Hide 22

384 15 0
                                    

"TULOOONG!! TULUNGAN NIYO AKOOO!" sigaw ni Angel na nasa rooftop ng building 3. Ilang araw na siyang naroon. Mula nang sabay-sabay silang makatulog ng mga kagrupo niya dahil sa sleeping gas, nagising na lamang siya na naroon na sa rooftop ng building 3. Alam niyang building 3 ito dahil na rin sa numerong nakalagay sa pintuan ng rooftop.

Hindi siya makalabas roon dahil sa hinala niyang nilock ang pintuan sa loob.

"TULOONG!" pilit niyang sigaw kahit na alam niyang walang makakarinig sakanya. Nanghihina na din siya dahil sa ilang araw na din siyang gutom at uhaw. Nanunuyot na ang kanyang lalamunan kakasigaw, pero hindi niya ininda iyon.

"TULUNGAAAN NIYO AKOOOOO!!"

"MAY TAO BA DIYAN!"

"PAKI-USAP ILABAS NIYO AKO DITOOO!!"

"TULOOONG!!"


"May nadidinig ba kayo?" tanong ni Ernalyn.

Kasalukuyang pa rin silang nasa building 3  Unti-unti na nilang nauunawaan ang mga nagaganap sakanilang lahat.

"Meron ba?" tanong ni Airies.

"Ewan ko ha pero parang may sumisigaw?" saad ni Ernalyn.

"Baka naman guni-guni mo lang iyon" sabi ni Jenie.

"Pero, pwede bang pumunta tayo sa rooftop? Gusto ko lumanghap ng sariwang hangin sobra na kasi ang amoy dito" suhestiyon ni Ernalyn. Sumang-ayon namang ang tatlo sakanila. Para mapadali, ay gumamit sila ng elevator.

"Sa tingin niyo kapag lumabas tayo dito sa building 3 mabubuhay kaya tayo?" tanong ni Rechelle at agad na pumindot ng palapag na pupuntahan nila.

"Syempre naman!" positibong saad ni Jenie.

Nakarating sila sa ika-sampung palapag at nagsimulang maghanap ng pinto patungo sa rooftop.

Malayo pa ay nakadinig na silang ng isang tao na sumisigaw. Humihingi ito ng tulong.

"TULOOONG! MAY TAO BA JAN!!" sigaw ni Angel.

Pilit na hinanap nila Ernalyn ang boses na kanilang narinig. Iniisip niya kung ito ba ang boses na nadinig niya kanina.

"Hindi ko maintindihan sinasabi niya!" sabi ni Jenie.

"Nandito!" saad ni Rechelle atsaka itinuro ang pintuan na magtutungo sakanila sa rooftop.

Dito mas malinaw na nilang nadidinig ang sigaw ng isang tao.

"TULOOONG!"

"Angel?" usal ni Airies.

Hindi maaring magkamali si Airies, sigurado siya sa kanyang naririnig, ang boses na iyon ay pagmamay-ari ni Angel.

"ANGEL?!" sigaw ni Rechelle para kumpirmahing siya nga iyon.

"SINO KAYO?! BAKIT ALAM NIYO PANGALAN KO?" labis na naguluhan si Angel.

"KAMI ITO. SI AIRIES KASAMA KO SINA RECHELLE!"  sagot ni Airies sakanya.

"Airies?"

"TULUNGAN NIYO AKO! BUKSAN NIYO ANG PINTO!" sigaw ni Angel.

Hindi na nagsalita sina Ernalyn at agad na tinaggal nila ang harang na nakakabit sa pinto.

"Salamat!" saad ni Angel at agad na niyakap si Airies nang makita niya ang mga kaklase.

"Akala ko hindi na ako makakaalis pa." dagdag niya.

"A-ano bang ginagawa mo jan?" tanong ni Ernalyn.

"Nung una kasama ko sina Mark, tapos biglang may naghagis ng gas na nagpatulog sa aming lahat. Tapos paggising ko nasa rooftop na ako!" paliwanag ni Angel.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon