't tila ba'y wala sa sarili kung kumilos.
"Okay lang naman kung ayaw mo magkwento tungkol sa Papa mo...naiintindihan ka naman namin. Kasi first of all, out of curiousity lang naman yung sinasabi ko maliban na lang kung...sorry ha? maliban na lang kung pati pala siya kasabwat dito" saad ni Antoinette nang mapansin ang ikinikilos ni Kurt. Pero imbis na kumalma ay mas lalong naging kakaiba ang kilos ni Kurt.
"So pinagbibintangan mo Papa ni Kurt?" ani Ashley.
"Parang ganun na nga! Sa ngayon wala pa namang proof, hinala ko pa lang naman kasi!" saad ni Antoinette.
"Pero sure naman akong hindi! Tama ba Kurt?" dagdag niya pa.
"Ah...Oo!" sagot ni Kurt.
Mula sa paglalakad ay napahinto ang tatlo sa ilalim ng isang napakataas na puno. Unti-unti na din kasing sumasakit sakanilang mga balat ang sinag ng araw.
Tahimik silang tatlo at pinapakiramdaman ang bawat isa, nang biglang tumalikod si Kurt upang makaharap ang dalawang babaeng kanyang kasama.
"May hindi pa kayo alam eh..."
"Kasi ganito yon eh.—Ano ba 'tong kanina pa tumutulo sa akin? Umuulan?" hindi niya maipagpatuloy ang kanyang sasabihin dahil sa kung anong likido ang tumutulo uluhan niya.
"Ang liwanag kaya!" ani Antoinette.
"Kurt! Bakit may dugo yung ulo mo?" nagulat si Kurt nang malamang dugo nga iyong nakita ni Ashley.
"Nasugatan ka ba?" tanong naman ni Antoinette sakanya.
"Hindi!" mariing saad ni Kurt.
"Then, saan nang—"
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!" napatigil ang dalawa sa sigaw ni Ashley.
"M-may tao!" nanginginig na itinuro ni Ashley ang dalawang bangkay ng tao na nakasabit sa itaas ng puno.
Nangilabot ang tatlo sakanilang nakita. Tila ba'y nagbigti ang mga ito. Suot nila ay kagaya ng suot nila Lucifer.
"Sila Mae at Alexia ba iyan?" tanong ni Antoinette. Hindi niya makitang mabuti ang mukha ng mga bangkay ngunit kita naman niya ang numero sa damit ng mga ito. 22 at 26.
"Sila nga 'yan!" ani Ashley.
"AAAAAAAAAAAAAHHHHH!" sigawan nilang tatlo nang mabali ang sanga kung saan nakasabit ang mga bangkay. At tuluyang bumagsak sa harapan nilang tatlo.
Sa takot nilang tatlo ay mabilis na nilisan nila ang lugar at nagpatuloy sa parking lot.
"Tangina! Gusto ko na talagang umalis dito!" natatakot na saad ni Kurt.
"Makaka-alis lang tayo dito kung talagang darating ang Papa ni Kurt" saad ni Antoinette.
"Paano kung hindi?..." bulong ni Kurt na 'di sinasadyang nadinig naman ni Ashley.
"Bakit naman?" tanong ni Ashley.
"Alam niyo kasi..." nag-aalangang saad ni Kurt.
Hindi nagtagal ay nakalabas ang tatlo sa parking at bumungad na sakanila ang bus na naghatid sakanila sa impyernong lugar na iyon.
"Alam mo kanina mo pa hindi masabi-sabi yan! Kung ayaw mo sabihin... Edi wag! As if naman magagamit natin yan para makaalis dito diba?" saad ni Antoinette.
"Oo nga" pagsang-ayon ni Ashley.
Minabuti ni Kurt na wag na munang sabihin ang kanyang naiisip sa halip, ay hahanap na lamang siya ng pagkakataon na masabi ang mga bagay na iyon sakanila.
Muling nagulat ang tatlo nang mapansing bukas ang pintuan ng bus. Sa mga oras na iyon ay nagsimula nang kutuban sina Antoinette at Kurt sa maaaring mangyari kay Vincent. Mas lalong nagimbal sila nang mapansin ang katawan ng lalaking pamilyar sakanila na nakahandusay sa lupa.
Marahang lumapit ang tatlo sa katawan ng lalaki. Kumpirmadong katawan nga iyon ni Vincent.
Walang alam ang tatlo sa kung papaano at bakit nangyari iyon kay Vincent.
"Pero—Bakit?—Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Kurt.
"Nahuli na tayo..." mahinang saad ni Antoinette.
"Ano 'yon?!" tanong ni Ashley.
"Kung kelan malapit na matapos ang lahat? Dun pa kayo susuko?" dagdag niya pa.
"Ayaw ko na! Punyetang buhay naman 'to!" saad ni Ashley.
"Paano na tayo ngayon?" tanong ni Kurt.
"Yung cellphone?" ani Antoinette.
"Huh?" naguguluhang usal ni Ashley.
"Yung cellphone ni Kurt! Hanapin natin baka nandito lang." saad ni Antoinette.
Hinanap nilang tatlo ang cellphone ni Kurt sa pwesto kung nasaan ang bangkay ni Vincent ngunit, wala silang nakita na cellphone doon.
"Wala naman eh!" ani Ashley.
"Hindi pwede mawala yon!" saad ni Kurt.
"Yun na lang ang pag-asa natin eh." dagdag pa niya.
"Hindi kaya...Alam na ni Lucifer ang plano? Kaya sinamantala na nila habang mag-isa lamang si Vincent."saad ni Antoinette.
"Posible! Pero, bakit bukas pa rin ang pinto?" ani Ashley.
"Baka naman nalimutan lang ni Vincent." sagot naman ni Kurt.
"Kailangan natib umisip ng ibang plano!" saad ni Antoinette.
"Ano naman ha?" tanong ni Kurt.
"Kung sa loob kaya tayo ng bus mag-usap?" suhestiyon ni Ashley.
Sumang-ayon ang dalawa kay Ashley. Umakyat silang tatlo sa loob ng bus. Para makasigurado ay agad na isinara ni Kurt ang pinto ng bus pagkatuntong nila sa loob.
"Jose?!" gulat na saad nilang tatlo nang makita si Jose sa pinaka-dulong bahagi nitong bus.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ashley.
Gulat na gulat silang tatlo. Iniisip nila na baka may kinalaman si Jose sa pagkamatay ni Vincent.
"Sumagot ka!" ani Kurt.
Nakatulala lamang si Jose pagkatapos ay biglaang lumingon sa tatlo. Nanginginig ang mga mata niya. Halata sakanya ang takot.
Napisip ang tatlo kung bakit ganun na lamang ang ikinikilos ni Jose? Bakit labis ang takot niya? Ano ba talaga ang nangyari sa lugar na iyon habang wala sila?
END OF CHAPTER 32
---
090819
![](https://img.wattpad.com/cover/156817715-288-k816671.jpg)
BINABASA MO ANG
HIDE
Gizem / GerilimPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...