Hide 31

362 15 7
                                    

"Camille makaka-alis na tayo bukas diba?" tanong ni Shaira.

Tumango lamang si Camille. Ayaw niyang umasa pero, anong magagawa niya kahit siya ay naniniwala niyang makaka-alis sila doon kahit ano pa ang mangyari.

Magkakasama sina Camille, Jaymar, Jhenlie, Kenrick, Marian at Shaira sa iisang kwarto sa building 2.

Nagkataon lang din na nasa parehong kwarto ang mga ito bago nila malaman na magkakasama na pala sila.

"Si Joynalyn?" tanong ni Marian. Iniisip niya na baka patay na din ang kaklase.

"Laging yun siyang wala." saad ni Jaymar.

"Pero di natin masasabi kung buhay pa ba siya o hindi na..." dagdag pa ni Jaymar.

"Kapag nakalabas tayo dito ano gusto niyong gawin?" biglaang tanong ni Kenrick.

Nanahimik ang buong silid. Nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang magsasalita.

"Yayakapin ko pamilya ko. Para kasing 7 days dito, isang taon na agad ang katumbas...Sobrang namimiss ko na kasi sila..." mangiyak-ngiyak na saad ni Jhenlie.

"Ganun din ako" sabay na sabi ni Shaira at Camille. Nagkatinginan ang dalawa.

"Gaya-gaya" saad ni Shaira.

"Kapal mo talaga!" sabi ni Camille sabay hampas sakanya.

Sa mga oras na ito masaya silang lahat na para bang walang problema, na normal pa rin nilang nagagawa ang gusto nila.

"Ako naman kakain ako. Namiss ko na luto ni mama." saad ni Marian.

"Share?" pambabara ni Jaymar.

"Okay! Epal ka talagang bakla ka" sagot pabalik ni Marian.

"Guys alam niyo ba?" tanong ni Kenrick

"HINDI!" sabay na sigaw nilang lahat saknya.

"May napanaginipan ako nung isang araw, mga punyeta kayo!" saad ni Kenrick. Napuno naman ng tawanan ang silid dahil doon.

"Ako siguro yan. Crush mo talaga ako no?" pangaasar ni Shaira.

"Gaga!"

"Ano ba yang panaginip mo? Mas  malala ba yan sa panaginip ni Jaymar na akala niya naglalakad siya, pero totoo naman talagang naglalakad siya tas doon na natulog sa kulungan ng aso?" kwento ni Camille.

"Epal kang babae ka?" naiinis na saad ni Jaymar. Nagtawanan muli ang mga ito. Gustong-gusto nilang asarin si Jaymar dahil sa itsura nito kapag nagagalit. Wala rin naman siyang palag.

"Hindi...pero kasi ang creepy lang ng panaginip ko. Nasa isang lugar daw ako tapos may mga kasama akong mga bata na nagsisi-iyakan. Hindi ko sila makilala, naka-blurred ang itsura nila, mga nasa 15 yata kami doon. Tapos biglang sumulpot ang tatlong lalaki na parang clown ang suot, ewan ko! Pagkatapos bigla nilang sinaktan ang mga bata, binabatukan, hinahampas ng tubo at kung ano pang pananakit...Naaawa ako sa mga bata sa totoo lang..." sa sinabing iyon ni Kenrick nakaramdam ng lungkot ang lahat. Hindi nila alam pero parang kahit hindi sila ang mga bata ay ramdam nila ang hirap ng mga ito.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon