Alas dose ng tanghali mainit pa sa sikat ng araw sa tanghaling tapat ang ulo ng mga tao na nasa Sunrise Resort dahil sa mga nangyayari sakanila.
"Gutom na ako! Ilang araw din akong hindi nakakain..." sabi ni Antoinette kasalukuyan pa rin siyang nasa bus, huling silip niya sa labas ay nakita niyang naglakad sina Jea papunta sa parking para makapasok sila sa loob ng resort.
"Wala bang pagkain dito?!" tanong niya. Sa sobrang gutom ay napilitan siyang maghalungkat sa loob ng bus ngunit bigo siyang makahanap ng pagkain.
Masyadong mainit ang temperatura sa labas kaya naman mas ginusto niyang manatili sa bus dahil alam niyang may aircon ito kaya naman mas pinili niya ito dahil wala siyang kasiguraduhan na makakahanap siya ng pagkain sa sobrang init ng panahon ngayon.
"Baka mas mamatay pa ako sa heatstroke kesa sa gutom eh" saad niya.
Ilang saglit pa ay nagsimula nanamang tumunog ang isang napakalakas na sirena na para bang may truck ng bumbero sa loob ng resort.
"Yan pala yung tunog na tinutukoy ni Kurt" para mas madinig ni Antoinette ang tunog ay bahagya niyang binuksan ang isang bintana sa bus para madinig ito.
Katulad ng nangyari kahapon ay sinundan ang tunog na iyon ng isang mikropono na sa muling pagkakataon ay parang tinitimpla nanaman ito. Ngunit para sa mga estudyante alam na nilang si Lucifer ito, maliban lamang kila Jea na kakarating palang sa lugar na iyon.
"Alam niyo nadidismaya ako sainyo...Wala kayong thrill makipaglaro kaya naman pala mas pinili ng teacher niyo ang mamatay eh, kasi alam niyang hindi kayo interesado sa laro...di bale sa larong ito sisiguraduhin kong magi-enjoy tayong lahat. " nagulat ang iba at ang iba naman ay napayuko na parang alam na nila ang nangyari sakanilang guro.
"Natutuwa ako kasi dumating na ang mga taong pinakahinihintay ko. Alam niyo ba kung sino siya? O kung sino sila?"
"Gago pala 'to eh! Tanungin ba naman tayo kung sino sila eh alam naman niyang wala tayong alam!" usal ni Jaymar.
"Siya ba si Lucifer?" tanong ni Jea nakapasok na sila sa loob ng resort.
"Siya na siguro yan. Siguro kung andito si Antoinette makikilala niya iyan kasi siya lang naman ang nakadinig ng boses nun eh" saad ni Vincent.
"Tsk!" ani Jea.
Ang iba sa mga estudyante ay minabuting hindi pansinin si Lucifer upang hindi sila mapikon sakanya.
"Walang iba kundi sina Antoinette. Akalain niyo 'yon humabol talaga sila sa laro natin! Palakpakan niyo naman sila...Gusto nilang sumama kaya ayan pinilit nila na makapunta dito." masayang saad ni Lucifer.
Nagulat sina Jea nang madinig nila iyon. At nagsisimula na ding mainis.
Tuwang-tuwa naman sina Camille dahil alam nilang ligtas ang mga kaibigan nila ngunit natatakot pa rin sila sa maaaring gawin ni Lucifer sakanila.
"Hindi na ako magpapakilala sakanila dahil alam ko namang simula palang ay kilala na nila ako."
"Kilala mo mukha mo!" usal ni Antoinette. Natatakot man siya pero para madinig ang nagsasalita ay mas pinili niyang lumapit sa maingate.
"Did i tell y'all na may mga kasama ako?" sabi ni Lucifer na may halong pangaasar sakanyang boses.
Nagulat muli ang lahat sa sinabing iyon ni Lucifer, maliban sa mga taong nakakaalam na hindi talaga siya nagiisa.
"Nakakatuwa talaga 'yang mga mukha niyo kapag nagugulat kayo" usal ni Lucifer atsaka tumawa nang napakalakas.
"May mga kasama ako pero hindi ko sasabihin kung ilan, kami..." sinundan niyang muli iyon ng kanyang nakakatakot na tawa.
BINABASA MO ANG
HIDE
Mystery / ThrillerPaano kung ang bakasyong inyong matagal nang plinano't pinaghandaan ay mauuwi lamang sa kapahamakan, sa kamatayan? Maka-liligtas kaba? Kung ang iyong kalaban ay ang sarili mo ring kaibigan? - started: 02/03/19 ended: 10/27/19 THIS STORY WAS ORIGIN...