Hide 7

901 24 2
                                    

Ang bilis ng oras akalain mo yun gabi nanaman. At paniguradong may hindi nanamang magandang mangyayari sa mga magkaka-klase

"Putangina nahanap mo na ba si Kenrick?" Tanong ng parang boss niya sa kanya.

"Opo. kaso nandun ang mga kagrupo niya eh..." Natatakot na sabi niya. Kinakabahan siya sa maaring gawin ng boss niya sakanya.

"Ganun ba?" huminto ito saglit at mula sa kina-uupuan niya ay tumayo siya at dahan-dahan na naglakad palapit sa kinakabahang tauhan niya.

"Eh putangina mo pala eh! Kung pinatay mo na sana siya kanina edi ayos na sana ngayon at wala na tayong pinoproblema!" Sigaw niya sa mukha nito.

"Teka boss! Easy yung heart mo...Atsaka boss maganda nga yun diba? Para malaman ng iba na may pumapatay dito sa resort magandang way ito para gawing babala sakanila at mas magiging maayos ang takbo ng plano kapag ganun..." agad niyang napabago ang takbo ng pag-iisip ng kanyang boss. Napangiti siya nang makitang natutuwa din ang kaniyang boss sa naisip niya.

"Okay sige! Change set tayo. Gagawin nating dahan-dahan ngunit nakakatakot ang mga susunod sa plano natin." sabi ng kanyang boss.

"Kung ayaw nila kumagat sa plano. pwes, tayo na mismo ang magsusubo ng plano sakanila" Dagdag pa ng boss niya.

Agad na naghari ang mala-demonyong tawa nilang dalawa. Sabik na sabik na sila sa mga susunod na plano nila.

━━━━━━

"Kenrick? Kamusta ka?" pagtawag ni Camille sa natutulog na si Kenrick.

"Natutulog pa siya" sabi ni Jaymar.

"Ano bang nangyari sakanya? Bakit ang dami niyang sugat? Saan ba siya nagpunta kanina?" sunod-sunod na tanong ni Jhenlie.

Ang dami nilang tanong na hindi din nila masagot. Kasalukuyan pa rin silang lahat na nasa labas ng building 3 at nakatitig sa sugatang si Kenrick.

"Nagugutom ako." sabi ni Billy.

"Tutal ikaw naka-isip edi ikaw na lang maghanap ng pagkain" ani Joynalyn

"Oo nga!" paggatong ni Glydel.

"Ako, sasamahan kita Billy" sabi ni Marian. Nagsimula nang maglakad papasok sa building 3 si Billy sa pag-aakalang sasama sakanya si Marian.

"Kaso ayaw ko pala hehe ikaw na lang." Sabi ni Marian atsaka ini-ayos ang pagkaka-upo niya.

"Okay sige ako na lang." sabi ni Billy at dire-diretsong nagpunta sa building 3

Agad naman niyang hinanap ang kusina. Hindi na siya nahirapan dahil may ilaw na ulit sa buong building. Napangiti siya nang makita ang kusina.

"Wow!" masayang sabi niya nang may makitang mga chichirya at biscuit sa lamesa. Inilabas niya ang maliit na ecobag sakanyang bulsa atsaka kumuha ng mga pagkaing magkakasya dito.

"Matutuwa sina Camille dito." sambit niya habang isa-isang kinukuha ang mga balot ng biscuit. Napa-hiyaw si Billy nang mawalan muli ng kuryente sa buong building.

"Aahh! Putangina?! Bakit ngayon pa?!" Agad na ini-ayos ni Billy ang bag at dali-daling naglakad palabas sa napaka-dilim na kusina.

"Sorry po." sabi niya nang may mabangga siyang tao. Saglit na napahinto si Billy at agad na napaisip sa kanyang sinabi

Ako lang tao dito. Bak—Sino yon? sabi niya sa sarili. Mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad at pilit na pinapakalma ang sarili.

"AAAAAAHHHH!!" sigaw niya nang maipit ang paa niya sa kung anong. Kinuha niya ang cellphone niya. Putangina may cellphone pala ako dito?!

Agad na pina-ilaw ang flashlight ng kanyang phone para makita niya kung ano ang umiipit sa paa niya. Isang bear trap. Nagtaka si Billy kung bakit nagkaroon nang bear trap doon. Mas lalo siyang nagtaka nang mapansin ang itsura ng lugar na kanyang pinasukan. Hindi ito ang lobby ng building 3. Nasaan ako?

Iniikot niya ang ilaw sa buong lugar. Nasuka siya sa kaniyang nakita. Punong-puno ng dugo ang dingding at iilang parte ng sahig. Hindi niya maalis ang sariling paa sa bear trap. Hinayaan niya ipahinga muna ang sarili at dahan-dahang inihiga ang sarili ngunit hindi niya alam na may naglagay pala ng bear trap sa uluhan niya.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" sigaw niya nang maipit ang kanyang ulo sa bear trap sa nangyaring iyon hindi ding maiwasan na tumapat sa kisame ang ilaw ng kanyang cellphone. Dito tumambad kay Billy ang mga nakasabit na bangkay. Pamilyar kay Billy ang mga uniporme nila ang mga ito ang ang staff ng hotel nila Rc.

Nanghihina na si Billy dahil na rin sa masyado nang madaming dugo ang nawala sakanya. Kinabahan siya nang madinig ang yabag ng taong papalapit sa kanyang kina lalagyan.

"Aww hindi ko alam ikaw pala yung bear?" sabi nito.

"Kawawa ka naman gusto mo ng tulong?" tanong nito kay Billy.

"P-please. Tu-tulungan m-mo ako." nauutal na sabi ni Billy.

"Okay...i-abot mo ang kamay mo." sabi niya kay Billy na agad namang itinaas ang kamay sa pagbabakasakaling tutulungan siya nito.

"AAAAAHHHH!" muling sigaw ni Billy nang tagain nito ang kanyang braso.

"B-bakit?" mangiyak-ngiyak na saad ni Billy.

"Anong bakit? Tangina kaba. Iniabot mo kamay mo sa akin kaya ayun...Pinutol ko!"

"Pero a-kala k-ko tu-tulungan m-mo a-ako?"

"Ulol ka! ikaw tutulungan ko? Wala naman akong sinabing tutulungan ka diba? ang sabi ko i-abot mo ang kamay mo ikaw na magnanakaw ka!" Nagtaka si Billy sa sinabi nito.

"S-sino ka?"

"Kilala mo ako." sabi niya sabay putol muli sa kabilang braso ni Billy.

Hindi na nakapag salita si Billy. Napapagod na siya at sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman niya.

"Alam mo siguro kung wala ka ngayon hindi ka mapapansin ng mga classmate natin kasi...ayaw nilang makita ang isang magnanakaw na kagaya mo."

"Kagaya nitong mga nakabitin sa taas ganyan din ang aabutin mo...kaso ulo mo nga lang ang isasabit."

Tahimik lamang si Billy alam niyang madami siyang nagawang kasalan sa mga kaklase niya.

"Dapat kasi talaga laro 'to eh. Ay, laro nga pala ginagawa nating lahat. Kaso kakaunti pa lang ang nakaka-alam."

Patawarin niyo ako. Sabi niya sa sarili niya. Ayaw niyang mamatay ngunit ang nangyayari sakanya ngayon ay hudyat na para na siyang nagpapa-alam.

"Sa tingin mo? Saan ka kaya pupunta? sa langit ba? o sa Impyerno kasama nang iba mo pang kaklase?" sabi niya.

"Ikamusta mo na lamang ako sakanila kung sakaling magkasalubong kayo sa impyerno!" dagdag pa niya.

Hindi na pa niya pinatagal ang lahat at agad na pinatay si Billy pagkatapos ay tinadtad nito ng pira-piraso ang katawan ni Billy at itinira lamang ang ulo nito. Kagaya nang sinabi niya ay naglagay ito ng tali at naghanap ng pwesto kung saan ibibitin ang ulo ni Billy.

Napagdesisyunan niyang sa tapat mismo ng building 3 niya isasabit ang ulo upang makita ito ng kanyang mga kagrupo at ipahiwatig na gusto nito ng isang laro.

END OF CHAPTER 7

---

040819

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon