JHENLIE'S POV
Natatakot ako!
Tahimik ang buong lugar, maski si Glydel na kasama ko hindi nagsasalita.
Habang lumalalim ang gabi mas lalo akong kinakabahan sa mga mangyayari. Sobrang dilim din ng buong lugar, pero buti na lang at dala namin ang cellphone namin.
"Kausapin mo ako! Natatakot ako eh!" utos ko sakanya.
Seryoso! Natatakot talaga ako kaya sana naman kausapin niya ako. Baka mabaliw lang ako dito.
"Relax ka lang." mahinahong saad niya.
Tama. Dapat magrelax lang ako, Inhale. Exhale.
"Tanong ko lang..." hindi ko talaga kaya na ang tahimik ng paligid ko lalo na't ganito pa ang nangyayari sa amin. Buti sana kung nandito si Jaymar o si Shaira man lang, kasi sigurado akong may makakausap talaga ako! Si Glydel kasi kung minsan napakatahimik.
"Bakit ka sumama, dito! sa bakasyon natin? Kasi nung una, isa ka sa mga hindi sasama diba?..." tanong ko. bigla naman siyang napatingin sa akin.
Bakit?
Binigyan ko lang siya ng gusto-ko-malaman-eh look. Pero sigurado akong alam ko naman kung anong dahilan niya.
"Naisip ko kasi na sayang...sayang naman yung chance kapag hindi ako sumama. Kasi nanghihinayang ako. Kayo nagsasaya tapos ako nasa bahay lang inaalala yung projects natin...kaya sumama na lang ako." paliwanang niya.
"Sino ba naman kasing magaakala na ganito ang mangyayari sa atin diba? HAHAHAHAHAHAHAHA" saad ko. ang awkward naman ng ganito. hindi talaga ako sanay.
"Nakakalungkot lang..." bulong niya pero dinig ko naman. Hindi ko talaga inaasahan na ganito ang magiging bakasyon namin. Para akong binabangungot, kaya sana naman magising na ako...
Nasaan na kaya mga kasama namin? Sana okay lang din sila...
"Malapit na matapos ang lahat Glydel...Alam kong gumagawa ng paraan ang mga kaklase natin para maligtas tayong lahat dito!" saad ko.
Hindi naman pwedeng dalawa kami na susuko, kaya dapat positive lang kami at isipin na matatapos na ang lahat. May araw din yang si Lucifer.
"Ano yun!?" tanong namin nang makarinig kami ng kakaibang tunog.
Nasa isang kwarto kami dito sa building 2 at kasalukuyan kaming nasa cr ng kwartong ito.
Nadidinig namin ang mga nababasag na kagamitan sa labas ng cr. Siya na kaya ang killer?
Ilang saglit pa ay nakita ko na ang repleksyon ng anino niya sa tapat ng pinto at marahang pinihit ang seradura nito.
Nagkatitigan kaming dalawa ni Glydel, agad naman naming pinatay ang ilaw mula sa aming cellphone para hindi niya kami makita.
Ilang saglit pa ay lumitaw sa pinto ang isang killer. Madilim ngunit kita namin ang kutsilyong kanyang hawak-hawak
Mabilis na nagdikit kami ni Glydel na ngayon ay kayakap ko dahil sa takot. Nagsimula na ding manlamig ang mga kamay ko.
"Wag kang matakot! Kapag lumapit siya...tumakbo ka kaagad kailangan na makaalis ka na dito" bulong ni Glydel.
"Paano ka?" tanong ko at muling tumitig sa killer. Ewan ko, pero nakatayo lamang ang killer sa tapat ng pinto.
"Ako na ang bahala sakanya." saad ni Glydel
"Hindi pwede! Sasama ako sayo! Aalis tayong magkasama dito!" sabi ko. Hindi ko makita ang kanyang reaksyon pero dinig ko ang malalim na paghinga niya.
BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...