Hide 11

639 20 0
                                    

"TULOOONG!!!"

"PARANG AWA NIYO NA TULUNGAN NIYO KAMI!!"

Nagising si Mark dahil sa mga sigawang kanyang narinig. Nagulat siya nang makita ang mga kasama at ang sarili niya na nakatali ang mga paa at kamay nila sa silyang kanilang inuupuan, ang iba sakanila ay may piring ang mga mata at tanging sina Jane, Sheena, Kirsten, Cristina at Siya ang walang piring sa mata. Nakabilog sila at kaharap ang isa't-isa. Inilibot ni Mark ang paningin atsaka napansing nasa isang swimming pool sila ngunit walang nga lang tubig ito.

"TULONG!!" sigaw ni Belleza.

Kinilatis ni Mark ang mukha ng kanyang mga kasama.

"Sina Mj, Rowie, Angel, Diana at Angeline nasaan?" tanong ni Mark.

"Dinala sila ng taong nakamaskara na nakakatakot at hood jacket na kulay itim sa bahaging iyon" sabi ni Jane atsaka ngumuso sa direksyon kung saan maaring dinala ng taong nakamaskara sina Mj.

"Putangina!...Mga kelan pa tayo nandito?" tanong ni Mark.

"Dalawang araw na tayong nandito..." sabi ni Sheena.

"Nagugutom at nauuhaw na ako" ani Cristina.

Naawa si Mark sa kalagayan nila ng mga classmate niya. Naiinis din siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa sa mga oras na iyon para sakanila.

"Tanong ko lang" biglang sabi ni Kirsten.

"Kasi halos magkasunod lang kami ng paggising ni Mark...Kayong tatlo ba? Sheena, Cristina, at Jane kagaya ng amin na hindi talaga nakapiring sa umpisa?" Biglang nalito si Mark sa sinabi ni Kirsten at isa-isang tinitigan ni Mark ang mga kasama.

"Lahat ba ng nakapiring ay nakapiring talaga sa umpisa palang? o hindi? at inilagay lang bago may magising na isa sa atin? At lahat ba ng hindi nakapiring ay hindi talaga nakapiring sa una? o baka naman..." saglit na huminto si Kirsten.

"Wag na nga lang" hindi na sinabi ni Kirsten kung ano pa man ang balak niyang sabihin bigla kasi siyang nag-alangan sa mga sasabihin niya at baka may masaktan siya sa mga kasama niya.

"Para naman tong tanga!" sabi ni Mark.

"Basta ang alam ko pagkagising ko nakapiring na ako. Akala ko nga mag-isa lang ako pero nung nadinig ko ang boses ni Maan hindi pala..." sabi ni Lorria.

"Sinubukan niyo na bang humingi ng tulong?" tanong ni Mark. Lahat ng kanyang kasama ay umiling.

"Halos dalawang araw na namin ginagawa yan ngunit parang kinalimutan na yata tayo nung taong sinasabi niyo na nakamaskara" ani Arohn.

"Cristina may dugo ka!" sabi ni Jane.

"Marahil nasugatan na ako dahil sa aking pagpupumilit na makawala dito, sobrang higpit kasi nang pagkakatali sa atin kaya ayun nasugatan na ako..." sabi ni Cristina.

"Ibig niyo bang sabihin dito na tayo habang buhay?" tanong ni Junina.

"Grabe ka naman teh! Wait mo lang pagnahanap tayo ng iba nating mga kasama." sabi ni Maan.

"Think positive guys!" sabi ni Belleza.

"Hindi tayo forever na nandito okay? Gagawa ako, tayo ng paraang para makaalis tayo dito at ipaalam sa mga classmate natin ang nangyari kina Mj." sabi ni Mark.

"Wow gandang palabas naman neto!" nagulat ang lahat dahil sa biglang pagsulpot ng boses nito.

"Sino ka naman?" matapang na tanong ni Lorria, kahit na hindi niya nakikita ang mga nangyayari ay gusto niya paring makialam kung ano ang nangyayari kahit na para na siyang bulag.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon