DAY 2
Pangalawang araw na ng mga estudyante sa resort. Maraming hindi kanais-nais na pangyayari ang naganap sakanila.
"Tangina bakit ba hanggang ngayon hinahanap pa rin natin si Kurt?" Tanong ni Rc
"Alam mo naman yun siya...medyo ano diba? atsaka baka mapatay tayo ng tatay nun" Paalala ni Jairo.
Nasa building 4 ang grupo nila Jose. Nagbabaka-sakaling dito nila makikita si Kurt.
"Ah guys..." sabi ni Jose.
Nabaling ang tingin ng kanyang mga kagrupo sakanya.
"Pwede bang dito lang kayo magcr lang ako?" tanong niya.
"Go!" sabi ni Denniece.
"Kesa naman jan ka magkalat diba?" dagdag niya.
Patuloy na naglibot ang iba sa mga kasama ni Jose. Samantalang siya naman ay abala sa paghanap ng cr.
"Putang—nasaan na ba ang cr?!" Naiinis niyang sabi. Hindi na niya kaya pang tiisin, ihing-ihi na talaga siya.
Mabuti na lang at nakita niya ang mga signages at agad na nahanap niya ang cr.
"Wooooh!"
Matapos ay agad na nagtungo si Jose sa lababo para maghugas ng kamay.
"Putangina ang baho naman masyado dito!" Nagtaka bigla si Jose sa amoy. Nakakasulasok ang amoy nito tila ba'y nagbibigay ng sapak sakanyang ilong.
"Maka-alis na nga!"Nakaramdam siya bigla ng kaba at nagmamadaling umalis.
Ipinihit niya ang pinto at nagulat sa nangyari.
"Putangina?" Ipinihit niya pang muli ang seradura ng pinto at itinulak ito upang mabuksan ngunit ayaw pa din talagang magbukas.
"Putangina naman oh!" sabi niya sabay marahas na ginulo ang kanyang buhok.
"TULONG! NA-LOCK YUNG PINTO. GUYS! TULUNGAN NIYO AKO!!" sigaw niya. ngunit lingid sa kaalaman niya'y wala ni isa sa mga mga ka-grupo niya ang nakakadinig sa sigaw niya.
"TANGINA NIYO HA? ERNEST PUTANGINAAA NIYOO!!"
Mangiyak-ngiyak na si Jose sa nangyayari sakanya ngayon. Natatakot na siya
"Bwisit talag-" hindi natuloy ni Jose ang kanyang sasabihin nang makarinig siya ng pagbagsak sa isa sa mga cubicle sa cr.
"Shit!"
"TULONG! PLEASE! TULUNGAN NIYO AKO!" sigaw ni Jose.
Napa-hinto bigla si Jose nang may makita siyang isang maliit na karatula agad naman niya ito kinuha at binasa ang naka-lagay dito
"Pull?" agad namang sinubukan ni Jose sa pinto at nagbukas!
"Tangina ang bobo ko! putek yan!" Ngayon ay panay mura naman siya sa sarili niya dahil feeling niya ang bobo niya sobra.
Aalis na sana si Jose nang madinig nanaman niya ang kalabog sa isa sa mga pinto ng cubicle dito sa cr.
Dahil na rin sa kuryusidad ay unti-unting lumapit si Jose at isa-isang binuksan ang pintuan ng mga cubicle hanggang sa...
Dumating siya sa pinaka-huling cubicle dito mas umalingasaw ang matinding amoy, Amoy na nabubulok. Napangiwi bigla si Jose at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Nagulat at biglang na paupo si Jose sa sahig ng tumambad sakanya ang isang katawan, Naaagnas na katawan ang bumagsak sa sahig.
"Putangina!" gulat na sambit niya sa nakita.
Natatakot na kinilatis ni Jose kung sino iyon. At ganun na lamang ang naging reaksyon niya dito nang makita kung sino iyon.
"M-ma'am?! Jusko po!" naiiyak na sabi niya.
Agad na lumabas ng cr si Jose upang hanapin ang ka-grupo niya para sabihin ang kalunos-lunos na nangyari sa kanilang guro.
Hindi na napigilan ni Jose ang humagugol.
"Bakit? Ano ba talagang meron sa resort na ito?" tanong niya sa sarili.
━━━━━━
"Putangina sino ka?" tanong ni Kenrick nang biglang may manghampas ng matigas na bagay sa katawan niya. Mabuti na lang at mataba siya kaya di ganun kasakit para sakanya ang hampas na iyon
Napahiwalay siya kila Camille nang biglang nawalan ng kuryente sa loob ng building 3 at nagising sa isang kwarto na sinasabi niyang storage room dahil na rin siguro sa iilang gamit ang naroon.
"Inuulit ko sino ka?!"
Hindi ito nagsalita at nagpatuloy na saktan si Kenrick.
"Hayop!" sabi ni Kenrick. Sinusubukang lumaban ni Kenrick ngunit kada kikilos siya ay nagkakaroon ng pagkakataon ito na saktan siya kaya't hindi niya magawang lumaban.
Nakahanap ng malulusutan si Kenrick at ngayon ay siya naman ang may pagkakataon na saktan ito. Sinuntok niya ito sa may bandang tiyan.
"Bakit mo ako sinasaktan?" tanong niya.
Hindi ni Kenrick magawang kilalanin kung sino man ito dahil ito ay naka-suot ng maskara. Hindi niya din ito makilala dahil ang suot nito ay hood jacket na kulay itim.
"Kilala ba kita? Sino ka? Tangina mo!" sunod-sunod niyang tanong.
Masyado nang napupuruhan si Kenrick. Madaya. Yan ang sinasabi niya, Napaka-daya nito dahil sa bukod sa suntok ay may kahoy pa itong inihahampas sakanya.
Akmang hahampasin ulit nito si Kenrick, ngunit agad na nahawakan ni Kenrick ang kamay nito atsaka kinuha ang kahoy na kanyang hawak.
Gumanti ng hampas si Kenrick. Ipinangsasalag nito ang kanyang kamay at napahiyaw ito nang biglang tumama ang kahoy sakanyang daliri na naging dahilan ng paghiwalay ng kuko niya sakanyang daliri.
Matapos mangyari iyon ay agad na nagmadaling umalis si Kenrick sa lugar na iyon, kahit na walang ilaw ay hindi siya nagpatinag at hindi ininda ang mga bagay na tumatama sakanyang paa basta makatakas lang sa taong iyon.
"Jaymar dito tayo!" napahinto siya nang marinig ang isang boses na pamilyar sakanya.
"Camille?"
"Camille! Saglit lang!" sabi niya at nagpatuloy sa pagtakbo papunta sa kinalalagyan nila Camille.
"Jaymar sabi naman na di—ARAY!" napahinto siya sa pagsasalita nang biglang matamaan siya ni Kenrick.
"Camille! sabi na eh kayo yan!" masayang sabi niya.
"Kenrick? Anong nangyari sayo? Bakit may mga sugat ka?" sunod-sunod na tanong ni Camille.
"Kasi—" hindi na nasabi ni Kenrick ang kanyang gustong sabihin dahil sa nawalan na siya ng malay.
"Jusko po! Tangina. Jaymar dali dito! Si Kenrick!"
"Dito tayo." sabi ni Jhenlie. Tulong-tulong nilang inilabas si Kenrick sa building 3.
END OF CHAPTER 6
---
032319
BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...