Hide 29

333 14 14
                                    

Palalim nang palalim ang gabi mas lalong tumitindi rin ang patayang nagaganap sa buong Sunrise Resort.

"Handa na?" tanong ni Kurt kay Antoinette.

Pareho kasi silang natalo kay Vincent kaya naman silang dalawa ang gagawa ng plano na kanilang naisip. Nakabihis silang dalawa na kagaya ng suot nila Lucifer, may dala-dala na rin silang kutsilyo para talagang mas magmukhang makatotohanan ang pagpapanggap nila.

"Ready na!" saad ni Antoinette atsaka isinuot ang kanyang maskara.

"Parang makatotohanan! Kamukha niyo talaga sila..." saad ni Vincent na ikinatuwa naman nilang dalawa.

Walang pag-aalinlangan na lumabas sina Antoinette at Kurt sa bus.

"...Pero mag-iingat kayong dalawa ha?" pagpapaalala ni Vincent.

Iniisip ni Vincent na mas mabuti talaga at nanalo siya sa laro nilang tatlo na 'bato-bato pick' kaya naman siya ang matitira sa loob ng bus. Gusto rin naman niyang manatili sa bus para abangan ang tulong mula sa ama ni Kurt at syempre para hindi mahirapan sina Antoinette, kasi kapag tatlo silang gagawa nun, may posibilidad na isa sakanilang tatlo ang mamamatay.

"Dapat ikaw kasama ko dito Vincent eh! Tangina niyo talaga. Pinagkakaisahan niyo ako!" saad ni Kurt.

"Wala eh! Talo ka! Talo kayo!" pangaasar ni Vincent.

"Kapag namatay ako pasabi sa mga magulang ko na mahal na mahal ko sila ha?" sabi ni Kurt.

"Mabubuhay tayo! Pero kapag namatay talaga kami, ikaw, Vincent ang uunahin naming multuhin!" pabirong saad ni Antoinette.

"Tara na nga! Bago pa ako umayaw sa planong ito! " saad ni Kurt.

"Hoy seryoso! Magagalit sa akin si Jea kapag namatay kayong dalawa...kaya mag-ingat kayo putangina!" ani Vincent.

"Oo na! Oo na!" sagot ni Antoinette sakanya.

Hindi na nagsalita si Vincent at agad na sinarado na ang pintuan ng bus. Habang si Antoinette at Kurt ay maingat na naglalakad papunta sa parking lot.

"Kapag nagtanong sila, hangga't maaari wag mong sasagutin dahil mahirap na!" saad ni Antoinette. Mahirap na! baka ito pa ang dahilan na mabuko kami sa aming plano sabi niya sakanyang sarili.

Tagumpay na nakapasok ang dalawa sa loob ng resort. Labis na namangha ang dalaga sa kanyang nasilayan.

Maganda din naman pala itong resort! Sadyang creepy lang ang dating niya para sa akin! sabi niya sakanyang sarili. Nakita na niya ito pero talagang kakaiba kung pagmamasdan mo itong mabuti.

"Nasusunog pa rin pala iyang building na yan!" ani Kurt sabay turo sa building 3.

Pakay nilang dalawa ay hanapin ang ilan pa sa mga natitira nilang kaklase at dalhin sila sa bus hanggang sa dumating ang tulong mula sa ama ni Kurt. Bonus na lang kapag nagkataong mahanap at mapatay nila ang mga killer.

Pumasok silang dalawa sa loob ng building 1. Medyo madilim sa loob pero dahil na rin sa liwanag mula sa sunog ay nagkakaroon sila kahit papaano ng kanilang ilaw.

Sumalubong sa dalawa ang malansang amoy ng dugo. May ilan pa sa parte ng sahig ang malagkit kaya naman hindi maiwasan ni Kurt ang mandiri at matakot sa sitwasyon nila. Habang naglalakad ang dalawa ay nakita naman nila ang katawan ni Nicole.

"Nicole?" ani Antoinette. Nakahiga, namumutla at naninigas ang buong niyang katawan.

"Patay na siya..." saad ni Kurt.

Iniisip nilang dalawa na baka nalason si Nicole. Dahil wala naman silang nakitang bakas ng kutsilyo at mga sugat sa katawan ni Nicole.

Pero hindi dito natapos ang dalawa, patuloy pa rin sila sa paghahanap sa iba pa nilang kasama. Pumunta ang dalawa sa direksyon kung nasaan ang hangdanan.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon