Hide 35 (Part 2)

290 11 9
                                    

Sa gitna ng matinding sikat ng araw, pinili nila Camille, Marian at Shaira ang sumilong sa ilalim ng mga puno sa tabi ng gusali kung saan bumagsak si Mj. nagpapahinga't inilalayo ang mga sa sarili sa banta ng panganib. Hindi nila maiwasang mapatingin sa bangkay ni Mj na halos katapat lamang nila. Puno ng katanunga ang kanilang mga isip.

Sa kabilang dako hindi kalayuan sa pwesto nilang tatlo naroon pa rin sa gilid ng isang maliit na bahay nagtatago sina Ashley, Antoinette, Kurt at Ryan.

Kampante ang lahat sa kanilang kinalulugaran, Walang panganib ang nagbabadya sa mga oras na iyon. Kaya masasabi nilang ligtas pa sila.

"Kailan tayo aalis dito?" tanong ni Ryan.

"Kapag nagdesisyon sila Camille na umalis na din sa lugar na ito!" saad ni Kurt.

"Sa tingin niyo aalis sila jan? Eh tignan niyo! Kampante na nga sila sa pwesto nila...Parang walang panganib ang naka-abang sakanila." saad ni Ryan.

Napatingin ang lahat kay Kurt.

"Okay sige!" sabi ni Ashley.

"Aalis na tayo dito!" saad niya.

Bakas sa mukha ng tatlo ang gulat sa mga sinabi ni Ashley.

"Teka! Paano naman sila Camille?" saad ni Kurt at sumilip muli sa tatlong babae.

"Wala tayong magagawa...Kung sa tingin nila ligtas sila jan. Pabayaan natin sila, Saka may plano tayo diba? Kung bumabase tayo sakanila hindi natin magagawa ang ating plano" paliwanag ni Ashley.

"Plano? Eh alam naman nating hindi masusunod iyan!" saad ni Kurt.

"Bakit di mo pigilan si Ashley?" tanong ni Kurt kay Antoinette.

Hindi naman mapalagay si Ryan sakanyang nakikita. Hindi niya din kasi alam kung saan siya kakampi kapag nagkataon.

Isa pa, ay marahil hindi niya alam ang gagawin kapag nagkagulo ang mga kasama niya.

Naglakad si Antoinette palapit kay Kurt.

"Sabi na't kakampi ka sak—Bakit?!!" gulat na gulat si Kurt nang sampalin siya ng dalaga.

Napatayo naman bigla si Ryan dahil doon.

"Uy!" sambit niya.

"Tama naman si Ashley..." saad ni Antoinette.

"Bakit kailangang manampal? Ha!?" galit na saad ni Kurt. Sino ba namang hindi magagalit diba? Sampalin ka nang walang dahilan.

"Teka lang! Wag dito!" pag-awat sakanila ni Ryan.

"Gusto mo pa ba ng isa pang sampal?" tanong ulit ni Antoinette.

"Tama na! Okay!" muling pag-awat ni Ryan.

"Ang akin lang kasi...Bakit kailangan na sampalin ako?" saad ni Kurt. Halos maiyak pa nga siya dahil doon.

Habang si Ryan naman ay pilit na pinipigilan ang hindi tumawa, dahil na rin siguro sa itsura ni Kurt sa mga oras na iyon.

"Matatanda na kayo para sa ganitong away. Kaya, tara na!" saad ni Ashley

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon