Hide 8

794 28 2
                                    

DAY 3

"Wala naman talaga si Kurt dito eh. pinapahirapan lang natin ang sarili natin" inis na sabi ni Daniella. Hindi na niya maiwasan pa ang mainis dahil halos 3 araw na silang naghahanap sa kaklase nila. Nainis na din siya dahil hindi na niya maenjoy-enjoy ang 7 days na bakasyon nila dito sa resort.

"Kung wala si Kurt...possible kayang nahanap na siya ng iba sa mga kagrupo natin?" pag-iba sa usapan ni Zhienrod.

"Bakit hindi na lang kaya natin sila hanapin?" suhestiyon ni Alexia.

"Mas better." pagsang-ayon ni Rechelle.

Naisip nila na maghiwa-hiwalay silang lahat. Ang grupo nila ay mayroong 15 members ang ginawa nila ay mayroong tatlo na grupo ang may tig-4 na miyembro at ang isa naman 3. Para mas mapadali ay nagdesisyon ang mga ito na mag-assign ng building na kanilang pupuntahan. Sina Jessa, Cynni, Aren at Nancy ay sa building 4 maghahanap. Si Airies, Rechelle, Ernalyn, at Jenie sa building 3. Sina Hannah, Anika, Nicole at Alexia sa building 2. At ang huli na sina Zhienrod, Ashley at Daniella nanatili sa building 1 kung sakaling dito nagpunta ang ibang grupo ay madali nilang malalaman at sa tulong ng cellphone ng isa't-isa ay madali silang masasabihan na dumating na ang ibang grupo dito. Matapos masabi ang building na kanilang pupuntahan ay agad na naglakad ang mga ito palabas sa building 1.

"So guys! Tatlo na tayo nandito and i know na may mga gusto kayong sabihin right?" walang pag-aalinlangan sabi ni Daniella.

"I just realize na ang creepy pala nitong resort...The way how it is build, the design's and even the place kung saan mo ito mahahanap." Sabi ni Ashley.

"Alam niyo before palagi nang kinukwento ni Rc itong resort since isa itong libingan dati at puno daw ng misteryo itong resort" pagkasabi ni Zhienrod ay nakaramdam kaagad ng kaba ang tatlo. Nagsimula na silang makarinig ng mga tunog ng kadena at mga kaluskos.

"Ano yon?" tanong ni Daniella.

"Pinagtitripan ba tayo nila Anika?" tanong niyang muli.

"Hindi ba, nakita mismo ng mata nating tatlo ang paglabas nila dito sa building 1" pagpapaliwanag ni Ashley.

"Guys stop! Masyado tayong nagpapadala sa takot. Why not lumabas muna tayo at langhapin ang sariwang hangin" sabi ni Zhienrod para pagaanin ang atmosphere sa pagitan nilang tatlo. Naglakad siya papunta sa main door ng building 1.

Ayaw mang isipin ngunit natatakot pa rin sina Ashley at Daniella sa kanilang narinig. Pero dahil sa baka guni-guni lamang nila iyon ay sasama na din sila kay Zhienrod papunta sa main door.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!" sigaw nila Ashley nang makitang bumagsak ang katawan ni Zhienrod. Lalapitan sana ni Daniella ang katawan ni Zhienrod upang alamin kung bakit siya bumagsak nang biglang sumulpot ang isang taong naka maskara ng nakakatakot at nakahood jacket na kulay itim. Agad na hinatak ni Ashley si Daniella at nagtago sa ilalim ng counter sa lobby ng building 1.

"S-sino naman i-iyon? A-anong gi-ginawa niya k-kay Zhienrod" nanginginig na sabi ni Daniella.

Sumilip ang dalawa sa maliit iwang sa ibaba ng counter table na pinagtataguan nila. Dito nakita nila ang marahang pag-angat ng taong naka maskara sa kanyang palakol atsaka mabilis na ibinaba ito. Agad na napatakip ang dalawa ng bibig nang gumulong sa direksyon nila ang ulo ni Zhienrod nakadilat ang mga mata nito na tila ba ay nakatitig sakanila.

Umiiyak na umiling si Ashley. Zheinrod...

"U-umalis na t-tayo dito." pag-aaya ni Daniella kay Ashley. Pareho silang umiiyak dahil sa sinapit ni Zhienrod.

Habang abala ang taong nakamaskara sa pagtataga sa natitirang parte ng katawan ni Zhienrod. Nabalot ng dugo ang sahig ng lobby. Sinamantala iyon nila Daniella na makatakas sakanya. Tumakbo sila agad nang makalayo na sila sa taong nakamaskara.

Nakahinga ng maluwag sina Ashley at Daniella dahil alam nilang malayo na sila sa kapahamakan.

"Saan punta niyo?" marahang lumingon sa likod ang dalawa at dito nakita nanaman nila ang taong nakamaskara na may hawak na kutsilyo.

Akmang sasaksakin nito si Ashley ngunit agad na nasalag ito ng dalaga. Magaling si Ashley pagdating sa martial arts. Binigyan niya ng isang malakas na sipa sa tagiliran  at sinundan ng isa pang malakas na sipa sa binti ang taong nakamaskara, napahiyaw ito sa sakit. Habang iniinda pa nito ang sakit ng sipa ni Ashley ay agad na tumakbo sila palayo at pumasok sa isang sa mga kwarto, doon muna sila magtatago pansamantala.

━━━━━━

"Guys saglit." sabi ni Anika na ikinahinto naman ng iba pa niyang mga kasama.

"Nalimutan ko yata cellphone ko. Balikan natin please." sabi niya.

"Wag na! may dala naman kaming cellphone eh." ani Alexia.

"Sige na please..." pagmamaka-awa ni Anika

"Ano ba kasing importante naroon at bakit kailangan pa natin balikan!" hindi na maiwasan ni Alexia ang tumaas ang boses.

"Galit?" sabi ni Hannah

"Ano ba? Sige Anika gusto mo balikan natin yung cellphone mo? Sige babalikan natin. Ikaw naman Alexia kumalma ka jan." ani Nicole at agad na lumabas ng building 2

"Oh, Ano? babalikan pa ba natin cellphone mo Anika? o hindi na?" dagdag ni Nicole

Hindi na nagsalita sina Anika at sinundan na lamang si Nicole sa labas. Unti-unti na din nmang kumalma si Alexia at sumama na din sakanila.

Pagdating nila sa building 1 ay umalingasaw kaagad sakanila ang malansang amoy.

"Wala pa yan kanina diba?" tanong ni Hannah

"Ano bang ginawa nila Ashley dito ha?" tanong ni Nicole.

Pumasok silang apat sa loob at nagulat sa kanilang nakita. Isang katawan ng tao na chinop-chop hanggang sa magpira-piraso. Nagmimistulang carpet ang dugo na nakapalibot sa sahig masyado na din itong malagkit. Sa may counter ay may napansin silang apat. Ulo ng isang lalaki, ulo ni Zhienrod

"Ano bang nangyari dito?" naiiyak na tanong ni Anika.

END OF CHAPTER 8

---

041019

medj nakakalito talaga ito guys since madaming tauhan ang nagkalat sa iba't-ibang building. kaya sana tinatandaan niyo :)

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon