Hide 17

489 16 1
                                    

"So ano ngang meron dito?" tanong ni Jea.

"Bakit sobrang dami ng kandado sa main gate? Sino yung taong nakamaskara kanina? Bakit nandito ka sa bus? Nasaan sila? Nasaan ang mga kaklase natin?" sunod-sunod na tanong ni Vincent. Napuno ng katanungan ang isip nilang lima lalo na't nakikita nila sa mukha ni Kurt na kinakabahan siya.

"Ewan" yan lamang ang tanging salita na nasabi ni Kurt. Kahit siya ay naguguluhan na din sa mga nangyayari, Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sakanila Jea dahil wala talaga siyang ideya sa mga nangyayari ang alam lang niya ay pinagtitripan siya ng kanyang mga kaklase para mapilit na pumasok sa loob ng resort.

"Seryoso ka?" ani Antoinette.

"Teka diba dapat nasa loob din kayo? Bakit nasa labas kayo? gayung nakakandado ang main gate" pagiiba ni Kurt sa usapan.

"Wag mong ibahin ang usapan! Magkukwento din naman kami saiyo eh, pero putangina sagutin mo muna ang mga tanong namin" nagsisimula nang mairita si Antoinette kay Kurt. Naiisip niya na kung hindi pa sasagot ng maayos ang lalaki ay mapipilitan siyang saktan ito.

"Tama naman si Antoinette...Ano ba kasi talaga ang nangyayari dito? Theme ba talaga ng resort ito o nangtitrip lang sila tapos kasabwat sila Jose para isurprised kami ganun ba? Kasi alam mo namang nahiwalay kami sainyo?" tanong ni Deniel

"Sorry...pero sa totoo lang, hindi ko alam kung umaarte ba sila o totoo na ang mga ginagawa nila. Kung trip lang ba ang lahat o seryoso na! Nung nakaraang araw nakita kong bitbit nung tao kanina na nakita natin ang katawan ni Ma'am na tila ba ay patay na siya, Kasunod naman nun ay nakita kong pinatay niya si Manong Bok...nakita ng dalawang mata ko mismo kung paano niya patayin si Manong tapos kahapon lang may nadinig akong napakalakas na tunog na para bang may sunog sa loob...Ang alam ko umaarte sila— pero. ewan ko! hindi ko na talaga alam!" litong-litong na si Kurt. Feeling niya sa mga oras na ito ay sasabog ang utak niya sa mga nangyayari.

Natahimik ang lahat. Napakalalim ng kanilang mga iniisip. Gusto nilang masagot ang lahat ng kanilang katanungan ngunit paano? Kung ang taong alam nilang sasagot sakanila ay wala din palang alam sa mga tanong nila.

"Is it possible ba na may kinalaman si Lucifer dito?" biglang tanong ni Vincent.

"Nagawa niya nga tayong patayin, pero buti na lang talaga at nakaligtas tayo" ani Jea.

"Sino naman iyon? Atsaka wait—patayin?" tanong ni Kurt.

"Oo, binalak niya kaming patayin, muntik-muntikan na. Tanggalan ba naman ng break ang kotseng sinasakyan namin!" paliwanag ni Deniel

"Kurt! Open the door." mahinahong utos ni Ariana. Nakatitig ang lahat sakanya dahil sa biglaan niyang magsalita.

"Ha? B-bakit naman?" tanong ni Kurt.

"Ano ba?! Open the door!" nagulat ang lahat sa biglang pagtaas ng boses ni Ariana. Wala silang ideya sa mga ikinikilos ni Ariana kaya naman walang nagawa si Kurt kundi ang buksan ang pinto. Dahan-dahan namang ng naglakad si Ariana papunta sa pintuan ng bus.

"Anong ginagawa mo?! Baliw kaba? O tuluyan ng nasiraan utak mo? Hindi mo ba nadinig si Kurt hindi niya alam kung biro lang ba iyon o seryoso na ang ginagawa nila Jose o kung sino man yon. Baka nga si Lucifer iyon hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin. " saad ni Antoinette.

"Kaya nga diba? Lalabas ako then let see kung anong mangyayari sa akin. Basta hayaan niyo na lang ako." sabi ni Ariana. Walang kaalam-alam ang lahat sa binabalak ni Ariana. Para sa dalaga iniisip niyang ito lang ang paraan para matapos na ang katanungan nilang lahat.

Anong silbi ng katapangan kung hindi ko ito susubukan.

Mas mabuti nang ako ang gagawa nito...Ayokong may mapahamak sa mga kaibigan ko. Kung mamamatay man ako ngayon, edi maganda atleast nabigyan ko ng pagkakataong magplano sina Antoinette. Sana lang at mapatawad nila ako sa gagawin kong ito...

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon