Hide 26

326 13 0
                                    

GREEN'S POV

"Tutunganga na lang ba tayo dito?" tanong ni Red.

Bumalik kami sa cctv room dahil ito ang utos sa amin ni Lucifer.

Nasaan ba siya?

"Kanina pa tayo nandito! Ano nanaman kaya sasabihin ni Lucifer? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya, Hindi ko siya minsan maintindihan dahil sa pabago-bago niyang pagiisip!" saad ni Psyche.

Tama naman siya. Hindi namin alam kung ano ba talaga gusto niya. Tanging sa ganitong bagay lang kaming lahat nagkakasundo. Ang pumatay.

"May naisip ako habang wala si Lucifer." sabi ni Dark na naging dahilan para matuon ang atensyon namin sakanya.

Hinihintay namin siyang magsalita.

Hindi naman sinasadyang mapatingin ako sa mga maliliit na tv dito sa likuran ko. Ayun, si Lucifer! Napangiti ako, halatang masaya siya sa mga ginagawa niya. Hindi ko lang maisip kung minsan naman ay galit na galit siya...

Baliw talaga siya!

"Ganito. Since 6 pm magsisimula ang laro bakit hindi na tayo mamili ng mga bibiktimahin natin" saad ni Dark.

"Magbunutan tayo kung sino ang mga taong naka-assigned sa atin." sabi naman ni Red.

"Matagal yang bunutan! Di ako payag jan. Lugi ako sainyo!" saad ni Death

"Basta sa akin yung lima." Nagulat kaming lahat nang madinig namin ang boses ni Lucifer.

"Ah—Ganito—Ano? Naguusap lang naman kami...I-ikaw pa rin naman masusun—Sino yung lima?" Natatarantang saad ni Light.

"Yung tatlong nasa bus, Si Jose at Ashley. Masyado silang nakikialam sa atin! Kaya ako na bahala sakanila." ani Lucifer. Ang tatlong nasa bus lang naman ay sina Antoinette, Kurt at Vincent.

"Pumili na kayo ng papatayin niyo, Wala akong pake kung tig-ilan kayo basta sa oras na napatay nila kayo wala na akong magagawa dun!" saad niya at agad na umupo sa kanyang swivel chair.

"At kapag wala naman kayong napatay, wala akong magagawa kundi ang...patayin na kayo! Wala akong balak na isama ang isang patapon na basura sa grupo ko!"

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya, napaisip tuloy ako. Paano nga kung wala kaming napatay?

Pagbibigyan naman niya siguro ako...Ang laki na din ng sakripisyo ko dito!

Naghati-hati na nga kami.

Lahat ng buhay na nasa resort maliban sa limang pinili ni Lucifer ay napaghatian na namin. Natutuwa kami sa mga bibiktimahin namin.

Nananabik na ako, kami! Hindi na kami makapaghintay pa!

━━━━━

ANIKA'S POV

"MATAGAL KA PA BA JAN?" sigaw ko kay Alexia. Halos isang oras na din kasi siyang nasa cr. Hindi na makapaghintay itong kasama ko eh. Kating-kati na umalis dito.

"DALIAN MO NAMAN! MAY MGA KASAMA KA PA!" sigaw ni Hannah.

"TANGINA MANAHIMIK KA HA?! HINDI KO SINABING MAGSALITA KA!" sigaw naman pabalik ni Alexia kay Hannah.

Hindi na natapos ang away nilang dalawa at nagsisimula na rin akong mainis sa dalawang 'to. Nakakarindi na ang mga boses nila sa totoo lang.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon