Hide 23

403 16 0
                                    

KURT'S POV

Kailan ba kami makaka-alis sa resort na ito?

Bumalik kami ni Vincent sa bus para sabihin kay Antoinette ang nangyari kay Jea at Deniel.

Sigurado akong sa mga oras na ito'y hindi malabong patay na si Deniel lalo na't pakalat-kalat lang ang mga killer.

"Bakit naka-bukas ang pinto?" nagtatakang sambit ni Vincent

Lumapit pa ako sa bus at totoo ngang naka-bukas ang pinto.

Pero masyado nang malalim ang gabi...Saan naman pupunta ang babaeng yon?

Pumasok kami sa loob ng bus. Hinanap namin siya baka naman nakaligtaan lang niyang bukas ang pinto ng bus kaya ganun.

"Wala siya dito!" saad ni Vincent.

Saan naman siya pupunta?

"Oh?" sabi ko. Napansin ko kasing may nagbukas ng bag sa dulo nitong bus, yun ang bag na may mga gamit na maaaring ginagamit nila Lucifer sa pagpatay.

Pinakielaman kaya ito ni Antoinette? Para saan naman?

"Hay!...Putangina alam ko na gagawin ko." nagulat kaming dalawa ni Vincent nang pumasok sa bus ang isa sa mga killer.

"Lumayo ka! Putangina!" pagbabanta ni Vincent.

Mukhang nagulat din ang killer sa amin ni Vincent kaya naman parang nanigas na siya sa kinatatayuan niya.

"Oo tama! Kung ayaw mong patayin ka din namin." hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Nagulat ako nang humalakhak siya nang napakalakas

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Anong problema nito?

"Galing naman ninyo, WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" patuloy pa rin siya sa pagtawa na akala mo wala nang katapusan iyon.

"Ako 'to." sabi niya at agad na tinanggal ang maskara niya. Si Antoinette.

Kaya madali kami mapahamak dahil sa mga tamang hinala namin eh. Nakahinga ako ng maluwag nang malamang hindi siya ang killer.

"Bakit naka-suot ka nang kagaya sa mga killer?" tanong ni Vincent.

"Nakita ko lang ito sa dito sa bus...Ginamit ko bilang disguise nang sa ganun kapag gusto ko pumasok sa loob hindi ako kaagad makikilala ni Lucifer at iisipin niyang kasama nila ako." saad ni Antoinette.

Isinara niya ang pinto ng bus para mas makapagusap kaming tatlo nang mabuti.

"Sina Jea? Oo alam ko nagaway kami. Pero siguro malamig na ulo nun kaya parang hindi na din kami nagaway. Asan na siya? Si Deniel nasaan?" tanong niya sa amin.

Paano ba namin sasabibin patay na sila. Oo, hindi ko alam kung patay na ba si Deniel, pero doon din naman mapupunta ang lahat eh.

Tahimik lamang kaming dalawa ni Vincent. Hindi naman namin alam kung paano sasabihin ang lahat nang hindi siya masasaktan.

"Bakit ba ang tahimik niyo bigla? Kutusan ko kaya kayo jan. Nasaan na ba sina Jea?" sabi niyang muli.

"Ano ba talagang nangyari ha? Tell me."

Hindi na namin pinalagpas pa at sinabi na namin ni Vincent ang totoo, na napatay namin si Jea dahil akala namin siya yung killer. Pero hindi namin sinasadya, hindi naman namin siya nakilala kaagad dahil sa walang ilaw sa buong building 1. Tao lang naman kami, nagkakamali. Sorry talaga Jea... Sinabi na rin namin na nagpaiwan si Deniel at hindi malabong mamatay siya, dahil nasa paligid lang ang mga killer.

"Seryoso kayo?" hindi makapaniwalang saad niya.

"Sabi ni Jea, Sorry daw. Hindi niya ginusto na mag-away kayo pero, magkaibigan pa rin naman kayo." sabi ni Vincent.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon