Hide 12

621 26 0
                                    

"Eh kung bumalik na kaya tayo sa city?" suhestiyon ni Jea

Matapos makaipon ng enerhiya at lakas napagdesisyunan nilang lima na pumunta sa Sunrise Resort kung saan naroon ang mga kaklase nila

"Gaga teh! Sige ikaw pumunta sa city ha? tas lakarin mo lang ha?" ani Deniel.

"Parang tanga!" sabi ni Ariana kay Deniel.

"Sigurado ka bang dito ang daan papunta sa resort?" tanong ni Antoinette.

Kahit na si Deniel ay nagaalangan din sa daang tinatahak nila ngunit ayaw niyang panghinaan ng loob sa halip ay  minabuti niyang magtiwala sa sarili.

"Oo naman! Hindi naman ako kagaya ni Vincent noh!" sabi niya sabay irap kay Vincent.

"Aba't tangina mong bakla ka ha! Nananahimik ako dito!" sabi ni Vincent at akmang susuntukin si Deniel.

"Tama na!" pagawat ni Jea.

"Basta magtiwala kayo sa akin...alam kong tama ang dinadaanan natin at alam kong malapit na tayo sa resort" sabi ni Deniel.

"Dapat lang!" ani Jea.

"Sana talaga tama ako..." bulong ni Deniel.

At nagpatuloy na nga nilang tahakin ang isang napakahabang daanan. Maaraw pa sa mga oras na ito. Walang sasakyan, walang bahay tanging daan lang na napapalibutan ng mga puno sa magkabilang gilid.

"Feeling ko tuloy para tayong nasa isang movie..." sabi ni Vincent.

"Isipin niyo yung tipong nasa bingit na tayo ng kamatayan pero heto tayo ngayon buhay pa rin. Tapos itong lugar na dinadaanan natin parang sa movie lang din na napanood ko...kaso horror yun eh." paliwanag ni Vincent.

"Pero hindi ba kapag ganito may chance ulit na mamatay tayo...At panigurado kapag ganito may mga multo at mga lamang lupa ang darating" ani Ariana.

"Jusko naman wag na nga kayo magusap ng ganyan!" sabi ni Deniel. Hindi naman sa ayaw pero medyo natatakot sa usapang multo si Deniel kaya't kahit na sa movie pa 'yan ay hindi siya interesadong pagtuunan ito nang pansin.

"Guys may dala kayong cellphone?..." tanong ni Antoinette.

"Nahulog ko kasi cellphone ko sa bangin eh"

"Lowbat na ako eh pero si Vincent yan laging full charge phone niyan!" sabi ni Jea.

"Bakit sa akin?" tanong ni Vincent.

"Makikitatawag lang naman ako." ani Antoinette.

"Ang damot mo Vincent! parang di ka naki-hotspot kay Antoinette dati ah?" sabi ni Ariana na parang kinukonsensya niya si Vincent.

"Oo na putek yan! pinatutulungan niyo talaga ako eh!" sabi ni Vincent at inilabas ang cellphone mula sa bulsa niya.

"Wag mong lowbatin ha?" sabi niya sabay abot kay Antoinette ng phone.

"Wow ha? 100 % pa nga eh! Lowbat kaagad?!" sabi ni Antoinette. Tinawanan na lamang ito ni Vincent.

Hindi na pa nagsalita ang lahat at nagpatuloy sa paglalakad. Pumunta sa likod si Antoinette at sinimulang magdial ng number. Sinubukan niyang tawagan si Camille ngunit nakapatay ang phone niya, Sinubukan din niyang tawagan si Shaira, Jaymar at Jhenlie ngunit kagaya ng kay Camille nakapatay din ang mga phone nila.

Naghanap sa contacts si Antoinette ng mga classmate nila na pwede niyang tawagan pili lang ang mga nandito ngunit ang iba kung hindi patay ang phone ay ibinababa nila mismo ang tawag.

"Putangina ninyo!" hindi tuloy maiwasang mapamura ni Antoinette sa mga nangyayari.

Sinubukan niya muling tawagan ang lahat ng nasa contacts na kaklase niya. Ngunit pumukaw sa kanyang atensyon ang contact na may pangalang 'Lucifer', nung una ay nagalangan si Antoinette na tawagan ito dahil nga sa hindi niya kilala kung sino si Lucifer. Pero kumpiyansa siyang kaklase niya ito.

HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon